Thursday, December 29, 2011

PB Blog Contest Dec 2011

Isang last PB Contest nga muna bago magpaalam ang PB Blog. 

RULES

1)  There are 12 songs in the music collage. 
2) You are to guess as many correct song titles as you can.  But of course you can only have 12 answers.  If you have more than 12 answers you are disqualified
3)  Only 1 entry per PB person.  The first entry of the person will be considered.
4) Only those 12 years old and above can join.  Parang ang weird naman na ang grade 2 e may strabucks planner.   
5) Deadline is 12/31/2011 at 11:59pm. Magbagong taon na nun e.
6) The winner is the person with the most correct answers by 12/31/2011 11:59pm.


The prize:  Starbucks Planner + 500 Pesos Starbucks Gift Check.  Good Luck!

*******************************************
Here are the 12 songs.  Para fair sa lahat: 
Song #1 is from 1960s, #2 is from 1970s, #3 is from 1980s, #4 is from 1990s, #5 is from 2000, #6 is the shortest which is 0.5 seconds long lang is from 2011, so "modern na modern" hehe

Songs #7 to #12 repeats the cycle of the decades.


Goodbye PB Blog

So sa Jan 1, 2012, i-re-retire na natin ang PB Blog =(.  Actually di naman retire, sleep mode muna siguro. 

I actually did not think anyone would volunteer.  Parang wala masyadong mahilig magsulat sa mga PB e.  Lalo na nung mauso ang Facebook, mas gusto ng mga tao ang maiikling messages, at walang pasensyang magbasa masyado.  At lalong walang tiyagang mag-blog hehe.

Di rin kasi ganun kadali.  Madali lang magkuwento siyempre.  Pero meron pa kasing maraming detalye na kelangan pang gawin, bago ka mapublish ng post.  Saka kung di mo talaga hilig, e mahirap.  Tapos lagi ka pa mag-e-express ng opinyon mo tungkol sa mga bagay-bagay at pangyayari.  Which to me is the area na dapat nating i-improve sa PB.  Nahihiyang mag-sabi ng opinyon, nag-a-alinlangang magpahayag ng comments.  Buti na nga rin marami tayong anonymous na commenters at least di lang ako ang parang negative. 

So isa sa mga wishes ko for PB in 2012 is to express their sentiments more freely, puwede namang constructive.  (We all know we want everyone to improve).  and that huwag namang personalin ng iba ang mga comments, kaya nga opinyon e.  gosh, sobrang sensitive pala ng iba =). 

Having said all that, ang PB naman ay gumagawa ng paraan to keep each other updated.  Kung hindi blog or facebook, PB will find another venue.

Ngapala, magstart din ako ng bagong Blog.  Di ko pa ma-finalize ang title, pero baka APEX in CEBU (a. Pinoy Expat in Cebu).  Pagkakakitaan ko muna ito hehe.  Medyo OK kasi ang kita ng isa kong blog, so start another one.  Mas marami ring umaaway sa akin dun, pero habang nag-aaway sila e lumalaki ang kita ko.  So sure, mag-discuss sila ng mag-discuss sila parati.

So after almost 4 years, 105,674 visitors, and almost 2,000 posts...PB Blog will say goodbye na.  Goodbye PB, it was nice blogging about you. =).

Tuesday, December 27, 2011

Viral Photo

Sikat na ang term na Viral Video, pero actually ang Viral Photo ang mas nauna.  Ang Viral Photo ay yung isang picture na na-fo-forward, na-sha-share sa dyaryo, internet, social nerworking sites etc.

Ang Time Magazine Viral Photo of they year ay ...from the Philippines.  Tinalo nito ang picture ng First Kiss nila Prince William at Kate Middleton at ng mga Obamas.

Ang picture ay galing sa Inquirer.  At unang lumabas nung January 2011.  Pag tinignang mabuti ang picture, malalamang mabuti kung bakit ito ang naging Viral Photo of 2011.

Once A Year

Uy, once a year lang nagpopost ng pics si Tito Boyet.  Eto mga samples.


bagay na bagay ito kay Tito Boyet.  Dahil di ba mahilig siyang mang-Alaska.  Eto pa ay sa Seward


at eto naman ang world famous building sa Sydney Australia

Just Once

Meron na pong gustong mag-volunteer maging PB Blogger?  Kasi ang mangyayari dito ay magiging Cebu Blog na ito at di na PB Blog.  Ang hirap naman mag-blog kung di ko alam ang mga nangyayari.  Ayoko namang maging taga-upload ng picture na walang context =).

Nakakahinayang lang baka ma-retire na ang PB Blog pag walang nag-volunteer.  Ito pa naman communication natin sa PB Abroad.  Well, sabagay may FB naman.  So baka nga puwede na yon. 

Saka grabe.  Mas tumitindi kasi akong mag-comment pag wala ako sa Manila.  hahaha.  So ganun pala ang mga critics, since malayo sila sa pinangyayarihan kaya pala ganun na lang silang mangalipusta ng pelikula, artista, government official.  Parang mas madali pala hehehe.

Minsan kasi ang hirap na rin mag-comment ng negative.  Kasi alam ko naman (at nating lahat), na ginagawa naman ng organizer ang lahat lahat para maging successful ang isang event o party kaya.  Puyat, pagod, luha ang puhunan.  Tapos ookrayin lang.

Pero on the other hand, ayoko naman ding sabihin na OK ang isang bagay, kung hindi ito OK sa opinyon ko.  Kasi kung lahat OK, walang improvement na mangyayari.  For example, I think a party without a program cannot be successful no matter how fun it may be.  It is like a meeting without an agenda.  Wala bang measure o plano kung baga.  Para rin yang ganito.  So "kumusta ang fundraising event"?  "Sobrang successful grabe, sobrang saya!".   Hmmm.  so saya ba ang measure ng isang fundraising event, di ba yung dami ng perang nakolekta?  

Kasi sobrang dami na nating happening and events.  Pero I think we keep on improving, which is really good.  I think yung Golden Party ni Par was the best ever, tapos yung Rock Party ni Tito Jim was definitely even better.  For the audience and the location, yung party ni Sr. Vicky was the best "suwabe" program naman.  Presentation, preparation and program-wise, I think better din yung mga Japanese, American, Spanish, at Katutubo.  And then of course came the Circus Party of Ate Yet and lastly nga yung Fiesta Bday ni Tita Edith.  Sa opinyon ko yun ang Best PB Party ever.  Which then validates that we are always improving.

So on my mind, the next PB Party should be better than the Fiesta Party.  Para po consistent tayo nag-i-improve at getting better and better.  At iyan din ang motivation ng aking mga comments. 

Is it better than the last PB party?

Anyway, please volunteer po to maintain the blog.  Puwedeng marami kayong may write access, so all of you can blog.   Otherwise, puro panlalait na lang ang mababasa ninyo dito hahaha (hmmm...that doesn't sound like a bad idea at all).  

Feedback

Buti na lang meron akong magandang dahilan sa pag-miss ng party.  Pero come to think of it, mas mabuti siguro na wala na rin ako =)  Paano kasi, medyo mixed feedback ang narinig ko about the party.

Again, wala naman ako nung party, so ang puwede ko lang gawin ay ibalita ang mga narinig ko.  Kung mali ang mga nabalitaan ko, please feel free to provide your opinion.

Nabasa ko kasi sa Facebook na tinawag itong Best Xmas Party Ever.  So siyempre cinonfirm ko, at ang sabi sa akin ay "Hindi noh!, baka sarcastic yun".   Hahaha.  Onwards...

Sa mga nakausap ko ang puri nila talaga ay sa mga 3Gs e, parang sila daw talaga ang bumuhay ng buong araw. Parang may comedy, dance, hosting pa.
Congratulations!  May special mention sila RapRap, Carlo Dianne, at Camae bilang mga pinakamagagaling na performers.  Well extra points din kay RapRap at Dianne for being very good hosts.

So far iyon ang consistent praise - sa mga 3Gs.  Very common din naman ang comment na ang saya ng party.  So sabi ko, e siyempre masaya, kung children's party nga ng PB e masaya na, e iyan pa kaya.  Sabi ko, maganda ba ang program?  Naku patay na, dito na po nag-iba-iba ang mga sagot. 

Ayoko ng mag-continue, kayo na po ang magbigay ng feedback.  hehehe. 

Ang questions:
ano ang nagustuhan mo?
ano ang di mo nagustuhan?

Ayan simple lang.

Saturday, December 24, 2011

Oh no!

Wala pa ring program.  tsk tsk tsk. 

parang tama si "Go Go Go" at "Biglang naguluhan citizenship"  nung sinabi niyang surprise ang theme.  Pag nagtanong ulit si Concerned Citizen, e sasang-ayon na ko sa kanya ngayon.  =).  Sabi naman ni Anonymous, "na lagi namang nagkikita-kita ang PB at gusto niya ng modern Christmas".  At di ko rin alam kung sino pa ang kakain ng sinaing ni Cool Citizenship.

kaya nga si "wish" ay parang nauubusan na ng pasensya.

Ang totoo po, iba-ibang PB po ang mga yon.  Kung kikilatising mabuti, malalaman nyo naman kung sino sila e=). 
Pero, ano kaya ang hinihintay ng COmmittee?  Pasko!?!?  Hahaha.  Well at least puwede ninyong ihirit yan sa blog o kaya sa mga friends niyo, dahil napapanahon.

Ako naman, nagbigay ng suggestions nung Dec 2.  At ulit nung Dec 3.  Nag-comment sa blog.  Nung una sarcastic na pa-joke.  Pero nung malaunan e serious na rin. Nagbigay din ng suggestions tungkol sa mga puwedeng gawin na modern including mga games at activities.  Tumahimik din ako sa kaka-comment, para pahinga naman. 

Nagbigay ulit ako ng comments this week.  At nagbigay ng halos skeleton-program na.  Including ideas sa theme, concept, stage, at pati na schedule.

Ibig sabihin, nasabi ko na po ang lahat.  =)

And I give up na po =(.

Friday, December 23, 2011

Happy Birthday Sr. Vicky

Dec 23 is Sr. Vicky's Birthday



Happy Birthday Sister Vicky.

Belated Happy Birthday Christian

Well binati naman namin siya sa FB, pero din natin dito para official.

Belated Happy Birthday Christian

Galaxy Note


Di na makatiis.  So last Tuesday, nakuha ko na ang aking Samsung Galaxy Note.  You can probably describe it as a cross between a tablet and a phone.  It has both features kasi.  Personally, ayoko kasi ng tablet.  At gusto ko ng phone that does everything.

+ Very functional.  Daming features.  My favorite being everything is integrated.  Iyong contacts sa facebook naka-integrate sa phone, at iyong calendar meron ding mga birthdays nung asa Facebook.  So para talagang sama-sama na lahat ng info.  At puwede rin niyang i-control ang TV =).
+ Sobrang linaw at vivid ng colors.  OK ito para sa malabo ang mata
+ Puwede kang magsulat at iinterpret niya ang handwriting mo very nice.
+ Madaling mag-cut and paste ng mga pictures, and you can do it across apps.  Cut sa Facebook, paste saa contacts
+ Also like na feeling matibay ang phone, with the gorilla glass design
+ meron din siyang assistant na parang si Siri ng iPhone.  At katulad din ni Siri ng iPhone, bingi rin siya.  Di niya ma-gets ang mga pinapahanap ko =)

- I guess ang negative para sa iba ay ang size niya.  Malaki nga kasi.  Possible na times two ang laki nito compared sa ibang phones
- Saka it comes only in Black.  I know maraming tao ang ayaw ng black

Very biased opinion naman
- You know I will not own an Apple phone, by principle =).  And I am a huge Android fan.  So Galaxy Note has Android Gingerbread (and upgradeable pa)
- Since I am also a Google fan, well-integrated din ang phone sa lahat ng produkto ng Google - Google search, YouTube, Blogger.

Gift Check

Was strolling in a new mall last Sunday when I saw this tarp...wow!  merong 50 pesos na gift check?  Grabe naman ano naman mabibili nun.



Sabagay, kung ang monito-monito ay 250 - e di kelangan pang manukli. 

Pero still kakaiba. 

Monday, December 19, 2011

What to Buy: new gadgets ang phones

Haaay.  Napadaan ako sa tindahan ng Samsung kanina.  At buong araw akong nababaliw.

Window shopping lang naman ang aking pakay.  Until makita ko itong Series 8 Samsung TV.  Ano ba naman ito?  TV na merong internet,  tapos puwede mong ilipat lahat ng mga files, pictures, movies at music from the PC to the TV na wireless.  At 3D pa!  May libreng salamin at pelikula.  At swivel foot design pa, so puwedeng iikot-ikot ang TV.   I love this TV!


and then, lumabas na pala ang bagong Smartphone ng Samsung.  Eto naman ang Galaxy Note.  Pinagsama ang tablet at cellphone.  Pero astig, dahil puwede kang mag-edit ng mga photos




at puwedeng mag-customize ng screen.  so puwedeng 3 images sabay-sabay. wow!
at high-tech ang pag-cut and paste dito, dahil puwedeng maglipat ng images.  at puwede ring magsulat.  Wow!  Sobrang gaan, tapos Android, at gorilla ang screen


Ngapala kung meron kang Samsung Internet TV at meron kang Samsung Phone, you can use your phone to control your TV.  Di ba, nice?

Sa kabilang tindahan naman ng motorola e lumabas na rin pala ang MOTOROLA ATRIX 2.  Grabe ito ang processor ay pang-PC.



Haaaay.  napakahirap naman mamili.  Pag nainis ako pagbibibilin ko lahat ang mga yan.  hahaha. 

To buy or not to buy that is the question.

Sunday, December 18, 2011

Dami na kasi so ipamigay na



Yes nakumpleto ko na po ang 5 flavors ng Starbucks planner.  And more.  Tingin ko makaka-8 ako na planners this year.  May na-promise na ako na 6 sa office.  So 2 sa PB.

At marami pala sa PB ang may gusto nito so ipa-contest na lang natin ang 2 planners.

Ipamigay na yan!....so after 1 and a half years.  May PB Blog Contest ulit tayo this week.  Abangan!

V. Busy

Very busy po nung mga nakaraang araw.  Very busy sa 1) kaka-party 2) pag-entertain ng mga bisita at 3) pag-solve ng maraming problema.

Huwag na nating pag-usapan ang mga problema dahil corny naman. 
1) Party, e kasi po ang laki na ng office naman e=).  800 na po kami.  Di po ba dati lagpas 500 lang.  So ibig sabihin ang bawat grupo/department na magpaparty e kelangang puntahan.  So a grant total of 16 parties in the past 2 weeks.  Minsan nga 3 parties sa isang gabi.  Ikaw na!

2) Kasama sa trabaho ko dito e meet ang mga VIP.  Nakuwento ko na ang pagentertain namin sa Ambassador ng US.  Tapos ang Ambassador ng Spain din.  Next week, meron pang 2 ambassadors =).
Nameet ko na rin ang governor, mayor, may-ari ng mga malls, may-ari ng building, ang editors-in-chief ng 6 na diyaryo dito, may-ari ng mga lupa, engineers, architects.  Presidente ng TODA na lang po ang kulang.

Di pa po tapos ang kabusy-han.  So sorry medyo absent-absent muna

WISHLIST for MODERN CHRISTMAS 2011

Dito nyo na nga po ilagay ang wishlists para sa Modern Christmas 2011.  Parang maraming nalilito kung saan ilalagay. 

