Thursday, April 29, 2010

Magdala ng.

Payong????  at sino naman ang nag-mithing umulan?

Pero ok lang yan, at least di masyado mainit.

1)  Mag-che-checkin ba kayo bukas, or handcarry?  Naisip ko kasi, what are the chances na lahat tayong 17 ay puro hand-carry?  Mababa for sure.  At pag may isang nag-check-in lahat naman tayo hihintayin siya e =).  So in summary, magdadala na lang ako ng check-in luggage hehe.

2) Pasabihin nyo naman si Sr. Vicky about our meeting time tomorrow.  Alam nyo naman yon sosyal, kagagaling lang kasi niya ng Rome e =)

Wednesday, April 28, 2010

Trip to Palawan

2 Tulog na lang, Palawan na.  Eto ang mga dapat tandaan.  At kung kayo ay mag-sho-shopping at mag-gro-grocery pa, pakisama sa inyong shopping list.

PINAKA-IMPORTANTE
1)  Government Issued ID (Driver's License, Passport, SSS etc.)
2)  E-Ticket.  Meron na kaming naka-print na mga e-tickets para sa lahat.  Pero para kayo makapasok sa gate, kelangan nyo pakita sa guwardiya.
3)  Dumating ng 6:15am sa NAIA3.  Pumunta sa Departure Area.  Dun na po tayo magkita-kita sa labas.   Papasok na tayo sabay-sabay ng 6:15am.

IMPORTANTE
- Ang 2 PB 2G Summer Outing T-Shirts + 1 PB Shirt (kung meron pa kayo, kung wala ok lang)
- Sunblock o Sunscreen.
- Off Lotion or insect repellant.  Nakapunta ka nga ng Palawan na-dengue ka naman.
- Shades, cap, light clothing dahil sa sobrang init
- Pera, pambayad ng dinner on Day 2, dahil wala pang sumasagot.
- Pera, pambili ng pasulobong.  Kasoy ang sikat sa Palawan.
- Or... Please mag-volunteer na pa kayong sumagot ng Day2 Dinner =).  Thanks.
- Cards.

BAHALA KA - Di Kelangan Magdala pero Bahala na kayo
- Tuwalya.  Kasi meron naman sa hotel.  Pero kung gusto nyo OK lang din
- Sabon, Shampoo.  Meron din sa hotel.  Pero kung may favorite kayong sabon, shampoo, pls bring.
- Poker Chips.  Ambigat kasi.

Tandaan:  Ang Palawan po ay Pilipinas pa rin =).  So meron din po dung mga banks at groceries.  Di po kelangan dalin ang bahay para sa ating 3-day outing.

Happy  Packing!

Congratulations MM

Pinadala ni Popoy ang mga advanced graduation pics ni MM.  Ang graduation ceremony ay sa June pa, pero meron syempre pre-Grad picture taking.







Adavnced Congratulations MM!

Tuesday, April 27, 2010

Palawan Pics

Welcome to Puerto Princesa, Palawan.  Kung PB 2G ka, andito ka sa Friday =).


Eto ang ating hotel, near the pool area.


Eto ang itsura ng ating hotel rooms.

eto ang Underground River - pupuntahan natin on Day 2


eto ang Snake Island sa Honday Bay, pupuntahan natin on Day 3

Kutsara = 750,000 Pesos

(galing sa Inquirer na sinalin sa Tagalog)  Balita mula sa CANADA

Isang grupong human rights sa Canada ang nag-gawad ng 17,000 Canadian dollars (about P750,000) sa isang batang Filipino-Canadian na pinagalitan ng kanyang teacher sa paggamit ng kutsara isang tanghalian sa cafeteria ng kanilang paaralan.

Ang DFA sa Pilipinas ay tumanggap ng balitang pinapaboran ang pamilyang Cagadocs sa kasong ito.  Hinihintay na lang ang opisyal na kumpirmasyon galing sa Philippine Embassy sa Canada.

“We welcome the decision of the Quebec Human Rights Tribunal. It affirms the inclusive, multicultural values of Canadians, which we also share,” tinext ng department’s Assistant Secretary Eduardo Malaya. .

Filipino way

Ang ina ng batang lalaki ay nagsampa ng complaint sa Quebec Human Rights and Youth Rights Commission laban sa Ecole Lalande sa Montreal noong April 2006.

Sinabi niya na ang kanyang anak na si Luc Joachim, na noon ay 7 taong gulang, ay nagsumbong sa kanya na pinagalitan siya ng  isang guro dahil gumamit siya ng kutsara imbes na tinidor sa pagkain ng tanghalian.

Sinabi ng bata na ang mga Filipino ay ganun talaga kumain - kutsara at hindi tinidor.  Ayon sa balita, sinabi ng teacher na iyon ay “disgusting” at tinanong ang bata kung ang mga Pilipino raw ba ay naghuhugas ng kamay bago kumain. 

Pagkatpos, inutusan ng guro na kumain ng bata mag-isa sa isang sulok.

The Canadian way

Sinang-ayunan naman ng principal ang guro.

“You are in Canada, and here in Canada, you should eat the way Canadians eat. If your son keeps eating like a pig, then he will go to another table because that is how we do it here,” wika ng School Principal ayon kay Cagadoc.

Sabi ni Cagadoc, ang sinabi ni Bergeron ay “racially insensitive and discriminatory towards me and my family.”

Ang kaso ay dinismiss ng Commission nung 2008, at sinabing ang insidente ay "isolated and not discriminatory".

Moving on

Sa tulong ig isang nongovernment organization(NGO), ang Center for Research Action on Race Relations, nagsampa ng bagong complaint si Cagadoc, ito naman ay sa Quebec Human Rights Tribunal, in March 2009.

Ayon sa North America Bureau ng ABS-CBN, dahilan sa insidente, ang batang si Luc ay naging mapag-isa, walang ganang kumain at naging di maganda ang pag-aaral.

