Naka-accused ako na may Favoritism daw ako. According to the feedback, e binibigay ko raw ang opportunities sa iilang tao lang at hindi raw sa lahat. Tapos mas challenging daw ang mga assignments ng mga favorites ko at saka mas madali silang na-pro-promote o nabibigyan ng increase.
Ang sagot ko, simple lang. Korek! May favoritism talaga ako. Well, buti na lang bina-back-upan ako ni John Maxwell, Stephen Covey at lalong lalo na ni Malcolm Gladwell.
Iniisip ko naman. Lahat naman tayo may favorite na damit, sapatos, TV Show, artista, singer. At sa tao naman, meron tayong favorite tito/tita, pamangkin. Fact of life.
Dapat bang may favorite? Hindi, syempre. Pero masama bang magka-favorite? Syempre hindi rin naman.
Ano ang opinyon ninyo sa favoritism?
2 comments:
hmmmm...mga bitter lang ang nagsasabi sa mga tao na meron silang favoritsm...
i think it's just but normal to have favorites. e kung si Jesus nga may favorite na apostle d b c John he he he...
Post a Comment