Dear Committee, kung meron pala kayong ibang gimmick para sa Wishlist na ito, e pakisabi na lang at aalisin ko itong post na ito.  Marami na kasi ang atat at excited maglagay ng wish e.  Tignan nyo naman Dec 3 pa lang nag-wish na!


ETO PO ANG MGA DATI PANG NAG-WISH

Anonymous said...


Eh gusto ko na nga magshopping kaso ala pa yung blog for wishlist.

Ako wish ko for d xchnge gift-

Fruit of d loom shirt, white or gray

Antibac burlington socks

Gym towel-ung small lng te



December 3, 2011 11:53 AM


Anonymous said...

Wishlist ko ung sa taas.

Hirap pag sa iphone



Egay



December 3, 2011 11:56 AM


Anonymous said...

Gawa na nga ako wishlist ko

Socks-burlington antibac

Fruit of d loom shirt



Egay



December 3, 2011 12:00 PM


Anonymous said...

Baka magshopping na nakabunot sa kin. Eto wishlist ko.

Socks-burlington antibac

White shirt-fruit of d loom.

Merry Xmas po!



Egay



December 4, 2011 11:51 AM


tito jim said...

wish ko sa pasko

1) complete set ng drill bit may nabili kasi ako barena

2) USB kahit 2gb lang .

3) pabango



December 4, 2011 7:16 PM


Darwin's Theory said...

wow kuya jim, wala kang wishlist na TV this year? = ;



December 5, 2011 12:13 AM


kuya jim said...

ay oo nga ido , kung si evot nakabunot sa akin ay laptop wishlist ko he he he , kasi last yr alam ko kung sino nakabunot sa akin .

ikaw ido ano wishlist mo ?



December 5, 2011 5:25 AM


Evot said...

hindi ikaw yung nabunot ko papa eh...hehehe...



wishlist ko:

1. danggit at dried pusit from cebu (bka kasi si tito ido nakabunot sakin)

2. socks



December 5, 2011 8:37 AM


James Charles said...

1. educational games/dvd

2. sleepwear (longsleeves) for 18-24 months

3. shoes for 12-18 months



December 5, 2011 8:39 AM


Charisse said...

1. sleepwear/pajama

2. lactacyd



December 5, 2011 8:41 AM


anonimosa said...

ok sa mga wish list modern na modern ah! ano ba ms pres ang say mo?



December 5, 2011 10:22 PM


Evot said...

Eh walang announcement kung kelan ipost ang wishlist so nagpost na lang kami ng gusto namin... Yung nabunot ko eh sana magpost na ng wishlist nya para makabili na kami dito..

Modern naman yung danggit at dried pusit huh, kasi kung hindi modern un eh bilasa na yun...



December 5, 2011 11:09 PM


Darwin's Theory said...

haha. at bakit na kayo nag-wish? e baka merong iniisip na modern wishlist ang committee.



anyway, para sa binibigyan. wala na, nabili ko na ang gift ko sa yo. at naiuwi ko nga sa manila. so huwag ka ng mag-wish-wish pa diyan. maglupasay ka man at mag-inarte. wala na di na mababago ang gift ko sa yo.



@evot - hahaha. di ako nakabunot sa yo. danggit ka jan.



@kuya jim - mag-iisip pa ako e.



pero ang gusto kong matanggap e yung modern at iyong wala pa ako a. pag meron na ko isosoli ko. ha ha ha ang taray!



seryoso? eto na ba talaga ang mga wishlist?



December 6, 2011 1:22 AM


Evot said...


@tito ido, nagbabakasakali lang na bka ikaw nakabunot sakin pero kung papasalubungan mo ako ng danggit at dried pusit from cebu eh meron na ako umagahan ng 1 month dito sa CA...hehehe

yung bilihan ng danggit at dried pusit dyan sa cebu na masarap eh sa tabo-an kaso nga lang after mo mamili eh mangangamoy danggit at pusit ka na...hehehe




Helen said...

Pwede na ba mag wish dito?



Modern running socks, color: gray



or



Modern running cap, color: white



Yun lang po. Thanks.=)



December 16, 2011 2:29 AM





ashlie said...

1) wish ko speed stacks pink or yellow !

2) teddy bear

3) katys dress , d dog



December 18, 2011 10:20 AM





andrei said...

TRASFORMER





bale wala naman pala ang meeting ng 3g nun dahil nagpost parin ng groupings.



sige tignan na lang natin kung ano gagawin nila. pero i am sure hindi masusunod yang groupings na yan.

Pambansang Awit ng Christmas Party 2011

Mula sa Manila hanggang Cebu hanggang YouTube.  Eto ang siguradong pambansang awit sa mga Christmas Parties this year.  Alam nyong wala akong pakialam sa mga pop music na yan, pero kesa naman sa Pambansang Awit nung 2010 na Nobody Nobody But You (clap clap), e mas puwede-puwede na ito.

Runner-up na siguro iyong SuperBass ni Nikki Minaj at iyong kanta ni Neyo at Pitbull.  At syempre ang Dougie (pronounced Dah-gi ha, hindi dooo-gi).




Friday, December 16, 2011

Today, Dec 16 is Par's birthday

Happy birthday, Par! Another successful year for you!  Enjoy your birthday!

Dec 15 is Jay E's birthday

Happy birthday, Jay E! Hope a profitable business these coming years! saan tayo?

Dec 15 ang birthday ni Diche

Happy birthday, Diche! Dapat happy ka sa birthday mo lalo na sa pasko!

Sunday, December 11, 2011

Happy Birthay Tito Ayo

Dec 12 is Tito Ayo's Bday.   Hope you have a very nice birthday.


Naku dapat pala e magcelebrate na talaga si Tito Ayo ng bday this year.  Kasi next year na pala yung
12.12.12! 

Saturday, December 10, 2011

PB 2011 CHRISTMAS PARTY

PLEDGES/COLLECTION
            Egay                                                                11,000
Edet                                                                 10,000
Edet’s solicitation                                          10,000
Edet’s sponsorship (Fun Run)                       1,500
Ido                                                                   10,000
Helen                                                                 5,000
Par & Bhogs                                                     5,000
Evot                                                                   4,000
Jorge                                                                 3,100
Jim & Vangie                                                    3,000
Jay E/Shiela                                                     2,000
Tetes                                                                  2,000
Yet                                                                      1,500
Nanay                                                                1,000
Auntie sponsor (Bingo)                                      600
Siony                                                                    500
Aika                                                                      500
Didi                                                                       500
Kevin                                                                    500
Kriza                                                                     500
Tyang                                                                    500
Tyong                                                                   500

In kind
            Ate       Oven toaster
            Jim       Printing service

Pledges still open to generous Pbs until Christmas.
                                   
EXCHANGE GIFT
·         Modern
·         Amount – P250 minimum
·         Wish list
You are welcome to post your wish list so it will be easier for the person who picked your name to buy a gift for you at malamang masiyahan ka rin kung matupad ang wish mo. 

3G GROUPINGS
One of the parts of the program is the presentation of 3Gs. Here are the groupings:

GRP 1            KAREN-KAT-CAMAE-KC-CHRISTIAN
GRP 2            AIKA-KRIZA-KEVIN-CHANEL
GRP 3            YEN-JOSHUA-IA-CHARISSE-ANDREI-
                       ASHLIE-BIMBI
GRP 4            MIGUEL-GAB-PIA-MEG
GRP 5            AJ-TRICIA-IAN-DIDI
GRP 6            RAPRAP-CARL-CARLO-DANIELLE-THEA-
                        ANTON-UNYOY
GRP 7            MM-POPOY-ALEX  (MTV ito pero kung makaka-
                        live-feed tayo eh maganda rin)

There will be prizes for this presentation.

GAMES
·         Groupings will happen on the actual day. The officers will prepare 
      group levels.
·         Each group will select their respective leader.
·         As agreed during the meeting, it will be “halo-halo” o mix 
      from different families.
·         We welcome innovative games from you PBs in addition to what 
      we have already prepared.