Unang humingi si Cagadoc ng 24,000 Canadian dollars (~P1 million) bilang "moral and punitive damages", ngunit sinabi na niyang masaya siya sa desisyong ng tribunal dahil sa malinaw na pagsasaad ng diskriminasyon na bumabalot sa kaso.

Canadian citizens now

Cagadoc, a native of Quezon City, is a Medical Technology graduate of the Centro Escolar University and owner of a daycare center in Quebec. Luc was born in Manila on Aug. 9, 1998 and came to Canada at the age of eight months.  Cagadoc, her husband Aldrin, and their children Luc and Hannah Camilla became Canadian citizens in 2002.

Monday, April 26, 2010

Itinerary in Palawan - UPDATED 4/27

UPDATED on 4/27

Pagdating sa Puerto Princesa Airport @ 9:30am, Microtel will provide shuttle service from the airport to the hotel, Nice!  Tumawag ako sa Microtel to confirm our itinerary, and ito siya:

Day 1: April 30. 
Attire - White PB Palawan Shirt

10:00am  - Microtel shuttle to pick-up PB2G at the Puerto Princesa Airport
(check-in time is at 2pm, so tambay muna tayo)

11:30am - Lunch at Microtel Poolside c/o Tita Edith.
1:00pm - Depart for City Tour

5:00pm - Go back to Hotel to check-in.  Beauty Rest.  Arrange for Massage Schedule.

6:00pm - Leave for Dinner
(our reservation is at 6:30, pagwala tayo dun ng 6:45 i-ca-cancel na nila)

6:30pm - Dinner Ka Lui (treat c/o Tito Ido)
(tinawagan ko ang Ka Lui kanina - and yes we are confirmed)

8:00pm - Back to Hotel

8:30pm - Swimming, Poker, Massage, Sleep in the Hammock under the Stars,

Day 2:  May 1
Attire - Yung Hindi White na PB Palawan Shirt

6:00am - Wake-up for Breakfast (Free, part of package)

7am-4pm - Underground River Tour with Lunch

4:30 pm - Back to Hotel, Relax, Kape-Kape, Picture

6:30pm - Depart for Dinner

7pm - Dinner time. Nananawagan po kung sino ang gustong sumagot ng dinner na ito
9pm - Relax, Swimming, Kuwentuhan, Poker,

Day 3: May 2
Attire:  Sana PB Shirt Pa Rin, iyong sa Filmfest o sa JokeJoke

6am - Breakfast(Free, part of package) and Check-out na

7:30-3:30pm - Honda Bay Tour with Lunch

4:00 pm - Leave for Airport

5:30 - Fly back to Manila

Flight sa Friday

Ang flight sa Friday ay 8:10 am.  Sobrang aga.  Jampacked ang mga airports ngayong summer at malamang this Friday.  So punta tayo ng maaga.

- Kita tayo ng 6:15 sa may Cebu-Pacific Check-in counter (or paano nyo gusto tayo magkita?)
- Airline natin ay Cebu Pacific.  So ang airport natin ay sa NAIA Terminal 3
- Sa mga di nakakaalam, katapat ito ng RW  =).
- Please bring your e-ticket and a valid ID
- Sulat kayo sa yahoo account ko jdarwinrs, at papadala ko sa inyo ang e-ticket.
- Ang flight natin pabalik ng Manila ay Sunday, 5:30pm.

Pagna-late ng dating, e hindi hihintayin.  Ano ito, bus?  Ang next flight to Palawan ay gabi na.  So sorry na lang.  Tandaan, nakabayad na po tayo.  At group rates tayo, so ito po ay non-refundable. 

In summary:  Pag na-late, IWAN.  Ang matindi, walang refund =).

5J 637 l MANILA-PUERTO PRINCESA l Friday, Apr 30, 2010 l Depart 0810H Arrive 0930H«»


……………

5J 640 l PUERTO PRINCESA-MANILA l Sunday, May 2, 2010 l Depart 1730H Arrive 1845H«»

……………

Sunday, April 25, 2010

#4

Isa sa mga napakasakit marinig pag end-of-school season:  "Congratulations Top 4 ka."

All of PB missed Kathleen's recognition pictures this year.  Isa kasi siya sa mga permanent na na-re-recognize ng PB Blog every year - kasi lagi siyang honor student.  Walang feature or picture si Kathleen this year.  Not because hindi siya honor ha, dahil excuse me asa Top5 ata siya sa class. 

Nung outing, tinanong ko nga siya kung may honor niya.  Malungkot na sinabi niya na "#4 po ako".  Sabay birada naman ng kanyang award-winning contra-vida supp actress na "Hay naku Tito, bumababa po siya".  Matabil talaga ang aking inaanak.

For sure, merong taga-PB ang makaka-relate na napaka-sakit maging Top4.  Lalo na kapag dati kang #1 o #2.  Iyon bang ayaw mo ng tanggapin ang award mo dahil #4 ka.  Iyong alam mong mas magaling ka naman sa mga classmates mo, kaso tinamad ka lang o kaya di mo masyado nagalingan this year.

Ang mahalaga Kathleen, di pa naman tapos ang Grade School, so meron pang this school year para bumalik ka sa tama mong puwesto sa school.  Good Luck next school year.  ( Di ka na namin co-congratulate dahil parang di ka talaga masaya last time =( ).

15 Days

15 Days to go at Eleksyon na.

This time, marami nga palang mga PB ang boboto na for National Elections for the first time.  Meaning:  Matanda na rin sila!  Yehey.

Nakapag-register ba kayo:  Karen, Kevin, Kriza, Ayka, Dianne, Carlo, Camae?  Not sure kung puwede bumoto sa Japan for Ia or for MM sa Canada.

Sino ang iboboto ninyo? =)

Alin, Alin, Alin ang Pipiliin?

Eto na ang 3 pag-pi-piliang prints para sa t-shirt ng PB 2G for the Palawan Outing.  Ang mga ito ay dinesign ni Tita Eyan.

Alin sa tatlo, ang gusto ninyo?

Is it Design #1?

Is it Design #2?  or Design #3?


Kelangan na natin pumili kaagad.  Kasi magpa-print pa si Kuya Jim

Thursday, April 22, 2010

Pronounce

1)  Tucson (meaning: model ng sasakyan ng Hyundai)

Tamang bigkas-Tagalog:  TU - SON

Use in a Sentence: Ang sasakyan pala ni JayE ay Hyundai TU-SON.

2) Eyjafjallajökull (meaning: eto yung bulkan na asa ilalim ng glacier sa Iceland na sumabog at naka-apekto sa pagbyahe ng mga eroplano sa buong Europa).

Tamang bigkas-Tagalog:  EYA-FYATLA volcano  (sabihin nyong volcano sa dulo dahil mahirap talaga)

Use in a sentence: Di pa pala nakakalipad ang ibang eroplano sa Europe dahil sa pagsabok ng bulkan ng EYA-FYATLA volcano.

3) Cleanliness (meaning: kalinisan)

Tamang bigkas-Tagalog:  KLEN-LI-NES

Use in a sentence:  Dahil Earth Day nung April 22, 2010, maraming KLEN-LI-NES drive sa Metro Manila.

4) Beard  (meaning: balbas)

Tamang bigkas-Tagalog:  BEERD

Use in a sentence: Si Diane ay nag-OJT sa Black BEERD Seafood Island.

5) Max's (meaning restaurant na specialty ang Fried Chicken)

Tamang bigkas-Tagalog:  MAK-SES (hindi MAKS)


Use in a sentence:  Yehey!  nanlibre ng lunch si Tito Egay from MAX-SES.

6) Louis Vuitton (meaning: mega-sosiness fashion brand)

Tamang bigkas-Tagalog:  LWI   VWI-TONG (nasal ang dulo dapat ha)

7) Hermes (meaning: ultimate mega sosiness na fashion brand - bag ni Jinkee Pacquiao)

Tamang bigkas-Tagalog:  ERMES (tapos mabilis ang pagkakabigkas)


8)  Edith Sumajit (meaning beautiful, hard-working and very nice)

Tamang bigkas-Pang mahirap:   EDET
Use in a sentence:   EDET, kumain ka na ba ng nilamas na saging?

Tamang bigkas-Pang mayaman:  I- I- I - DITH (kelangan mahaba iyong simulang I )
In a sentence:  Ms. I -I- I - DITH,  what will you bring to Palawan? Your LWI VWI-TONG or your ER-MES Bag? 

3G Summer Updates

Since di naman sila kasama sa Palawan (haha kelangan talagang ulit-ulitin), ano kaya ang ginagawa ng mga 3G teens ngayong summer at wala ng pasok.

JayE and Shiela
- are very busy with their business.  Athletic outfit and halo-halo business

Evot
- is very busy with his bonuses.

Karen
- Today is Karen's official Graduation day at PICC.  Syempre matagal na syang graduate
- Pero today ang pag-martsa.  Congrats ulit Karen.  Libre libre
- Sabi ni Karen OK din ang kanyang Spun and Fork Business.  Lalong lumalakas at dumadami na ang kanilang pagkain sa menu (pero tatanggalin na po nila ang Monggo)
- Dumoble daw ang kita nila last time compared nung kakabukas pa lang.  Very good!  Talaga namang masipag, maaasahan at responsable si ...Christian


(di mo talaga alam kung gra-graduate ba si Karen o aattend ng debut.  At kung parehas kayo ni Christian anjan, sino ang nagbabantay ng tindahan?)


Kriza
- Fan siya ng "I Love Being Single".  So gusto talaga niyang mag-abroad in 2014 =).
- Was very busy with Operation Hope.  Ito iyong medical mission na pagtulong sa mga less fortunate Pinoys
- Kuwento ka naman Kriz tungkol sa Operation Hope



Kevin
- Maliban sa Pamamangka
- Busyng busy pa rin si Kevin sa pag-re-review para sa Board Exam

Dianne
- Should be on her 3rd week of Practicum
- Ngapala, bisita naman kayo sa Seafood Island restaurant at Trinoma in Q.C. 
- OK lang daw pahirapan nyo ng husto si Dianne sa pag-se-serve, basta magbigay kayo ng malaking tip!



Denniel
- Graduated from Elementary already
- Wow!  High School na pala siya, sabagay mas matangkad pa sya sa ibang College Students
- Congrats Denniel



Aix
- Are you still looking for work?  Or have you found it na?
- Are you still looking for love?  Or have you found it na?  MWHAHAHAHA.  Iwan ka sabayahe ni Kriz.

Eto muna for now.  Magtsitsismis pa ko at i-u-update ang mga nangyayari sa 3G.  Puwede rin pala kaya magkuwento para di puro tsismis  hehe.

Wednesday, April 21, 2010

Sarap Mag-outing

Majority naman pala ng PB na umattend ng outing ay either sobrang nag-enjoy o nag-enjoy.  @475 per person, sobrang sulit na talaga.  Meron ngang nag-su-suggest na ang PB Outing sa 2010 ay sa ibang lugar naman at di na sa Pansol.  Dalawa ang masasabi ko dyan:  1) Pag sa ibang lugar ang outing imposibleng maging @475 per person.  Malamang doble o baka triple pa ang presyo.  2) Grabe naman, di pa nga nakakabawi ng tulog, outing for next year na ang pinag-uusapan.

Kelan ang next time na pagkikita-kita?  Well, para sa mga 2G iyon ay next week na.  Para sa buong PB, hmmm.  Unless merong maghanda sa mga merong birthday ng May o June  (ehem ehem).  Malamang sa July na tayo magkikita-kita next.  Ito ay para sa Golden Bday ni Tito Jim.  Which is 3 months to go.  So mag-ipon na.

Tuesday, April 20, 2010

Mga Tanong Pagkatapos ng Outing

1) Di masyado nausisa, pero may bagong sasakyan na ba talaga si Tito Jim?  At huwag isnabin, eto ay Montero Sport

2) Sinong kandidato ang nakamayan ni Tito Ayo sa Starbucks?

3) Bakit kaya parang puyat na puyat si Par nung Outing?

4) Parang sobrang yaman ni Tito E _ _ _?  Ano? 

5) Anong oras gumising si Ditse nung Sunday, kasi nagugutom na raw siya?

6) Sino ang naghoard ng pizza ni Evot?  Marami pala ang di nakakain? 

7) Nasaktan kaya ang mga 3G nung pinag-usapan ng 2G ang Palawan?

Monday, April 19, 2010

Happy Birthday Ia


Hope you have a Happy Birthday.  Remember to Just Always Pray at Night.

Sunday, April 18, 2010

Venue Level-up na: Terrazas de Alyssa @ Pansol

Talagang nag-level up na ang PB dahil sa venue na ito.




OK ang pool.  May bubong kasi, so natatakpan ng konti ang araw.




OK din yung lounge chair, ang sarap humiga.  Sana na-try nyo.  Eto triny ni Par




Parang ang luwag din nung lugar na kainan.  8 tables na, pero di pa rin siksikan.

May billiards din at meron pang basketaballan na parang iyong sa Timezone.



Ang lutuan, pinag-isipan.  Maganda ang lay-out, so very accessible.  Mas madaling gumawa ng halo-halo. Madaling maghain ng pagkain.

Gusto rin namin ang kuwarto.  3 Floors nga kasi, so 6 na kuwarto.  At ang mga kuwarto ay malaki.  Lahat ng kuwarto may CR.  At malaki din ang kama.  Parang kasya dun ang 6 na Camae.




Isa sa mga favorite - ang lamig ng aircon.  I know talaga namang malamig ang aircon.  Pero dito, e di ka tinitipid, low na ang aircon, malakas pa rin.  At malakas ang hangin kasi nga galing sa Laguna Bay - na kitang-kita mo mula sa 3rd Floor.

So muli, maraming salamat kay Tito Egay sa paghanap kay Terrazas de Alyssa.

Ako lang ba, o nagustuhan nyo rin ang lugar ng PB Outing?

atbp.

Siyempre na-miss namin si Nanay, na may sakit kaya nagpapahinga sa Santan.  Para din tahimik ang mga 3G girls dahil wala si Dianne.  Kulang din ang MGs dahil wala si Tricia and bday girl AJ.  Naisip din namin na matutuwa si Ian sa swimming pool kung andun sya kasama ni Lola Rhoda.  Si Carlo pala ay nasa school activity - siya siguro nanalo sa raffle from the Collarinas dahil laging suwerte yun, kung sumama siya.

Pero 43 din kaming nakarating.  Natutuwa ako pag kasama si Tita Vangie sa outing.  Di ko ma-explain kung bakit, basta. 

Pag outing, not sure kung napapansin nyo, merong mga traditional roles ang bawat isa.

Andyan ang mga poker boys - na walang ginawa kundi kumain, magsugal, magpatimpla ng kape, halo-halo.  At matulog ng 5am.  Puyatan ito kasama ng mga official Night-shift songstresses: si Tita Helen na ang specialty ay mga bossa nova lounge songs at si Tita Dang ng "It's been quite a while...".  Pag natalo si Tito Jim ng maaga, kakanta siya ng Band on the Run.

Ang mga 4G at batang 3G ay nagswiswimming hanggang mangulubot ang mga daliri.  Tapos iiyak naman pag lunch na.

Ang mga 3G Teens ay pupunta sa kuwarto, mag-bi-billiards, mag-swi-swimming at mag-vi-videoke.  So paano ba sila nung Videoke?  Sobra kong nagulat na ang ganda ng boses ni Unyoy.  Parang Yael ng Sponge Cola.  Si RapRap naman e talagang total performer, meaning pangit boses pero nadadaan sa performance. Si Kriza talaga pasalamat siya at maganda siya. Pero I like her fighting spirit.


(Unyoy about to sing "Jeepney" by Sponge while Rap chooses next Performance)


(Kriza sings Kelly Crakson, ay teka Britney pala.  Ay mali. Fra Lippo Lippi.  Pero yan ang talent ni Kriza, di mo malalaman kung ano ang kinakanta niya.  Sana di nya kinakantahan ang mga pasyente nya sa ospital)

Tapos pag gabi na, magkukuwentuhan ang mga 3G sa isang kuwarto hanggang umagahin.

Ang 1G ay nagkukuwentuhan mula 5pm pagkadating hanggang hatinggabi.  This is talent!  Di talaga sila nauubusan ng topic.




Nagkikita-kita ang lahat pag oras na ng raffle.

Pag raffle: Si Tita Edith ay nilalabasan ng mga ugat sa leeg sa pag-sigaw ng "Laban, Laban".  Si Tito Jorge, bumubunot lang ng chips, e kaya pang magpatawa.  At aangal ang mga 1G na hindi nabunot, hanggang 1 buwan ng tapos ang outing.

Si Tita Ate ang magluluto at mag-pre-prepare ng food.  Ang mga 1G ay maghahanda ng almusal, sila lang naman kasi ang gising nun.  Si Ate Yet ay gagawa at gagawa talaga ng program, maski puro free time.   Si Tito Egay ay mag-a-asikaso ng maraming bagay - tubig, yelo, kutsilyo, pagkain.  Si Ditse, ay kukuha at kukuha ng sarili niyang pagkain maski nanginginig na ang paghawak niya sa pinggan.

Si Tito Egay ay magdadala ng coffee maker at coffee.  At si Tito Jorge at Tita Helen ay magdadala ng astig na mga coffee cups.




Pagkatapos ng tanghalian, meron ng magsisimulang umaligid sa mga pagkain -at kanya-kanyang strategy sa pagbalot ng pagkain.

At, kung kelan malapit ng mag alas-5, maalala ng lahat mag-pa-group picture.

