1) Welcome to the Family, Aix.
This year we welcome Ayka to the unending world of Pagpapapila. Ang pag-pila, merong limit, pero ang pagpapapila habang buhay. So Aix, sorry it has just begun. =(.
Ngapla Aix. Marami pala ang pumuri sa golden outfit mo kahapon. Lalo ka raw gumanda =). O ayan, di bale ng wala kang trabaho, at least maganda ka naman pati damit =).
2) More of Aix and the favorite part of the Day
I asked some 3Gs today about their favorite part of the PB Golden party. Siyempre Pilahan ang sagot nila. Pero gusto rin daw nila ang PB Boys presentation at ang overall tribute ni Par including Par's speech.
Ang di nyo pa alam, nung nagpapila pala si Aix - eh hindi muna pumila ang mga malalaking 3G. Puro maliliit pala muna ang pumila at umalis muna yung iba. Well, until nga tawagin sila ni Ayka. Nice di ba? Nahihiya rin naman pala ang mga malalaking 3G - sa mga kapwa 3G!
Tinanong nga ako ng mga 3G kahapon kung gaano katagal na kong nagpapapila - the answer is 17 years, at pumila ako ng 19 years. Pero siyempre isipin natin kung gaano katagal nagpapapila si Tito Egay (our mentor dati sa pilahan), sila Tito Jorge, sila Tito Jim, Tita Edith, Par, Ate at lalong lalo na sila Lola Maam at Ditse. haha.
3) Speeches
Marami rin pala ang nagsabi sa akin na sobrang na-touch sila sa anecdote ni Ate at sa speech ni Sister Vicky. I agree. Very heartfelt speeches and anecdotes indeed, lalo na yung kuwento ni Ate about the school incident na kakatawa - with matching picture taking.
Meron ding mga nag-i-intriga sa speech ni Tita Bhogs ha. Pero live na nating idiscuss wag na dito hehehe
4) Gab
And the only person to correctly answer the X8 Spelling question is Gab. And the word was fluorescent. Marami talagang nagkakamali sa spelling niyan. Congratulations Gab!
Also, many were surprised by Gab's dance performance yesterday. Siguro nalimutan na ng mga tao na Gab was Best Child Performer in the PB Filmfest only 3 years ago. So I guess, Gab is just expanding his repertoire of talent. So pakaingat kayo kay Gab - Actor, Performer, Dancer, Math Genius, at Magaling sa Spelling. A quintuple threat. At pogi pa nga pala sabi ni RapRap, sorry. So 6-times threat.
No comments:
Post a Comment