Wednesday, December 7, 2011

PB Fun RUn

Eto ang ilang pics mula sa PB FunRun na ginanap nung Nov 30.


nice naman mukhang di naman puyat

and the funrun king himself...


model ba sila o runner?


talaga naman, at may stretching pa pala.  seryoso!


eto pala ang role ni Tito Egay



wow.  camera trick ba ito?


aba at finishers pala talaga sila.  teka, where is tiyong?


talagang naka-finish si Tita Edith?



so eto ba ang mga winners?


di naman uminit ang ulo ni Par?  haha peace to all mankind


at saan naman papunta ang dalawang ito?


ang highlight ng PB Fun Run...yehey

Joey sa The Buzz

Hay naku ang mga intriga sa mga talk shows recently ay talagang pasabog, from Piolo-KC to Rhian-Mo. Pero eto naman ang guesting ni Joey de Leon sa The Buzz interviewed by Tin Gonzaga. 

Medyo maalog ang video at madaming bolahan (showbiz ito e!) pero matutuwa ang mga fans ni Joey at ng Eat Bulaga. 




Tuesday, December 6, 2011

Modern China

Ang China ang cino-consider na isa sa mga oldest civilizations in history.  Kaya interesting na sa kanila manggagaling ang mga Modern na bagay.  Let's look at the pictures...

Eto po ang famous Terra Cotta Warriors na matatagpuan sa Xian, China


at syempre si Bumblebee


ang mga China Ceramics


ang sumbrero ng Emperor


ang claypot teaset


ang cute na pussycat
at mawawala ba ang mga famous bags pag sinabing China...


So anong modern dyan?  E pangkaraniwan lang naman. 

Ay sorry, I forgot to mention - lahat po yan ay chocolate.  Yes, chocolate po yan na part ng bagong Modern China Chocolate Wonderland Museum.  Astig ano?

Monday, December 5, 2011

Modern

Uy, bakit wala ng post ang committee tungkol sa activities sa Modern Christmas
(konsensya:  e paano comment ka ng comment)

Ha ha. eto talagang konsensya, KJ.  Eh kasi naman sa dinami-dami na puwedeng gawing theme, e modern pa ang naisip.  Sana yung mas simple na lang.  Kasi po, medyo mahirap gawing theme ang modern.  Naisip ko nga sana ang theme ay "In" na lang.  So parang "are you in this Christmas".  Yun bang mga uso o sikat sa kasalukuyan.  Kesa sa Modern na napakahirap talagang idescribe at lalo namang gawin.

Kasi halimbawa pag sinabing Modern lalo na sa technology, eto yung para sa mga trends na paparating pa lang.  Yun bang mga hindi pa nangyayari.  Kasi pag yung mga ginagamit na ngayon, contemporary na yun o kaya uso. 

Example, modern technology pa ba ang iPhone.  Ang sagot hindi na ano.  Pero si Siri puwede pang tawaging modern, in the next 3 months siguro.  Until ilabas na ng Samsung at Android ang bago nilang pantapat kay Siri.

Pero again, asa definition lang naman yan.  Ano ba ang modern, e di let's look at examples

Nabanggit ko last time na bakit hindi mag-Angry Birds Live?  Modern na at masaya pa.  Well, I guess hindi na modern itong idea na ito.  Dahil ...tadaaan.  Welcome to the Angry Birds Theme Park in China.



O di ba, astig ng China!  Pero kung modern = In.  aba'y puwede pa rin.


Para mas ma-explain ng mabuti kung paano puwedeng gawin Modern, e tignan natin ang PAGKAIN.

Ang tinatawag na Modern Food preparation ay Molecular Gastronomy.  Dumating sa Pilipinas ito 3+ years ago.  Dahil wala pang kasunod na trend, eto pa ang modern for now.


