Sunday, December 27, 2009

Na-mi-miss nyo na ba si Tito Jorge?

Marunong Magbilang


Guro: Iho, nakita ko ang kuya mo na naglalaro ng tong-its sa kanto. Pinapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral. Sana di mo siya tularan at pagbutihin mo ang pag-aaral mo.

Karl: Wag po kayong mag-alala ma’am, di ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko eh.

Guro: Talaga! Alam mo bang magbilang?

Karl: Opo!

Guro: Umpisaham mo nga

Karl: One…Two…Three…Four…Five…Six…Seven…Eight…Nine…Ten!
Guro: Magaling! Kaya mo bang ituloy?

Karl: Opo!

Guro: Very Good! Sige nga. (Tuwang-tuwa)

Karl: Jack…Queen..King!!!!


*****

Pablo: Father, patawarin po ninyo ako.

Pari: Ano ang kasalanan mo?

Pablo: Nagnakaw ako ng limang manok.

Pari: Magdasal ka ng limang Ama Namin.

Pablo: Father, walong Ama Namin na po ang dadasalin ko. Babalikan ko pan yung naiwan kong tatlong manok.
mga jokes na recycled - galing sa internet


*****

Sa hardin ng Paraiso.

Adam: Lord, hindi ko na kaya ang pagtukso ng ahas sakin!
Lord: maging matatag ka, anak. Ano ba ang tukso niya sa iyo?

Adam: Uy Supot! Supot! Supot!

*****


Ano kadalasan ang sinasabi kapag nautot?

American: Excuse me.

British: Pardon me.

Pinoy: NOT ME!

*****

Pangalan Animal

Animal na hindi sigurado – BAKA

Animal na laging putol - CAT

Animal na palaging ayos – OX

Animal na pangit - eh, di COW

********

Pari at Preso

Kakatapos lang basbasan ng pari ang isang presong nakaupo sa silya-elektrika.

Pari: “Mayroon ka bang nais hilingin bago ka bawian ng buhay?”

Preso: “Opo.”

Pari: “Ano yun, anak?”

Preso: “Pwede po bang hawakan n’yo ang kamay ko hanggang bawian ako ng buhay?”


*****

Anong Isda


Guro: Wow! Ang ganda ng drawing mong kabayo Mario. Naku! Antonio, ano’ng klaseng isda ito? Halos di na makilala sa kabubura mo. Bangus ba ito?

Tonyo: Hindi Mam!

Guro: Ano nga ito? Tilapia?

Tonyo: Hindi rin po Mam.

Guro: (Galit na) ano nga ito, Lapu-lapu?

Tonyo: Bagoong Mam!

*****

No Signal

A policeman saw a man on the top floor of a building.

Police: “Wag kang tatalon! Marami pang nagmamahal sa ‘yo!

Man: Tumahimik ka! Wag mo akong pakialaman! ‘Di ako maka-send!

*****

Police Chief: “Guards, may nakawalang preso sa selda! Bantayan ang mga exits!”

Later…..

Guard: “Sir, nakatakas ang preso.”

Police Chief: “ Paano nangyari iyun?”

Guard: “ Sir, sa entrance siya dumaan.”
*****

Kriminal: Father, forgive me for I have sinned

Pari: Sabihin mo na lahat ang kasalanan mo anak.

Kriminal: Father, pinapatay ko ang lahat ng naniniwala sa diyos. Kayo po ba Father naniniwala doon?

Pari: Sino ‘yun?

*****

Intsik: Patay punta sa heaven, asks St. Peter: “ Ano dyan sa kabila?”

St. Peter: “Wala, impyerno. Super init!!”

Intsik: “Lipat ako dun.”

St. Peter: “Ha! Bakit?!”

Intsik: Ako benta ice water.

*****

Kalbo

Q: Bakit matamis ang ulo ng nakakalbo?

A: Eh Kasi panot siya

*****

Mga Tangang Super Heroes

Q: Bakit tanga si Superman?
A: Kasi inuna niyang sinuot ang pantaloon bago yung brief.

Q: Bakit tanga si Batman?
A: Kasi inuna niyang sinuot yung pantaloon bago ang brief, tapos nag boots at sinturon pa.

Q: Bakis mas tanga si Robin kay Batman?
A: Kasi lahat ng ginagawa ni Batman, ginagaya niya.


Q: Bakita pinakatanga si Spiderman?
A: Kasi naglagay siya ng brief sa ulo.

Q: Bakit tanga si Wonder Woman?
A: Kasi naglagay siya ng sinturon sa ulo.

at dahil asa Japan si Tito Jorge......

Q: Ano sa hapon ang pangit?
A: Kamukamo (kamukha mo!)

Q: Ano sa hapon ang “this is my car’?
A: Otokoto

Q: Ano sa hapon ang biskwit?
A: Emwaysan

Q: Ano sa hapon ang “Washington”?
A: Tonshingwa

No comments: