Friday, July 31, 2009

Kevin, Kriza, Ayka Party Update

From Par:

Lunch Party venue is now at DAMPA sa Farmer's Market. Q.C.
(please read your text for exact room details. Or text Par. Syempre huwag nating ilagay dito).

This Sunday, Aug 2 at 11:45am Sharp to 2pm.

(ayan, sharp daw sabi ni Par).

Thursday, July 30, 2009

Foodie

BACOLOD CHICKEN
- Dapat straight-forward lang ang pagkain: Inihaw na manok. Ano ba mahirap dun? So medyo disappointed kami na ang pagkain namin - ay sobrang hilaw (may dugu-dugo pa). At ang manok kasi pag hindi luto, e nagiging maasim. So medyo disappointing to the point na muntik ng himatayin si Ayo.

- Bigla kong na-realize na iba-iba nga pala ang Chicken Inasal (from Ilo-Ilo). Merong Chicken Bacolod, Bacolod Chicken, Chicken Inasal at marami pang iba.

Saan ba ang pinaka-OK?

YELLOW CAB
- First time ko nung kumain sa Yellow Cab restaurant. Masarap pala. OK ang Garlic Shrimp Pizza, ang Charlie Chan Pasta at Twice-Baked Potato.
- Medyo mahal nga lang - around 250 per person
- At ang angal ko - sobrang greasy ng pagkain. So habang bata pa, e kumain na dito. Pag tungtong mo ng 25 huwag na sigutong kumain dito.

FLORING's BBQ
- Masarap. OK din ang sauce. Huwag lang hahayaang lumamig .
- Dapat ata dun mo kakainin ang BBQ sa pinagbilan mo, bawal ata iuwi. kasi parang nagiging malabsa ang baboy
- Ang problema ko lang. Medyo ambaho ng amoy. I am not joking. Turn-off nga e. Dapat kasi pag kumakain, mabango food mo. Ewan, baka sobrang arte lang. Pero try nyo rin then let know.

SAVORY
- After 6 or 7 years, nakakain ulit dito (sa MOA 2 wks ago).
- Very happy, na di pa rin nagbabago ang lasa. Masarap pa rin.
- Ang balat pala ng Savory Chicken ang the best. The laman is OK, pero not as good as the balat.
- Sabi ni Ayo, lasang Chinese ang Savory Chicken hehehehe.
- Mas mahal siya kesa sa KFC or even Max's.
- Saka di pala masarap ang turon nila. Huwag nyo ng pag-aksayahan ng panahon (makunat, mahirap nguyain).

Kevin, Kriza & Ayka Party on Aug 2

Received a txt from Par confirming the Party on Sunday, Aug 2 @ Santan. So might as well pose here for everyone to see.


Unfortunately, I am 90% sure na di ako makakapunta. Meron na akong na-o-ohang kompromiso 2 months ago pa for this Aug2. Am trying to postpone, pero sobrang hirap.

Anyway, hope everyone enjoys the party.

Tuesday, July 28, 2009

Reading CEO's

Last week, ang aking meeting with the CEO lasted 7 minutes! After kong magbyahe ng 3 oras sa SLEX, e napakaikli lang pala ng meeting namin.

Pero ang 7 minuto na yon ang pinakamahabang miting ata sa buong buhay ko. Grabe talagang kamiting ang mga CEO kung anu-ano ang tinatanong. Eto example:

Do you think I should build a Call Center here?
(Eto nasa isip ko: ano bang question ito? e wala naman akong alam sa call center. at di ko rin kabisado kung ano meron sa Diosdado Macapagal.)

What should we do to generate more business from the internet?
(Eto nasa isip ko: ako ba ang Vice President mo? Dapat mo ata akong bayaran pag sinagot ko ang question na yan haha).

Mabuti na lang at mahilig talaga akong magbasa. Nabasa ko kasi iyong primer ng Call Center habang asa kapehan sa airport. Andun kasi ang magazine binasa ko na.

Binasa ko na rin ang Airframe ni Michael Crichton. OK kasi ang detalye sa book na ito tungkol sa mga eroplano. At nabasa ko rin ang The World is Flat ni Friedman.

Hay buti na lang at nagbabasa ako, at nakikipagkuwentuhan at nag-blo-blog. At nasagot ko naman ng maayos ang mga tanong.

Monday, July 27, 2009

PB Blog goes on Vacation

Ang PB Blog ay magbabakasyon ng ilang araw.

OOC kasi me.

Chat with you next week.

Le Garden Ulit

Kumain kami ni Tito Ayo sa Le Garden Sa Paseo de Carmona. As always, sobrang sarap ng Soy Chicken, Vegetable Dumpling(Da best talaga ito!), Siomai, at Spareribs. Pagktapos kumain, yung katabi naming table umorder ng desert. Tinanong namin sa waiter - Almond Jelly daw. Umorder din kami.

Pagbalik nung waiter di raw puwede, kasi ang minimum order ay 6 pieces, by bulk daw ginagawa. Hmmm. Medyo nakaka-imbyerna ng konti. Pero sige na nga OK lang. Kimuha na namin ang bill.

After 5minutes, e dumating ang manager, dala-dala ang 2 Almond Jelly. Since regular customers daw kami, e bibigyan niya kami ng Almond Jelly. At higit sa lahat LIBRE! Ang bait naman sobra.

Kaya ayun tuloy ang tip ko mas mahal pa sa 6 na almond jelly. haha. Pero ok pa rin.

Ito siguro ang sinasabi kong SERVICE sa isang post. Serving beyond what your customer expects. Syempre babalik at babalik kami dun. At sasabihin ko pa sa lahat ang napaka-OK na service sa Le Garden, Paseo de Carmona @ Carmona Cavite. Definitely the best Chinese restaurant in Cavite.

Sunday, July 26, 2009

Bday Party 25 Years Ago

So paano ba mag-birthday party nung 1980's. Syempre masaya, actually sobrang saya. Mababaw lang ang kaligayahan ng PB, lalo na nuon.

Eto ang bday party ni Tito Egay at Tito Eyan...25 years ago.


Nice di ba, sputing si Tito Egay with the chequered polo. Si Tita Eyan naman all smiles. Ang handa pansit, fried chicken, afritada, rice (syempre), coke at gulaman. Teka, ganyan pa rin handa natin ngayon di ba! hahaha, wala masyado pinagbago. Uy punch bowl. Wala ng gumagamit ngayon niyan.


