Walang exag, mga 40 ang nanga-ngaroling sa bahay naman sa isang gabi. Di ko nga alam kung saan sila nanggagaling. Kakabilib din dahil ang bahay namin ay nasa dulo na nga ng village, e nadadayo pa kami. Nakakasawa na rin ang "....kami'y pawisho, sensya na ( ) kami namamasko". So kanina, sabi ko kumanta naman sila ng hindi pamasko.
Merong kumanta ng Narda (Kamikazee), ng High (Speaks) at ng Pare Ko. Meron din kumanta ng Single Ladies at Poker Face, meron ding nag-rap ng Gloc9. Pero ang kakagulat, ang unang kanta ay "Bakit Kung Sino Pa, ang siyang marunong magmahal", natawa talaga ako dito at binigyan na kaagad ng pera para itigil na.
After that, niyaya ako nila Carl and Carlo na mag-noche-buena sa kanila. Nice! Daming pagkain. Meron kaming spaghetti, ham, leche flan, ube, barbecue, bread, at macaroni salad. Dami rin naming napagkuwentuhan including CSI matters, nagsimula ito sa pagkawala ng pera/pila ni Gab. Totoo pala iyon, kalungkot naman. Anyway, teka huwag na nating ikuwento dito ang mga CSI matters hehehe. Live na lang sa susunod na pagkikita.
Kayo, kumusta ang noche buena nyo?
1 comment:
Kami ng mga nanay, yen at lola, nag-noche buena kina Jim.
Eto ang handa nila:
1.) Sopas.
Nagluto si Shiela ng sopas na may sahog na hotdog, ham, chicken flakes at itlog na buo-buo. Sobrang creamy pero sabi ni Jim mas type nya ang sopas ni diche na na simple lang, yung may manok at itlog.
2.) Barbecue (Chicken at pork)
Tinanong ko si Vangie kung ano ang sahog, sabi nya binabad sa sprite at pineapple. Habang iniihaw ay pinahiran ng mixture ng lemon grass, atsuete, soy sauce at magic sarap. Parang 'inasal' ang lasa.
3.) ham at keso
4.) Bulalao na may mais
Ang galing nilang magluto kaso sa sobrang pagod ni Shiela at Jay-E, tulog naman sila ng Noche Buena kaya kami lang nila Vangie at Josh ang nag Noche Buena.Uminom ng Red wine.
Nung umaga, ang daming sopas na sumobra kaya nag-food feeding siya sa mga street children.
A very memorable Noche Buena...
Sana magkwento si Jorge ng Noche Buena nila sa Japan...
Post a Comment