Final Raffle

Sabi ni Tito Ido, naisip niya na mas bagay sa kanya ang magpa-raffle/games kesa iba pa sagutin nya.

So, ang Final Raffle ay nangyari nung 3:15pm.  Di na nag-raffle ng 1pm, para isa na lang.

Ganito kasi ang raffle:
Pag natawag ang pangalan mo - meron ka na kaagad 100 pesos. Pero kung gusto mo lumaban isosoli mo ang 100Pesos.  Wala atang taga-PB na tatanggap ng 100 pesos para di na maglaro sa raffle hehehe.

Tapos, bubunot ka ng chips sa isang buslo. 
Green Chips - 50 Pesos
Blue Chips - 500 Pesos
Red Chips - 1000 Pesos
Black Chips - 2,000 Pesos
Pero pag nabunot mo White Chip - Mawawala lahat ng napanalunan mo, at tapos na ang turn mo.

Eto ang nangyari nung Final Raffle:

1) First Contestant sana was Pia - kaso sleeping siya.  So di siya nakasali

2) Next Contestant, Lola Tiyang - nanalo na sana siya ng 100 pesos kaso nabunot niya ang white.  Sayang.

3) 3rd Contestant was Joshua.  Eto na ang pangatlong beses na natawag si Joshua, kaso this time ay sleeping siya.

4) Next was Carl.  Kaso unang bunot pa lang niya e...


(white na kaagad )

5) Next was Anton.  Naku kaso nagwala po siya nung matawag name sya. So di rin sya naka-join.

6) Tapos si Tito Jorge naman.  Sayang, umabot sana siya ng 550, bago siya bumunot ng White

(sa oras na ito e paraiso ang pakiramdam ni Tito Ido, dahil wala pang nanalo)

7) Next is Gibo-supporter na si Tita Helen.  True Enough, 5 Green chips ang nabunot nya.  Umabot din ng 700 ang pera bago siya nakabunot ng puti.  So wala rin siyang napanalunan.


(binubunot ni Tita Helen ang pangalan ng next contestant.  Pero dalawa ang unang napansin ko.  1)Napaka-relax naman ni Tita Bhogs  hehehe at 2) Ang laki talaga ng common area ano?)


8)  Sumunod naman ay si Tita Ate.  Grabe naman sa excitement si Tita Ate sa pagbunot.  Tumatakbo pa.  Kaso mo, unang bunot pa lang Puti na.  Kaya umuwi rin siyang luhaan.

9)  Next is Miguel.  Na Puti rin ang unang nabunot.  Pero nanalo naman siya kagabi.


(reaksyon ng family - matapos makabunot ng white)

10) Tapos si Tita Bhogs naman.  Aba, talagang umupo pa si Par sa harap nung si Tita Bhogs ang bumubunot ha.  Una niyang nabunot ay 50 pesos.  Tapos 500 pesos.  Ang mga tao ay nagwawala na sa pagsigaw ng Laban o Bawi.  Next nyang nabunot ay 500 pesos na naman.  So meron siyang 1,050 na.  Tinanong namin si Par kung laban o bawi ba?  Laban daw.  Laban din si Aix at si Kevin.


(Kaso next nabunot nya ay Puti.  Patay si Par mamaya kay Tita Bhogs.)

11)  Sumunod naman si Camae.  Umabot na ng 1,100 ang nabunot ni Camae.  Tinanong nya si Lolipot kung lalaban ba siya.  Sabi ni Lolipot, "syempre, e kanina sabi ka ng sabi ng laban diyan sa iba, ikaw nga ang lumaban". 

Ayun.  Sa madaling salita, puti ang next nyang nabunot.  So 0 points for Camae.

12) Sumunod si Tito Jim.  Bago pa man siya bumunot sinabi na niya na 3 bunot lang siya.  Una nyang nabunot ay Blue -500 Pesos.  Gusto pa nya.  Pangalawa ay Red.  So 1,500 pesos na ang pera nya.  Pero dahil sinabi nya na 3 beses siya bubunot - bumunot pa rin siya.  Another Blue for a total of 2,000 pesos.

Sa mga panahong ito, e kinabahan kami kay Tito Jim, na-excite kasi talaga siya.  Anyway, nag-desisyon siyang kunin na ang pera at huwag ng magpatuloy.  Sabi ni Tito Ido, lumaban lang siya babawasan ng 5 puti sa bunutan.  Pero ayaw na talaga niya.  Sinabi niya na tatlong bunot lang talaga, kaya kinuha na niya ang 2K.


(Lucky Winner with Stage Parents Tiyong and Tiyang.  Actually may stage Sister pa pala)

Pinasubukan kay Tito Jim ang patuloy na pagbunot kung talagang suwerte ba siya.  At totoo nga, umabot ng 7,250 ang napanalunan sana niya.  Pero sabagay mahirap magbakasali kung may 2,000 ka na.

Kayo, ano gagawin nyo?

13) Tito One was the last contestant.  Unang bunot pa lang niya ay Black na - meaning 2,000 na kaagad ang napanalunan niya.  Si Tito Ido nga di makapaniwala, at pinagdudahan pa talaga si Tito One.  Chineck pa niya ang bunutan para masiguradong walang dayaang naganap.  hahaha.

Nang mapatunayan na malinis ang laban.  Kelangang pang bumunot ni Tito One ng isa pa.  Kasi ganun ang rules, pag Black ang nabunot mo, kelangan mo pang bumunot ng isa pa.

Ang pangalawang nabunot ni Tito One ay 500 pesos.  So 2,500 pesos na.  Nang tanungin ang audience kung Laban ba dapat si Tito One, o Bawi na...


(One's ka-Family - paLABAN - Isa pa raw)

Tulad ng maraming bagay sa buhay niya.  Di na naman pinakinggan ni Tito One ang payo ng ka-Family nya(mwa hahaha ilaglag pa ba e huling sentence na). 

Sa dulo, naiuwi na nga ni Tito One ang ng 2,500 pesos.  At siya ang naging Biggest Winner ng Raffle.