80's ang picture kapag nakikita ang daliri sa picture. haha, kanino kaya yun, di man lang nagmanicure. Sosyal naman ng tapete ng lamesa. Si Chimbiki, nakaturo na naman sa camera (lagi siyang ganyan - sa bday niya papakita ko sa inyo)


Tiyong! Hanep sa itsura a. hahaha. At may hawak ka pa pong fried chicken, e di pa naman kumakain. Ate Edith, ano ba namang buhok yan parang yung sinsuklob sa parlor pag nagpapa-hot oil. Tito Jorge, ampayat. Yung buhok ni Tita Tetes yung ni-ro-rollers ang ibaba para kumulot.



Classic Tiyang "pa-pungay" ng mata pose. Cute talaga si JE nung bata. Sino mas cute, si JE nung bata o si Andrei? Hmmm, ang dami namang nagpapa-picture eh di pa tuloy makakain.

All the Single Ladies. Bakit ba hindi mangiti si Tita Eyan, naiipit ba siya. Pero ang Ate talaga, nakapako ang smile na yan. Maski saang picture. Kaninong ulo naman kaya iyong nasa kaliwa, nakunan na naman.
Ngayop naman. Ang lapad naman ng nuo ni Ayo. Pogi naman pala si Tito Ido minsan. Si Tito One, mukhang may gagawin na namang kalokohan. Ngetpa naman ni Evot, bilog na bilog. Syempre, di naman nakatingin si Tito Egay sa Camera. O di ba, ganyan na naman ang smile ni Ate, sabi sa inyo e.


5 Sisters + JE + Bday Boy Tito Egay and Bday Girl Tita Eyan. Si Lola Maam, mukhang Tomboy na reporter. Wow Lolipot, grabe naman po ang pagpapakulot ninyo - talagang kulot! haha. Yan ang trademark na buhok ni Tiyang - magulo na maayos, parang bagong gising lang. Ewan lang bakita nag-shades si Nanay e indoors naman ang party. Oh no, bakit naka-maternity dress si Ditse?
Ganyan mag-party nung 80's. Simple, maraming food, mas maraming pictures at nagpapa-pictures. Masaya!

Happy Birthday Tito Egay

Si Tito Egay...
2-time Best Bowler of the Year
2-time and back-to-back Best Director
2-time PB President
Valedictorian
United Nations Secretary General
at Board Topnotcher
syempre proud ang PB sa mga yan. At ang pinakapaboritong title ng PB - Mr. Hospitality
Kung poker, bday at gathering ay gagawin sa kanila sa Los Banos, mararamdaman at makikita mo talaga ang special accomodations ni Tito Egay. Laging service deluxe. Di ka mawawalan ng pagkain, pati juice, pati wine, pati coke. All-in talaga. kakamangha nga na nananalo pa siya sa Poker, maski busy-busyhan siya sa pag-estima sa bisita.
Si Tiyang nga laging bow kay Tito Egay pag bumibisita sa Los Banos. Si Lola Maam naman, amaze na amaze nung nakitulog sa kanila - ayos ang higaan, pati unan, kumot, tuwalya. Lahat-lahat talaga taken cared of.


To Tito Egay, Happy PB Birthday to you.

Happy Birthday Tita Eyan

Kung pipili lang ng 1 picture na mag-de-describe sa talent ni Tita Eyan sa PB.

Eto siguro yun...

As Little Mermaid nung 1995 PB Disney Christmas, si Tita Eyan ang tinanghal na Best Actress. Bukod dito, siya rin ang may gawa ng napakagandang production design ng Little Mermaid. Very creative talaga. Gawa lang sa plastic at mga cartolina cut-outs, pero matindi ang impact.

Si Tita Eyan ang gumagawa ng halos na lahat ng stage, at backdrop ng PB Christmas Party. Siyempre si TitaEyan din ang gumawa ng maraming projects ng mga taga-PB. Lalo na si Camae. haha.

Happy Happy Birthday Tita Eyan.




Saturday, July 25, 2009

Congrats


Congratulations Kriza!

FOr passing the Nursing Board Exam. And to become the first RN in PB. PB is proud of you.
Libre naman jan

Friday, July 24, 2009

Happy Birthday Evot

http://pamilyabanal.blogspot.com/2009/01/recycle-series-2-darwins-theory-of.html

Happy Birthday Evot. Mabuti na lang at OK naman ang kinalabasan mo. Marami ang kinakabahan dati na mapapariwara ka katulad ni.... ng mga iba jan. Hahaha.

Buti rin at mukhang na-e-establish mo na ang iyong personality:

- PB Best Actor
- Mahusay na ABAP programmer
- Senorito sa bahay
- Habulin ng mga Cebuana
- Magaling sa basketball
at siyempre Dakilang Sugarol

More successes in the future.

Wednesday, July 22, 2009

X-RAY Vision

Nasaksihan kanina ng buong mundo, lalo na ng mga bansa sa Asya ang pinaka-mahabang "solar Eclipse" na naitala sa kasalukuyang century. Sa Pilipinas, "partial solar eclipse" lamang ang nasaksihan pero ma-swerte tayo kasi maganda ang panahon kaya kitang-kita ang buong pangyayari. Sa ibang bansa kasi di nila nasaksihan kasi maulap ang panahon.

Eto ang mga pictures na nakuha ko sa pamamagitan ng X-RAY vision...
oo X-RAY ko...
X-RAY film result ko nung last check up ko...

9:30am


10:00am


10:30am


10:45am


11:00am


11:15am



Habang kumukuha ako ng pictures eh tinanong ko si Diche at Nanay kung ano ba ang mga kasabihan tungkol sa solar eclipse, eto ang sabi nila: "Kapag hindi agad niluwa ang araw eh mahirap ang magiging buhay natin". Buti na lang niluwa agad kasi "partial" nga lang... Meron pa kayong alam na ibang kasabihan?

Happy Birthday Tehya!

Very memorable ang birthday greeting for Tehya. Kasi first time natin siyang binati dito sa PB Blog.

Pangalawa, eto rin ang 500th Post dito sa PB! Nung July 2008 ang Post #10. 1 year after, 500 POsts na. At 20,000+ visitors.

Batiin nyo na si Tehya, pero kelangan Ingles ha! di siya marunong masyado mag-tagalog e.

Dear Tehya.

Happy Happy Birthday to you. May you stay pretty as always. And stay active in school and at home. Don't forget to give us food on your birthday.

PB Loves You.

Tuesday, July 21, 2009

Pinakamalaking Eclipse in Asia sa buong 21st Century

There will be a total eclipse of the sun on Wednesday and it maybe seen in the Philippines at exactly 8:33:01 a.m. with its full visibility expected to be witnessed at 9:43 a.m.

Meteorologists said the solar eclipse could extend until 11:01:51 a.m., making it the longest total solar eclipse of the 21st century.

It will be the longest total solar eclipse of the 21st century, lasting at greatest eclipse 6 minutes, 39 seconds, it has sparked tourist interest in eastern China and India.

This is second in the series of three eclipses in a month, according to world meteorologists. The first was the lunar eclipse last July 7 and now the solar eclipse on July 22. The third will be a lunar eclipse on August 6.


http://en.wikipedia.org/wiki/Solar_eclipse_of_July_22,_2009

http://edition.cnn.com/2009/WORLD/asiapcf/07/21/asia.solar.eclipse/index.html

Pamahiin

Kagabi, papauwi sa bahay, nakasagasa si Ayo ng pusa. Natatakot siya kasi may pamahiin daw na masamang makasagasa ng pusa. Actually, nun ko lang narinig ang pamahiin na yon. Sabi ko sa kanya, di naman talaga mabuting pumatay ng pusa, lalo na kung sinadya mo. E pero kung aksidente naman at di mo sinasadya at iniwasan mo pa, ewan lang kung paano magiging malas yon.

Naalala ko lagi ang Ditse, siya ata ang walking dictionary ng lahat ng pamahiin sa buong Pilipinas. Nung una akala ko ayaw nya lang magpautang at ginagawang dahilan ang Lunes o BIyernes. Pero inferness to her, sobrang consistent siya sa mga pamahiin. Wala talagang pinapapalagpas.

Eto ang ilan sa mga naalala kong pamahiin ng PB?. Sinusunod nyo ba ang mga ito?

1) Huwag maglabas ng pera pag Lunes (wala ngang nagpapasuweldo ng Lunes sa Pilipinas)
2) Bawal magwalis pag gabi
3) Bawal maggupit ng kuko pag Friday
4) Bawal maglaro/magtrabaho/kung anu-ano pa kapag Holy Week
5) Huwag kumanta habang nagluluto
6) Huwag maglipit ng pinagkainan pag di pa tapos ang lahat
7) Pag nahulog ang kutsara/tinidor -may darating na bisita
8) Lalawayan ang mga bata, para di mausog

Ano pa nga ba ang mga iba?

Monday, July 20, 2009

Sari-sari

1) Wow, lalabas pala si Manny Pacquiao sa commercial ng Nike with Tiger Woods and Maria Sharapova. Astig! Sabagay, siya rin naman ang nanalo ng ESPN Fighter of the Year.

2) Tatagal na raw ang bisa ng mga pre-paid loads sa lahat ng network. Pero ang isa pang problem e yung automatic download ng mga ringtones, maski ayaw mo. So sana maayos din yun.

3) Halos 50% daw ang matitipid pag na-limitahan ang presyo ng mga gamot. Nice! Fina-finalize na raw ang listahan, kasi di naman lahat ng gamot.

4) Bumaba ang presyo ng gasolina. Tumataas naman ang dollar laban sa peso. Tumataas ang stocks.

5) 7th bday pala ni Melay (apo ni Mang Totoy at Aling Mameng). Happy Birthday!

6) Eto pala ang website ng Spanx. Iyong sinasabi ni Tita Tetes na dinidistribute nila. Iyong may-ari nanalo ng Entrepreneur of the Year nung 2002. Since then, naging 300Million Dollar company na ito. Magandang story ng entrepreneurship

http://www.spanx.com/home/index.jsp

Service

Malaki ang naitutulong ng good service sa pagdami ng customers ng isang negosyo. Sa U.S., sobrang importante ang good service. Sabagay may automatic na 10-15% naman kasi dun pag kumain ka sa restaurant. Sa Europe, di masyado importante. Sa France, medyo di nga OK ang service sa mga restaurants. Sa Cebu, di rin uso ang tip, nagagalit nga ang mga Cebuano pag merong nagti-tip.

Eto ang aking take sa ’service’ in the Philippines. Pero experience ko lang ito. Share nyo rin ang experiences nyo.

Fastfood
McDonalds para sa akin ang pinaka-OK ang service. Jollibee is very close 2nd. Pero KFC is the worst, although their service is improving. Sobrang dalas talaga na ang tagal mong naghihintay para lang sa 2pc chicken meal. I know they are trying to perfect the chicken, pero kung 10 minutes ka na nagiintay sa pila, meron ng mali sa proseso, at baka wala ka ng gana sa chicken.

Kenny Rogers also has bad service. Ang pangit kasi ng system nila e. Talagang pipila ka maski 1 mufin lang bibilhin mo. We had so many bad experiences with Kenny Rogers – may stapler sa soup, may band-aid sa chicken. Plus iyong paghihintay ng 10 minutes everytime. Since asa CEU pa si Mommy, never na kong kumain dito - mga 15 years na ata yun.

Resto
Sa mga medyo mahal na restaurants, Fridays has good service – dapat lang, ito kasi pinagmamalaki nila. Italiannis also has good service. Tony Roma’s has bad service. Actually muntik na naming i-demanda ito dati! Halos araw-araw kami kumakain dati dito, until one time... Dumating nga kami sa point na kami kumukuha ng pinggan, kutsara at tinidor. Alam kasi naming kung saan nakatago e, hehe. Dahil sad alas naming kumain. Bumalik naman ako after 11 years, OK na sila.

Gasoline
Actually OK naman ang lahat, pero parang meron lang extra nice service sa Shell. Wala akong bad experience sa Caltex, at OK ang ihi-an sa Petron =). Sorry, di pa ko nagpa-gas sa Total o Flying V,

Phone
Globe has OK service. Pwede pa i-improve pero OK na. Smart – ang gulo ng billing, at minsan ang gulo ding kausap ng CSR. Pero the worst of all is PLDT. Nasubukan nyo bang tumawag para magtanong? Wow! Hindi ka nga nila i-tra-transfer sa ibang line e. Example. ”Sir, corporate po pala kayo, tawag na lang kayo ulit.”. ”Ha, puwede mo ba kong i-transfer na lang?” ”Hindi po puwede yan, kelangan nyo pong tumawag ulit sa trunk line”.

Dept Store
SM. Grabe naman sa kelangan gawin sa kapirasong papel na yan, bago mo maiuwi ang binili mo. Kasumpa-sumpang mag-credit card sa SM. Service ng Robinson’s better than SM. Well, siguro dahil mas konti naman ang tao sa Robinson’s. Ay, pag konti pala tao sa SM, lalo ka ng patay. Dahil hindi ka tatantanan ng Saleslady - susundan ka talaga nya maski saan ka magpunta! hanggang di mo binabayaran ang binili mo. 'Over-service' is sometimes bad.
Sa Rustan’s naman...hmmm. pag kakilala ka nila Excellent ang service. Pag hindi, inconsistent. One time kasama ko kaibigan ko (pamangkin ng may-ari ng Rustans/Starbucks), siyempre tratong hari ako. Pero nung minsan naman mag-isa ako, wala talaga lumalapit sa akin, e magbabayad na nga ako e. Actually OK ang service sa Ever Gotesco. Palagay nyo?

Hotels
Definitely Shangri-la has the best service. Marriott has OK service, pero para silang lagi naghihintay ng tip. Mandarin has OK service, pero dun sa restaurant nila medyo mabagal. Days Inn has the service na bagay sa presyo =). Hotel Sofitel (dating Philippine Plaza), also has good service, minsan lang yung receptionist nila parang puyat.

In Boracay, Discovery has the best service even better than Shangrila. Shangri-la sa Boracay, namimili ng guests =(. My favorite hotel service is at Willy's very nice and friendly. OK din service sa Waling. Punta ko ng Regency nung opening nila, so magulo pa nun. Pero OK na raw ngayon dun.

Sunday, July 19, 2009

Wedding Site

Ngayos naman itong wedding site na ito, parang wedding ng mga Taipan. Lising-Tan Nuptials!

Pero inferness, very comprehensive ang site. Pinaghirapan talaga. Kumpleto ang lahat ng line-up, pati mga descriptions. Para nga lang silang mukhang pera, pero OK na rin, dahil alam na natin yun.

http://jamesandcharisse.weddingannouncer.com

July in History

40 Years Ago, ang sinasabing unang paglakad ng tao sa buwan. Ito ang 'Apollo Moon Landing', kung saan ang tatlong astronaut ng US ay naglakad sa buwan at itinanim ang bandila ng America. Makahulugan ito nung 1969, kasi nga umiigting ang labanan ng US at mga Soviet.

Ang interesting dito, merong mga grupo ang naniniwalang hindi totoong nangyari ito. At sinasabing pelikula lang ito, at propaganda ng US nung taon na yun.

Nung 1990 naman, nilindol ang buong Luzon. Ito ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Pilipinas sa modernong panahon. Libu-libung tao ang namatay, at tinamaan ang buong Luzon kasama na ang Baguio, at Metro Manila.

So asan kayo nung lindol ng 1990?

Thursday, July 16, 2009

Happy Birthday Tita Yet











Hwag na nating ibisto ang age ni Tita Yet. Di raw appropriate yun para sa mga babae. Pero sa kanyang kaarawan ngayong 2009, sana ay maging espesyal ang bday nya.

Medyo mahirap i-describe si Tita Yet e. Medyo oxymoron sabi nga sa literature.

Si Tita Yet, medyo may pagka-atat (kanino kaya nagmana hehe). Pag may naisip siya gusto gawin na kaagad. Ayaw na nyang maghintay, basta now na. Pero kadalasan ang gusto naman nyang gawin ay para sa ikakasaya ng lahat. Gusto nya kasi laging may program, laging may games. Nakakatawa dahil di talga sya mapakali pag walang nangyayari.

Gusto ni Tita Yet lagi siyang nag-co-contribute in her own way sa mga PB activities. Very vocal at active supporter ng PB Blog. At pati na rin ang mga CHristmas Party ng PB. Di ba nung minsan nga, halos mangampanya na siya para maging President. hahaha.

Si Tita Yet ay very generous. Lagi niyang binibigay ang kanyang yaman - ang kanyang sarili. Kaya lagi siyang busy-busyhan kapag may PB gathering. Nung nagtratrabaho pa siya sa Mead Johnson, talagang willing sya sa paghahatid ng mga tao - sa simbahan, sa mall, sa sine, pati sa casino hehe. Kaya rin siguro sya madalas masaktan ano? hahaha, kasi nga she is unselfish.

Ako ang dami kong wishes for Tita Yet (malamang kayo rin?). Pero eto sa akin:

1) Peace of Mind - kalimutan ang mga baggages of the past and continue facing the present and future positively

2) Love herself more - (than her daughter) haha. minsan feeling ko inuutus-utusan sya ng daughter nya haha. O ganun ba talaga ang mga nanay?

3) Continue being selfless - maski atat, ok lang naman. And continue sharing herself para mas maraming masaya

4) More patience - sa mga tao at pangyayaring "umaapi" sa kanya =).


We Love You Very Much Tita Yet. And the PB Blog Misses you a lot. Lagi ka nga naming hinahanap pag may PB gathering e. Happy Happy Birthday!

Wednesday, July 15, 2009

Special Pansit Palabok ng Malabon


CEO

Meron akong meeting bukas with the CEO of a Top10 Filipino company. SObra kong excited at medyo kinakabahan. Sorry walang posts tomorrow, kasi nga maghapon ang meeting.

Wala rin sigurong pictures, parang kakahiya naman.

Tuesday, July 14, 2009

Mayayaman na CEOs - walang College Degrees

Alam nyo bang ang 4 na beses na naging pinakamayaman sa buong mundo ay hindi nagtapos sa College?

Korek, walang MBA o PhD si Bill Gates, may-ari ng Microsoft. Actually di nga sya tapos ng College. Pero di lang si Bill Gates, marami pang CEOs ang hindi nag-college. Actually, ni hindi nga tumuntong ng College.

Marami sila, pero eto lang ang ilan sa pinakamayayaman sa kanila:

1. Richard Branson
CEO, Virgin GroupType of Business. Siya may-ari ng Virgin Records, pati Virgin Airlines.
Wala syang college degree
Naging entrepreneur at age 16, dahil sa paggawa nya ng Student magazine.

2. John Paul DeJoria
CEO, John Paul Mitchell Systems
Iyong mga HairCare products sa mga parlor, naaalala nyo?
No College
Nagsimula sa pagtitinda ng greeting cards at age 9.


3. Michael Dell
Founder, chairman, and CEO Dell Computers
Did Not Finish College
Quote: "When I started our company, it was very much an idea outside of the conventional wisdom, and if there were people telling me that it wasn't going to work, I wasn't really listening to them."

4. Felix Dennis
Founder and chairman, Alpha Media Group (iyong gumagawa ng Maxim magazine)
No College degree
Sumulat siya ng biography at magazine tungkol kay Bruce Lee ; nagsimula siyang yumaman ng mamatay ang martial arts nung 1973.

5. Bill Gates
No explanation needed =).

6. Amancio Ortega Gaona
President, Inditex Group (iyong may-ari ng Zara, sosyal na clothes)
No college.
He is considered the richest man in Spain, at di siya nagpapa-interview

7. Phillip Ruffin
Owner, Treasure Island (BIg Casino in Las Vegas)
Hanggang 3rd Year College
Quote: "You get the most experience from the business of life."

8. Ty Warner
Founder, Ty, Inc. (alam nyo yung mga toys ng Stuffed animals na cute?)
Dropped out sa College dahil gusto nyang mag-artista
Ang una nyang stuffed toy na lumbas nung 1990 ay may halaga ng $5. Nung tinawag nya itong Beanie Baby, umabot hanggang $30 ang presyo. Kaya mayaman na siya ngayon

Pero RapRap, wala akong sinabing huwag mag-aral, OK? Sobrang sipag ng mga yan ano.

Banda Rito

Muling nabubuhay ang Banda scene sa Pilipinas. Para sa aming mga fans ng rock bands, masaya ito.

Una - nagbabalik ang Razorback at Wolfgang. Ang pinaka-astig na mga banda nung early 90's ay naglabas ng mga CDs. Astig ang Ibrahim, Empire Acricia at ang rockballad na Sa Diyos.

Pangalawa - naglabas ng bagong CDs ang Kamikazee ("Wala, wala, walang magawa...") at ChicoSci("DIamond Shotgun). Sa wakas, OK ang kanta ng ChicoSci this time. OK din ang release ng bandang Kenyo (Hanggang sa Muli...)

Pangatlo - matutuwa din ang mga mahilig sa PogiRock. Tuloy ang pag-release ng Hale ng mga kanta from their new albums. At successful ang collaboration ng Sponge Cola at ni Gary Valenciano (Ayt!).

Pangapat - daming bagong astig na banda tulad ng Franco (Song for the Suspect), Arch1pelago(May 1 at MRI).

Panlima - gumaganda na rin ang mga MTV natin. Pambihira ang video ng Bamboo - Muli (panuorin ayon sa kanan). OK din ang computer-game type video ng UpDharmaDown (Sana).

Mabuhay ang bandang Pinoy.

Monday, July 13, 2009

Pananampalataya ng Banal na Iglesia ng Bathalang Buhay

Muli, maraming salamat kay Iral sa pagbisita sa ating blog. Eto ang pahayag (press release) ng grupo na sinulat ni Dr. Nilo Ocampo


"Ang Banal na Iglesia ng Bathalang Buhay Gobierno Espiritwal ay tunay at likas na pananampalataya ng sangka Pilipinohan. Ito ang pananampalataya na nagtataguyod ng pagmamahal sa Wikang Tagalog. Ito rin ang tinaguriang pananampalataya ng Bayaning Rizal."Galing pa sila San Antonio, Nueva Ecija at Saint Vincent, Leyte. Misang seremonya ang idinaos nila sa harap ng monumento ng bayani sa Luneta nitong kapanganakan. Nakaputi sila lahat, maraming kanta sa kanilang pagdarasal at nangunguna sa misa ang kanilang Superbisor (o Papa), katulong ang mga kardinal, arsobispo, obispo, ministro at sakristan."

Merong mga pictures na nakuha mula sa kanilang pagtitipon nung nakaraang June 2009. Kung gustong makita ang mga pictures, pwedeng pumunta rito:

http://nakakakitanako.multiply.com/photos/album/50/Banal_na_Iglesia_ng_Bathalang_Buhay

Sunday, July 12, 2009

Happy Birthday Tito Jim!

Ayon nga sa informal survey nung 2006, si Tito Jim ang lumabas na isa sa pinakamabait at pinaka-paboritong Pinsan at Pamangkin ng PB. Bakit nga hindi e para siyang laging masayahin at peaceful, ba. Iyong tipong walang problema. Hindi naiinis, hindi naaasar at hindi napipikon.

Mahirap ngang i-explain e. Kasi transparent ang facial expressions ni Tito Jim. Makikita mo kung kelan siya natutuwa sa joke, o kung kelan siya hindi. Pero kung meron man siyang malaking problema sa trabaho o bahay, e never mong mahahalata yun. Para ngang mas malaki pa ang problema nya pag naglalaro ng Pinoy Henyo kesa sa negosyo at krisis.

Para sa yo Tito Jim, Happy Happy Birthday.



















Ang tanong, kung meron kayong 49 pesos, ano ang ire-regalo ninyo para sa 49th Bday ni Tito Jim?

Then, puwede nyo na siya batiin ng Happy Birthday. hehe

Friday, July 10, 2009

Name That Commercial

Kakagulat, ang bagong commercial image model na pinakasikat ay si Lola Techie! Hit sa YouTube, hit sa mga kuwentuhan. Dahil na nga rin dito, nasimulan ang debate kung dapat mo bang imbitahan ang lola o nanay mo bilang friend sa Facebook or Friendster.

Matapos ni "Bulilit, Bulilit", siya naman ang hit ngayon.

Eto ang short quiz: Name that Commercial, based on familiar line:

1. "B...Cebu"

2. "I can Feel It!..."

3. "Ahit Pogi"

4. "Labadami..Labango"

5. "Magapatuka na lang ako sa Ahas"

6. "Do you think we should take it to the next level?"

7. "Eto para sa paborito kong apo...si Karen"

8. "Nawawala si Jennifer"

9. "Bulilit, Bulilit"

10. "Makulay ang buhay sa sinabawang gulay"

11. "Hindi lang pampamilya, pang-isports pa"

12. "Kung san ka masaya, suportahan taka"

Thursday, July 9, 2009

Most Expensive Cities in the World

To no surprise, Tokyo na naman ang pinakamahal na City sa buong mundo. Sa aming magkakaibigan ang ginagawa naming sukatan ay kung magkano ang Big Mac Meal sa bawat bansa. (wala naman kasing Jollibee sa Europe e). Pag kinumpara mo, malalaman mo ang cost of living dun.

Example. Ang Big Mac Meal sa Pilipinas ay roughly 100 pesos. Sa Chicago, US around $3.95 or 240pesos. Sa Geneva, it 5.50 Francs or 350 pesos.

Ia, magkano ang BigMac Meal o kaya Coke dyan sa Tokyo?
Charisse, magkano sa California?
Popoy/Alex/MM, magkano sa Toronto?
Tito Boyet, magkano sa Meycauyan? (naka-alis ka na ba?)

Most expensive ranking
1 Tokyo (2)
2 Osaka (11)
3 Moscow (1)
4 Geneva (8)
5 Hong Kong (6)
6 Zurich (9)
7 Copenhagen (7)
8 New York City (22)
9 Beijing (20)
10 Singapore (13)

Explore North

Grabe and trapik ngayon sa South - particularly Bicutan area. Lalo na pag rush hour. So inaadvise talaga ang lahat na mag-South unless: dun ka nakatira (syempre), dun ka nagtratrabaho, o mag-po-poker.

Otherwise, exlpore North. Anyway, the PB roots ay sa North. Habang nasa North, here are some exciting gastronomic (food!) destinations:

Susie's Cuisine @ Angeles City, Pampanga
- lalo na ang kanilang tibok-tibok. Made with fresh carabao milk - ito na ata ang pinaka-peaceful na dessert. you just have to try
- ok din ang kanilang ube halaya
- problema, laging mahaba ang pila dito. pero sulit naman kasi.

Everybody's Cafe @ MacArthur Hi-Way, San Fernando Poblacion Pampanga
- Actually parang hindi pang-everybody ang menu nila. Para sa mga matatapang!
- eto ang dishes nila: Lumpiang Papaya, Tapang Kalabaw, Camaru o Crickets at Buro
- and kanilang specialty: Betute or Stuffed Deep-Fried Frog

Citang's Kakaning Bulakenyo @ Malolos, Bulacan
- the best pang-meryenda. Mukhang karenderya pero pang-gourmet ang lasa
- specialty nila ang Goto, Tokwa't Baboy at Puto.
- parang simple pero talagang kakaiba. promise yan.

Bankrupt

Di masyadong naramdaman ng middle class ng Pilipinas ang hagupit ng economic crisis at recession sa ibang bansa. Syempre maliban sa mga nagtratrabaho sa multi-national companies (tulad namin).

Sa US for example, ang dami ng companyang nagsara o nag-file ng CHapter 9 o Chapter 11 (meaning bankrupt). Eto ang mga examples, iyong iba sikat na mga tatak:

Six Flags
- Dati ito ang pinakasikat na Theme Park sa America. Mas sikat pa sa Disneyland. Pero late last year nag-file na sila ng bankruptcy.

Crabtree & Evelyn
-Favorite pa naman ni Mommy ito. High-end kasi ang produkto at sobrang mahal e (ex. $18 ang mga lotion dito). So natural, kapag krisis sa America di na sila bibili ng ganito

Eddie Bauer
- Meron na nito sa Pilipinas. Pero medyo mahal nga dito, pero sa US di masyado.

Vallejo, California
- Late last year, nag-file din ng Chapter 9 or bankruptcy. Dahil nga bumagsak ang presyo ng mga bahay at lupa, wala ng umiikot na pera para mabayaran ang mga union labor contracts. Ang masakit dito, e wala pang petsa kung kelan sila makakaalis sa bankrupcy.

Evot, mag-isip ka na. Akala ko pa naman mayaman ang taga-Vallejo.

hahaha

Tuesday, July 7, 2009

Anghang

Ang problema ng mga mahihilig sa maanghang sa Pilipinas - wala maraming restaurants na nag-se-server ng maanghang sa Pilipinas. Actually, pag inisip natin sobrang konti lang ng ulam nating maanghang. Ang exception nga lang ata ay ang mga lutong Bicol - Bicol express at laing. Pero pag sinerve na ito sa mga Pinoy restaurants wala ng anghang.

Meron ba kayong alam na restaurants na maanghang ang pagkain sa Metro Manila?

Dalawa nga lang ang alam ko:
- New Bombay @ Makati or Greenhills
- Thai Flavours @ Festival (pero nagsara na).

Siyempre iba-iba naman tayo ng depinisyon ng maanghang na masarap. Eto sa akin:

Pizza - hot sauce, iyon talagang papaliguan mo ang pizza, na talagang kulay pula na siya. Tapos pag sa CPK lalagyan pa ng Chilli Romano.

Sawsawan - 2 o 3 siling labuyo, na pipisain

Sushi at Sashimi - andaming wasabi. Dapat green na iyong sauce =).

Tara, kain tayo.

Monday, July 6, 2009

Tumatanda

SUMMARY: Alam nyo bang si Joey de Leon ay 63 years old na? Ilang taon na ba ang pinakamatandang 3G?


Wala naman talaga akong masyadong pakialam sa edad. Naalala ko lang, kapag may ibang nagkukuwento. Pag tumatanda ang ibang taong kakilala, dun ko lang nararamdamang tumatanda ako.

Example: Syempre kakagulat na si Karen pala ay 22 na. Tapos, alam nyo bang si Vic Sotto ay 54 yrs old na? E di ba pinapanood natin siya dati teenager pa lang nung Iskul Bukol. Si Joey de Leon naman ay 63 years old na. Di sila mukhang ganung edad, ano?

Kahapon din nga nagkuwentuhan kami sa edad. Nagulat din ako na si Tito Jorge pala ay ___ yrs old na. (Secret na lang muna kung ilan, or hulaan nyo para masaya). Si JayE naman ay 26 years. Ang tanda mo na JayE! Ang pinakamatandang 3G ay lagpas 25 na pala. Kasi naman ang 2nd na pinamatandang 3G na si Evot ay 25 na sa 25.

Lahat tumatanda na talaga. Pero remember ang sabi ni TIto JOrge, ang buhay ay hindi naman patagalan, kung hindi pasarapan. Ingat!

Overachiever vs. Underachiever

Medyo may negative connotation kasi ang pagiging underachiever, dahil merong word na "under". Pero di naman talaga.

