Last night, nag-dinner ng mga Binan PB Boys. Di ba nga di sila maka-spell (hehe), so kumain na lang kami at nagkape. Nag-japanese dinner kami and then Starbucks. We each had the bento sets - at lahat kami may tempura. Afterwards, nag-Frapuccino naman kami - nag-co-complete kasi ako ng stickers planner for Tita Rhoda.
Ang topic namin over coffee ay mga technological innovations. Ayos ba? Pinaguusapan kasi naman kung sino ang mga pinakamayayaman na tao sa mundo, at kung bakit sila mayaman. Ang sagot: magaling silang mag-imbento at mag-innovate.
Pinag-usapan namin ang pagbagsak ng mga Beepers, at ng Encyclopedia - di kasi nakabagay sa panahon. Nasabi rin namin na ang next na magiging pinakamayaman sa buong mundo ay yung makakaisip na magdadagdag sa CELLPHONE. Siguro mga 4 bilyong tao sa buong mundo ang may cellphone, so kung maisip mo kung ano ang idadagdag dun - wow! posible ka talagang yumaman.
Over the years, kung anu-ano na ang nasa cellphone:
- Camera siyempre. kung sino nakaisip nito, mayaman na ngayon
- Wifi, Bluetooth kaya nga merong access sa Facebook, Twitter etc.
- TV/Radio, lalo na yung Chinaphone
- Games
- Maraming applications sa iPhone (meron ngang lighter at beer di ba?)
- Accessories: mga dekorasyon, case, necklace etc.
Ang tanong, ano kayang next na ilalagay sa cellphone na bebenta sa maraming tao?
- Sabi ko Payong. Why not? Cellphone na may payong, di ka na mababasa =(
- Cellphone na may swissknife. hehe para maraming gamit
- Cellphone na may ihian hehe. pag may naka-imbento nito siguradong yayaman.
ano pa kaya ang pwedeng ilagay sa cellphone?
No comments:
Post a Comment