So, 29 na taga-PB pala ang natawag sa raffle, ang dami pala.  Muli, Congratulations sa mga Nanalo sa Raffle.   Sige na nga, congratulations na rin sa mga nakasali, maski di nanalo.  Kasi marami rin ang mga di man lang nakasali.  (like sila Tito Par, Tito Egay, Tita Dang, Tita Vangie, Tita Yet, Tiyong, Lolipot and of course Tita Edith  -  talagang sinabi pa di ba)

Lunch c/o Tito Egay and Tita Dang

Wow!  Sosyal na talaga ang PB at lalo namang sosyal si Tito Egay.  Dati kumakain ang PB sa Max's pag may kinakasal o pag may special occassion.  Ngayon, pag outing, Max's catering na rin tayo.

For lunch, we had all the best of Max's Restaurant.  Syempre meron kaming sobrang sarap na Max's Fried Chicken.  Sabi nung mga nagbalot ng food - maski dinner na raw masarap pa rin.  Bukod sa Fried Chcken meron din kaming

Crispy Pata.  Na merong masarap na sawsawan 

Lumpiang Shanghai na paborito ng mga bata


Na Amazing sobrang sarap na pansit.  Surprising na masarap.

Barbecue from Max's



and of course the now famous, Sinigang na Hipon



Isa pa, ang drinks namin ay Fresh Buko Juice.  Eto yung mismong coconut ha, tapos ang gagamitin mo yung straw na nababaluktot.  Kulang na lang e yung maliiti na payong.  Pang-mayaman.

After lunch, kinantahan naman ng PB ang mga may bday ng April - si Meg at si Tito Ido.  Sayang nga at wala ang iba pang April celebrants.

Ang dessert ay ang...

PB favorite na Mernel's Chocolate Cake


Again, Happy Birthday Meg at Congratulations Gab.  Maraming Salamat TIto Egay and Tita Dang.

Halo-Halo and Pizza

President JayE and Ate Shiela prepared Halo-Halo for PB.  Nice!  Nagdala rin sila ng Ice Crusher, para kumpleto ang Halo-Halo atmosphere. 

Daming sahog ha, merong Saging, Sago, Langka, Pinipig, Nata de Coco, Beans at syempre ang ube halaya.  Nakadalawang halo-halo nga ako e (ginawa ako ni Deniel at ni Tita Yet - maraming salamat!).

Sa aking ala-ala, eto lang ata ang PB Outing na merong halo-halo, so kakaiba talaga ito.  At alam nating lahat ang haba ng preparasyon na kelangan sa paggawa ng halo-halo.  Thank you ulit kay Pres. JayE at Shiela.





(Camae's sariling gawa na Halo-Halo)


**************

Gabi pa lang ng Sabado, katakot-takot na kantyaw na ang inabot ni Kuya Evot.  I-blog ba naman kasi niya na magpa-pa-pizza siya, so ayun.  Kaso, may cut-off pala ang delivery ng Pizza Hut sa Pansol.  Alas-7 lang ng gabi ang huling delivery. 

So natulog kami ng Sabado na walang pizza.  I guess na-imagine nyo na ang pang-aalaska ng mga atat na PB. 

Makapananghalian ng Linggo, dumating na rin ang Pizza.  Actually exactong 2pm.  Iisipin mong busog pa sa tanghalian ang mga tao.  Pero ano ka?!?!?!? PB yata ito.

Sa loob ng isang oras, e wala na po ang pizza.  Akala ko nga nagsubi si Evot - pero naubos na pala!  Grabe.  Buti nakakain ako ng pepperoni pizza habang nagbibilyar (na first time kung sumali - at nanalo ako! - inferness).






8 Kahon ng Pizza ang blow-out treat ni Evot.  Ikaw na ang magbonus ng 3 beses.  Maraming salamat Evot! Sa uulitin.

Raffle Prize Winner

Pauso na naman ng raffle si Tito Ido.  Eto ang mga winners ng PB Outing Raffle:

Raffle I @ 9pm
Lola Tiyang
Ditse
Miguel

Raffle II @ 11pm
Julienne
Joshua


Raffle III @ 1am
Aix
Jorge
Jim

Raffle IV @ 11am
Aix (Big Loser, per nalo na naman siya kagabi)
Joshua
Lola Maam

Raffle V @ 11:30am
Tiyong - Saging
Kathleen - Tasty
Meg - Kirei
Lolipot - Itlog na Nilaga

Poker Winners

Landslide ang tema ng Poker sa PB Summer Outing.  Tatlong tao ang paulit-ulit nanalo.  At 6 na tao ang paulit-ulit na natalo.

Evot - 3 times winner
JayE - 3 times winner
Egay - 2 times winner
At sa kanyang unang pagsali.  Tito One is 1 time winner

Pauso, meron ng premyo ang 2nd place ngayon.  Ang mga 2nd place winners (balik-taya) ay sina: 
Tito One (2x)
Tito Egay (2x)
Tito Ido (1x).

Nararamdaman kong may poker pa mamaya.

Saturday, April 17, 2010

PB Summer Outing Na

@8pm Binati ng PB ang Bday girl na si Meg

@7:30 Dinner na!
Merong:  Tapa, Roasted Chicken, Tinapang Boneless Bangus, Mangga-Bagoong-Kamatis, maraming fruits, bottomless softdrinks at halo-halo.

Lahat ng tao ay umaasa sa barbecue.  Pero sa 2011 outing pa po pala yun. 


@7:10pm
Dumating na rin sina:

24) Lola Tiyang
25) Tito Jim
26) Tita Yet
27) Tita Vangie
28) JayE
29) Shiela
30) Evot
31) JOshua
32) Ashlie
33) Julienne
34) Andrei

(konti na lang aabot na tayo ng quota na 40 people hehe)


6pm na
Andito na kami sa Terrazas de Alyssa.  Nice place.  Daming rooms at may 3rd floor pa.