Sa SPORTS madaling mapakita ang example. Sa tennis, sinasabing si Ivan Lendl ang isa sa pinaka-Overachiever. Di naman kasi siya sobrang galing, pero ang daming napapanalunan dahil sa tiyaga at sipag, not necessarily sa talent. Ang opposite naman niya ay si Marat Safin - sobrang talented sobrang galing, pero konti lang ang napanulanan.

Sa basketball, si Iverson daw ang Underachiever. Ang overachiever naman ay si Scottie Pippen.

Mga Katangian ng Overachiever:
- Meron ding talent at talino. Pero hindi masyado
- Nadadaan sa sipag, tiyaga. Puwede ring sa suwerte
- Puwede rin sa pag-sipsip. O sa pag-aaral ng politika sa school o sa trabaho.
- Parang laging na-ho-honor o na-pro-promote, maski di naman sobra galing

Mga Katangian ng Underachiever:
- Natural na may talent at karunungan.
- Puwedeng malas, at walang opportunities. Puwedeng di rin marunong maghanap nito.
- Puwedeng, malakas ang tiwala sa sarili ng sobra, at ayaw umasa sa iba.
- Lahat nagugulat na di na-promote o di na honor, dahil magaling talaga

Sunday, July 5, 2009

Usapang Poker

Maliban sa All-in, fold at raise, nagkukuwentuhan din naman kami habang nag-po-poker. Eto ang mga topics na napagusapan namin.

NETWORK WAR
Wow. Sobrang die-hard kapamilya pala si Tiyong. At lalo namang mas die-hard Willie Revillame siya. Sa kabilang banda, si JayE naman pala ay true-blue kapuso. So na-imagine mo na ang usapan namin habang tanghalian.

NEGOSYO NI TIYONG
Dami naman palang racket ni Tiyong. Una, may binebenta siyang "mobile kalan", puwedeng pambahay, puwedeng pam-camping, at puwedeng negosyo. Kung interesado, kontakin si Tiyong. 2nd, may DVD rental din pala siya. At ikatlo at pinaka-intriguing, nag-launch siya ng "Play Dama with the Master". Bale ganito yon, hahamunin mo siya ng dama sa halagang 1Peso per game, pag tabla kayo o tinalo mo siya, piso nga ang bayad. Sa isang araw, kumikita siya ng 50Pesos, so you could only imagine kung gano siya kagaling.

SINGAPORE
Si Tita Dang naman pala ang nagpunta ng Singapore at hindi si Tito Egay. Nagkita nga raw sila ni Tita Che-Che at namasyal at nag-shopping.

JOSH
Ang bagong heartthrob ng Novaliches ay si Joshua. Kasi nga Tall, Dark and ____ (fill in the blanks). Tapos kasali pa sya sa basketball team.

Tito Ido: Magaling siyang magbasketball?
JayE: Matangkad siya.

Nice, sobrang supportive na kuya.

JIM DART
Di man siya humamig sa Poker, si Tito Jim naman ang nanalo sa Dart sugal. Kakagulat nga na may pulsong dart pala si Tito Jim. Na-miss namin si Tito Boyet, alam naming magaling siya dun.

HB Miguel
Nag-celebrate ng Bday si Miguel, by treating his friends to the movies. Parang mga 13 friends ata ang trineat nya sa Transformers. Belated happy bday ulit Miguel. Di ka man lang namin nakita.

PINYA AT BUKO PLANTATION
Pag pumupunto ka kila Tito Egay, bumabalong ang Juice at Buko Pie. Hinahanam nga namin ang taniman sa likod ng bahay nila. Ang nakita namin ay Sili, Bayabas at Dayap. Pinagtalunan pa namin kung ang Dayap ba ay lemon o lime, hehe. Ang lemon kasi ay yellow, at ang lime ay green. Ewan, basta sabi ni Tito Jim masarap ang dayap with Tequila - we all agreed.

Poker Day at Tito Egay's

Nice! nagkita-kita na naman kami para mag-celebrate ng Jul Birthday Poker. Quorum kami: Tiyong, Tito Jim, Tito Jorge, Tito Ayo, JayE, Evot at siyempre ako at si Tito Egay. Si Tita Dang ay nagninang so medyo late siya dumating at may bisita (Ilocana =).

Pagkadating palang namin ay kumain na kami ng masarap na gourmet tilapia at inihaw na baboy. Sarap! Sabi ni Tito Jorge, kanin pa lang ulam na - malagkit nga kasi - pang-mayaman.

Commercial: sobrang OK na ni Tiyong ngayon. unlike last month na mukha siyang may sakit. Ngayon cool na cool at back to dati na rin. Kaka-flu shot niya rin daw so good.

Throughout the day - sobrang dami ng pagkain at inumin. Pang-bday poker talaga.

The poker player of the day is Tito Jorge. Mukhang practice na practice siya. Hindi natitinag, at meron na siyang poker face ngayon (di na sya natatawa pag nag-blu-bluff)

Round 1
Winner: Tito Egay
Runner-Up: Tiyong ( korek!, ako rin di makapaniwala hehe)

Round 2
Winner: Tito Ido
Runner-Up: Tito Jorge

Round 3
Winner: Evot
Runner-up: Tito Ayo & Tito Jorge

Round 4
Winner: Tito Jorge
Runner-up: Evot

Round 5
Winner: Tito Jorge
Runner-Up: Tito Ayo

Naglaro pa kami ng All-in (mahirap i-explain at tanggapin). Basta pang-adik.

Next time ulit para sa August Poker Party.

Friday, July 3, 2009

Reality Shows

Ang unang reality series ay sinasabing ang MTV Real World. Bale, kinulong ang 8 tao sa isang kuwarto, tapos napapanuod lahat ng ginagawa nila ng buong mundo.

Eto ang mga natatanging reality shows:

Big Brother - parang Real World din. Pero contest naman ito.

Survivor - hahayaan ang 14 na contestants sa gubat/disyerto/isla. Tapos mag-vo-vote-out ng isa-isa.

Amazing Race - mag-uunahan ang mga contestants mag-travel sa buong mundo

Project Runway - mag-de-design ng damit ang mga contestants.

