Nakuwento ko na dati na ang aking favorite tambayan ay ang Cav. Astig na bar sa Serendra, na ang gimik ay Wine Tasting. May wine cellar sila sa mismong restaurant. Tapos, puwede ka talagang sumubok ng iba't-ibang uri ng mga wines. So ang mga wines ay nakakabit sa dispenser. Puwedeng sumubok ng isang buong baso, kalahating baso o isang shot. Syempre iba-iba ang presyo. Ang daming pagpipilian na mga alak - merong galing Napa Valley sa California, France, Germany, Australia, Chile at marami pang iba. OK din ang selection nila ng mga Keso, bagay na bagay sa wine.
Try nyo rin.
Isa sa topic namin kanina ay ang pagkakaiba ng bagong workforce (GenY) sa aming mga GenX. Dami kasing mga raffle sa office, at pati pala dyan ay makikita mo ang pagkakaiba ng mga opinyon. Kadalasan ang mga GenX - gusto ay merong special prize, grand prize kung baga. Tapos, sa mga GenX OK lang na merong mga taong hindi nananalo sa raffle.
Ang GenY kasi, as much as possible gusto lahat may maiuwi. So kung puwede lang magkakatulad na lang ang premyo, basta lahat panalo. Di raw nila gusto na merong isang uuwi with the grand prize, tapos ang karamihan naman ay uuwing luhaan.
Walang masama o mabuti sa anumang pananaw. Parehas namang OK. Pero kayo, alin ang mas gusto ninyo?
RAFFLE A
1,000 total prize. 10 people
1st prize - 500
2nd prize - 250
3rd prize - 100
at Tatlong Consolation Prizes - 50
RAFFLE B
1,000 total prize. 10 people
1st prize - 200
Tatlong 2nd prize - 150 each
Apat na 3rd prize - 100 each
Dalawang 4th prize - 50 each.
1 comment:
raffle a cguro kc raffle nga eh kaya may mananalo at may matatalo, at saka medyo exciting dahil mas malaki ineexpect mong makuha.
kung raffle b e bakit d mo na lang hatihatiin ung premyo kung gusto mo lahat manalo.
opinyon lang po.
Post a Comment