Eto na kami ayon sa pagdating:

1) Lolipot
2) Tita Edith
3) Tita Eyan
4) Tito One
5) Camae
6) Raprap
7) Leoben
8) Deniel
9) Kathleen
10) Carl
11) Anton
12) Kacey
13) Tito Egay
14) Tita Dang
15) Miguel
16) Gab
17) Meg
18) Pia
19) Ditse
20) Lola Maam
21) Tita Ate
22) Tito Ido
23) Tito Ayo

************








Meg's 10th Birthday

Meg is double-digit and turns 10 years old today.

We crashed her party at Los Banos, and was able to celebrate with her.










Happy Birthday Meg!

PB 2010 SUMMER OUTING

April 17-18, 2010
Terazas De Alyssa
Laguna

April 17, 2010
5:00 pm Arrrival @ the venue
7:00 pm DINNER (potluck)
8:00 pm
free-time
- swimming
- videoke
- card games
- mahjong
- PSP
- computer games

- tsikahan
9:00 pm - Halo-halo (c/o Jay-E)
10:00 pm - Pizza time (c/o Evot)


April 18, 2010
7:00 am BREAKFAST
(Jollibee)
8:00 am free-time
10:00 am SNACK (c/o TitaEdith)
10:30 am Pool games
12:00 noon LUNCH (c/o Tito Egay)
1:00 pm free-time
5:00 p.m. Departure


Pls. inform the Commitee, kung may additional pa kayong maisip.

Friday, April 16, 2010

Happy Birthday Meg!

MANEHO

Bukas mag-bya-byahe na naman ang mga taga-PB.  Sa aming taga-Laguna na, kadalasan aabot ng lagpas 1 oras ang biyahe.  Pero aalis kami ng maaga para iwas traffic.  Ang mga taga-Santan malamang umabot ng 3 oras ang biyahe.  Parehas din siguro sa mga taga-Novaliches.

Buti na lang si Tito Ayo ang official na taga-maneho namin.  Ako kasi kung puwede lang huwag ng mag-drive.  Wala akong katangian ng pagiging magaling na driver.  Tingin ko ang mga magagaling na driver ay merong 1) Pasensya 2) Pagtitiis at 3) Sakripisyo.  Wala ako nyan 0 for 3. 

Halos 70% ng PB na above 18 years old ay marunong mag-drive.  Mahusay!  At nabilang nyo na ba kung ilan ang sasakyan ng mga taga-PB?...  15 po =).  E ~50 lang naman tayo sa PB.  So sa bawat 3 tao sa PB -merong isang kotse.  Sa bawat 1.5 taong 18 years old ang above, merong 1 kotse. Parang pamilya ng mayaman hahaha.

May kanya-kanya ring personalidad sa pagmamaneho siyempre. Katulad ng sa school, sa negosyo, sa math o sa spelling.  Merong mga magagaling mag-drive at merong marunong mag-drive =).

Sino para sa inyo ang magaling mag-drive sa PB?

Thursday, April 15, 2010

iPAD Update

Nag-desisyon ang Apple na ang GLobal Release ng iPAD ay ide-delay hanggang May.  Dapat nga kasi, lalabas na ito sa ibang bansa kabilang ang Japan, UK, France etc ng April24.  Kaso sobrang dami daw demands sa US, na ikinagulat din pala nila.  Sabi sa website ng Apple - nag-deliver na sila ng kalahating Milyon na iPads sa loob ng dalawang linggo.  At marami pang may gusto.
 
So sorry, sa US pa lang tayo puwede magpabili.

Wednesday, April 14, 2010

Organized o Kanya-Kanya

Kung Christmas Party o Meetings e wala ng tanong.  Kelangan organized.  Pero kapag PB Outing - medyo mahirap desisyunan.  At makikita nyo rin sa PB Poll na hati ang boto.

Pag Organized
+  Pag maganda ang program at ang schedule mas marami magiging masaya
+  Lahat kasali.  Merong nangyayari. Marami ang hindi ma-bo-bored
+ Pag wala ka masyado friends sa PB, OK ito.
- Negative naman dito e:  paano kung ayaw mo ng activity?  mapipilitan ka
- Kung gusto mo mag-swimming lang ng 12 hours straight di puwede kasi nga may program at schedule.
- Alangan namang mag-swimming ka habang nag-pro-program sila sa itaas
- Pag corny ang program, sira ang outing mo

Pag Kanya-Kanya
+  Puwede mong gawin ang gusto mo gawin kung kelan mo gusto
+  Kalayaang planuhin ang buong araw at gabi
+  Di ka mapipiliting sumali sa program at games na ayaw mo naman
+ Ganito naman talaga dati pa ang outing at OK naman
-  Puwedeng maging sobrang boring ang outing
-  Puwedeng maghihintayan ang mga tao sa kung anong mangyayari.  Tapos wala pala
-  Merong mga walang magagawa

Ano mas gusto nyo?

PB Outing Venue - Tanong for Tito Egay

Our PB Outing venue is still at Solemar del Pansol.  So parehas na village dun sa mga pinag-o-outingan natin dati pa.  Ang kaibahan lang ay sa Dama de Noche street ito.  Pero madali lang hanapin.

Questions for Tito Egay

1) Tito Egay, from what time to what time nga ba yung reservation?

2)  Ano kaya ang best time na pumunta para makaiwas ng konti sa sobrang traffic? (huwag naman madaling araw ha).

3) Papasukin kaya ang mga PB sa venue before 5pm?  Para dun sa mga gustong umiwas ng traffic at maagang dumating.

4)  Meron ka bang advise kung merong short cut o daan iwas traffic?

5)  Puwede bang makitambay sa bahay ninyo kung maaga kami darating at ayaw kami papasukin sa Alyssa?(eto lang naman talaga ang gusto naming tanungin e, pasakalye lang ang unang apat).

Tuesday, April 13, 2010

iPAD


Ang pinakanakakagulat na balitang gadget:  iPAD is a winner!