Iyang apat na yan ang pinakasakit na reality competition shows sa mundo. Meron ding America's got talent na parang talentadong Pinoy, dancing with the stars at American Idol. Pero, mas marami pang mga ganyan:

Top Design - mag-de-design ng bahay

Sheer Genius - pagalingan mag-gupit ng buhok

America's greatest Inventor - pagalingan ng mga imbensyon

Greatest American Dog - pagalingan ng pag-train sa aso (totoo ito!)

Unanimous - magbobotohan ang 10 tao sa bahay kung kanino ibibigay ang 1Million, dapat lahat sila parehas ng boto.

Greatest Psychic - paggalingang manghula =)

Naku ang dami pang iba. Pero ito ang kakaiba. Iimbitahin ang 10 atheists, tapos kukumbinsihin silang maniwala sa diyos. Ang mga judges nila ay pari, imam, buddhist. Kaso ayaw ata payagan...

http://edition.cnn.com/2009/WORLD/europe/07/03/turkey.religion.gameshow/index.html?iref=mpstoryview

Suweldo

Sobra naman kaming natawa sa mga violent reactions ng mga matataas ang suweldo sa post sa ibaba entitled "Delikadong Kalsada at Mataas Na Suweldo".

Binalikan ko ang research at eto naman pala ang ibig sabihin. Ang mga piloto ang may pinakamataas na suweldo: 100,000 monthly among those na non-executive position. Ibig sabihin alisin natin ang mga managers, COOs, CIO, CEO, partners, principal etc. Hehehe. At saka kasama na rin naman pala ang mga benefits, e ang dami naman palang mga benefits ng mga piloto - biruin nyo libre ang kanilang plane ticket every week hehe.

Thursday, July 2, 2009

Happy Birthday Miguel



Voted as the PB 3rd Generation Most Likely na Maging Mayaman! (as in Ate Edith level)




Happy Birthday Miguel!

Happy Birthday Charisse



Ngayop! Pose pa lang halata mo ng mahiyain talaga.

Congratulations on your recent promotion. And Happy Birthday!

Delikadong kalsada at Mataas na Sahod

Delikadong Kalsada sa Metro Manila

Nakababahala ang pagdami ng aksidente sa kalsada kung saan sinasabing umabot ang bilang ng sakuna sa 11,532 noong 2008. Pero alam nyo ba kung saang lalawigan makikita ang itinuturing pinakaligtas na kalsada dahil sa mababa kundi man wala talagang naitatalang aksidente sa kalye.

Sa Metro Manila, ang lungsod ng Quezon City – kung saan makikita ang Commonwealth Avenue na binansagang ‘killer highway’ dahil sa dami ng aksidente – ang naitala na pinaka-accident prone na lugar, habang pinakamababa naman sa Pateros – ang pinakamaliit na bayan sa Metro Manila. Sinabing umabot sa 31,686 ang aksidente sa mga kalye sa Quezon City mula 2006-2007, kumpara sa 289 kaso sa Pateros sa kaparehong taon. -


Trabaho na may pinakamalaking sahod

Sa ulat ng National Statistical Coordination Board para sa 2007 Philippine Statistical Yearbook, lumabas na ang nagpapalipad ng mga commercial airplane ang may pinakamalaking sahod sa Pilipinas.

Batay sa nasabing listahan, ang piloto ng mga commercial airplane ay sumasahod kada buwan na aabot sa P100,000. Bukod sa piloto, ang trabaho na may pinakamataas na sahod ay ang navigators at flight engineers.

Samantala, P4,700 sahod kada buwan ang itinuturing pinakamababang suweldo para sa isang “regular" na manggagawa. Ang ganitong sahod ay nakukuha umano ng mga nagtatrabaho sa minahan.

Judge Esperanza Victorino

Alam nyo ba na dating sikat na artista at mang-aawit noong dekada 70’s ang isang hukom na dumidinig sa mga kasong idinudulog sa kanyang sala sa Regional Trial Court (RTC) sa Pasig City.

Bilang patunay sa husay sa kanyang pag-awit, pinarangalan si Esperanza “Espie" Fabon - ngayon ay mas kilala sa tawag na Judge Esparanza Fabon-Victorino - bilang Best New Female Vocalist sa Awit Award noong 1980. Si “Espie" ang presiding judge ng Branch 157 ng Pasig-RTC.

Naging ka-loveteam din noon ni “Espie" sa mga pelikula ang pumanaw na sikat na singer na si Eddie Peregrina. Nagtrabaho rin si “Espie" bilang producer/announcer sa dzBB at GMA-7 noong 1984 hanggang 1986. Sa kanyang radio program na “Espie Espesyal" sa dzBB, tumanggap siya ng parangal bilang Best Public Service Program at Plaque of Recognition mula sa Catholic Mass Media Award noong 1986.

Sinabing ang asawa ni “Espie" na si Atty. Jaime Victorino ang nakaimpluwensiya sa dating aktres/mang-aawit upang maging abogado hanggang sa maging hukom. Sa tinatayang 2,500 kaso na kanyang dininig, mayorya sa mga ito ay kasong kriminal.

Ito marahil ang isa sa mga dahilan kaya itinalaga si Judge Fabon-Victorino na pamunuan ang itinatag na special court sa Pasig na didinig sa mga kaso ng pagpatay sa mga political activist at miyembro ng media.

Wednesday, July 1, 2009

Ang di lumingon sa pinanggalingan

ay may Stiff Neck. Anak ng tinapa. Meron na naman akong stiff neck. Tuwing bumibisita na lang si Ate Edith sa amin, napapansin nyang di ako makalingon. Alin lang yan sa mga masasamang gawain ko:

1) Nagtratrabaho sa kotse
2) Nag-P-PSP sa kuwarto
3) Walang Exercise
4) All of the above.

Dapat tigilan na. Anyway, eto naman ang mga kasabihang nabago ng panahon:


Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.

Ang taong nagigipit...sa bumbay kumakapit.

Pag may usok...may nag-iihaw.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

To err is human, to errs is humans.

Matalino man ang matsing, matsing pa rin. Better late than later...

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.

Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

Better late than pregnant - eto ang dapat motto ng kabataan ngayon.

Behind the clouds are the other clouds.

Aanhin pa ang damo.. kung bato na ang uso!

Do unto others... then run!!!

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

When all else fails, follow instructions.

No man is an island because time is gold

An apple a day.. is too expensive.
An apple a day, makes seven apples a week.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. minsan, muta lang yan.

When it rains...it floods.

Pagkahaba haba man ng prusisyon ..mauubusan din ng kandila.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.