Isasalang ang pagkain sa machine sa itaas, tapos lalagyan ng Liquid Nitrogen para ma-shock frozen ang mga ingredients.  Pagkatapos, tadaaan....  eto ang itsura.  Ang 5 na ingredients (say fish, vinegar, egg, salt, pepper) ay nagiging ganito...parang sago.  Pero grabe sa lasa, at parang nag-e-explode sa bibig. 

Ang problema, may kamahalan nga lang...so next example.


Eto naman ang isa pang tinatawag na modern preparation...ang Deconstruction.  Example ang picture sa ibaba ay Kare-Kare.  Pero para gawing modern, e pinaghiwa-hiwalay ang mga sangkap.  Gagawing crispy ang baboy, na parang crispy pata na, hiwalay ang mga gulay.  At ang sauce na sobrang malinamnam dapat ay hiwalay din.  Ikaw ang maghahalo.  Tadaan.  eto ang Kare-Kare ng C2 restaurant.


Puwede ring tawaging modern food ang mga pangkaraniwang pagkain na iniba ang presentation.  Tignan naman natin ang adobo.  Para gawing modern - tustahin ng mabuti tapos gayatin na parang itsurang corned beef na.  Tadaaan...Crispy Adobo Flakes.  Lasang adobo, pero di na mukhang adobo - modern ba.


At kung iniisip ninyong mahal ang modern.  E eto ang last Modern Food example natin.  Ang squid balls.  Ilagay sa shot glass at ang suka ay nasa loob.  Pag hiniwa ang squid balls, lalabas ang pagka-linamnam na keso.  so maghahalo-halo silang lahat.  Sobrang sarap!  mukha lang hindi.  try ninyo.

So modern din ang pag-experimento ng mga lasa.  Lalo na kung masarap.


So ayan po ang different examples ng modern

Following the concepts, paano kaya gawing modern ang wishlist at kris kringle?  Ang pilahan?  hmmm.

Sunday, December 4, 2011

Bawal Nakasimangot 80's Edition

Kakatawang tignan ang mga pics ng mga PB na mga tawang-tawa.  Sa paghahanap eto naman ang mga picture ng mga masasaya - 1980's edition.

Ewan ba't tawang-tawa si Lolipot dito.  Samantalang, as always si Tiyang e suot ang kanyang demured smile.  Impressive ang smile na ito ni Tiyang kasi parang scripted. hehe, anytime na may camera kaya nyang gawin hehe.  SIno nga po yung 2 kasama, I forgot

Ang assumption kasi ng mga nagpapa-pangit sa picture e ang ganda-ganda mo.  So ewan kung ano ba ginagawa ni Tita Che-Che dito.



Matagal na nga palang friend ng PB si Tito Edang.  e 1982 etong picture so ano yon 30 years ago na?  So here is Tito Edang all smiles


Sabi nga nila a good smile can brigthen up the whole room.  At tamang-tama yan pag si Tito Egay ang nag-all-out smile.  Kitang kita talaga sa picture =)

Eto nung 80's.  Mag-ta-tanggal lang ng yelo sa tray - masaya na.  magtatagay lang ng Grande, masaya na.  Haaay those were the days.


Haha.  Ewan ba't tawang-tawa etong mga ito.  Parang wala namang special na nangyayari.  Tabi-tabi po, pero ang pangit naman ni Tito Par dati! hahaha.  Totoo nga ang balitang nagpa-Belo siya over the years.  Kung ano ang kinasaya ni Tito Egay, Tita Edith, Tiyong, Lolipot, Par, Tito One...tignan nyo naman ang naipit na si Tita Che-Che.  hahahaha.


This is one of my favorite Happiness pic from PB in the 80's.  Once again, Tito Egay with his pearly white smiles, Tito One with his sira-ulo smile.  Tita Tetes na parang meron pang pasigaw ng smile.

Ang masasabi ko lang - Tito Jim, pag ginupitan ka uli ng ganyan ng barbero - Idemanda natin! hahaha


Once again, from 80's to now, PB = Happiness.  Bawal ang Nakasimangot sa Pamilyang ito.