Marami kasi ang nagsasabing walang kuwenta ang iPad ng Apple.  Bago yun lumabas ang iPAD.  Nung April 3, nilabas na ng Apple ang WiFi version nito.  At sobrang kakagulat, OK ang mga reviews.  Ito ilan sa kanila:

- Walt Mossberg of The Wall Street Journal called it a "pretty close" laptop killer. 
- David Pogue of The New York Times wrote that that if his readers like the concept of the device and can understand what its intended uses are, then they will enjoy using the device.
-  Ed Baig of USA Today bluntly states that the iPad "is a winner".
- Andy Ihnatko of the Chicago Sun-Times calls the iPad "one of the best computers ever".
-  PC Magazine also praised the iPad; Tim Gideon's review said, "you have yourself a winner" that "will undoubtedly be a driving force in shaping the emerging tablet landscape."

******
Lalabas ang 3G version ng iPAD sa katapusan ng Abril. 

Ang processor nito ay 1 GHZ Apple. Ang OS ay ang iPhone OS 3.2.  At puwedeng 16, 32 o 64 GB.  Ang 3G version ay merong HSDPA (micro-SIM), so merong cellular function.  Syempre meron ding GPS.

Ang timbang ay 1.5 lbs o mga 700grams.  Ang size niya ay 10 x 7 inches (astig!!!!) at ang kapal ay 0.5 inch.

Wag ng bumili ng bagong telepono.  Mag-ipon na, ang presyo kasi ay nagsisimula sa $499.  Magpabili na sa mga kamag-anak sa ibang bansa kung gusto niyo nito.

SALN

Nagagalit si Erap sa GMA dahil nilabas ng network ang Statement of Aseets, Liabilities and Net Worth sa Votebook, isang segment sa 24 Oras.  Sabi ni Erap, kung kelan siya naging no.3 saka pa ilalabas ito ng GMA.

Hmmm.  E required naman ang lahat ng kandidato para presidente na mag-submit nito.  So mahirap ma-gets ang pinaghihimutok ni Erap.  Ang Philippine Center for Investigative Journalism ay naglabas kamakailan ng analysis report tungkol dito.  Hango itong post sa report na iyon, at para lang sa Top 6 candidates:

1) Manny Villar - P1.05 Billion
2) Gibo Teodoro - P232.4 Million
3) Jamby Madrigal - 148.9 Million
4) Erap Estrada - P35.86 Million (nung 1999, kasi nga na-depose siya di ba)
5) Richard Gordon - P25.52 Million
6) Noynoy Aquino - P13.94 Million

- Si Villar ang pinakamayaman obviously. 
- Nung 1992, bilang Congressman ang net worth niya ay 75.4 Million
- Nung Senador siya nung 2002 naging 481.5 Million
- Ang comment ng PCIJ, masyadong generic ang mga declarations niya, di niya kasi nilagay ang mga detalye ng mga kumpanya at ng mga negosyo niya.  So posibleng mas mayaman pa siya.

- Bilang congressman, ang networth ni Gibo nung 1998 ay P80.17 Million
- Meron siyang 3 properties, sa Makati at sa Manila
- Ang halaga ng mga sasakyan niya ay 19.55 Million Pesos.  Ang alahas naman ay may halaga na P11.9M

- Bilang congressman nung 1998 ang networth ni Noynoy ay 8.7 Million Pesos
- Ang alahas niya ay may halaga ng 300,000 at ang sasakyan naman niya ay P3.95 Million, kabilang na ang isang BMW 650i coupe

- Luma nga ang sinubmit ni Erap, dahil nga na-depose siya nung 2001
- Bilang mayor ng San Juan nung 1985 ang networth niya ay 1.18 Million
- Nireport ng PCIJ, na iyong mga properties na kinikuwestyon ng impeachment trial ay aabot ng 2B Pesos

- Nung nagsimula sa politika, ang networth ni Gordon ay 8.3 Million nung 1992
- Nag-deklara siya ng 550,000 worth ng mga appliances, 1.32 Million worth na sasakyan, at 1.36 Million na Cash (wow, ang honest naman nito)

- Si Jamby ang pangalawang pinakamayamang senador. 
- Nung 2004 bilang bagong senador, ang networth niya ay 118Million

Nicanor Perlas

Wala kasing commercial sa Radyo at TV.  At  di rin umeeksena sa mga debate.  So bigyan natin ng chance na makilala si Nicanor Perlas - nahuhuli sa lahat ng surveys. 

Interesting kasi, tinawag siya ni Conrado de Quiros (ng Inquirer) na pinakamatalino sa lahat ng  presidential candidates.

(information and picture from wikipedia)



EDUCATION
- He finished his elementary and high school education at the Ateneo de Manila University
- Athlete of the Year and the recipient of the Silver Medal of the school's Math and Science Club

- With the highest honors, he graduated Bachelor of Science in Agriculture, major in Agronomy and minor in Agricultural Economics at Xavier University in 1972.
- He would then seek to pursue his masteral studies at the University of the Philippines in Los Baños, Laguna, but would soon be forced to abandon his studies after being involved in the opposition of the Bataan nuclear power plant under the presidency of Ferdinand Marcos

WORK
- Perlas is the co-founder, president and executive director of the Center for Alternative Development Initiatives or CADI, in Metro Manila and Iloilo City, where he guides research and policy work and develops initiatives on globalization, threefolding and their impacts on civil society, cultural power and sustainable development.


- He is also the co-founder and spokesperson of Karangalan which hosted a series of national conferences highlighting important global and national innovations and achievements by Filipinos in many disciplines and fields. Karangalan aims to stimulate the creation of a visionary Philippines.
- He has been chairman of several national civil society networks including the Green Forum Philippines, the Philippine Sustainable Agriculture Coalition, and the Civil Society Counterpart Council for Sustainable Development.

Magpunta sa link na ito kung interesado pang makilala si Nicanor Perlas
http://en.wikipedia.org/wiki/Nicanor_Perlas