Ang pagkain namin kanina ang isa yata sa mga pinakamasarap na food sa isang PB gathering. Sa opinyon, mas OK pa ito kesa sa pagkain pag Christmas.
For Breakfast, Lola Maam and TIta Ate prepared Lomi and Arroz Caldo. Tapos si Tito Par, merong dalang maraming putong lalaki at putong babae =) Yum Yum.
Nung dumating na ang lunch, naglabasan na ang sobrang daming pagkain. Lola Tiyang nagdala ng Paella. Si Lolipot naghanda ng Adobo (my favorite!) at salad. Si Tita Edith naman ay may Shabu-Shabu na sobrang hit! Si Lola Maam naman ay merong kohol (katutubo nga kasi). Tita Ate naman merong sigarilyas at nilagang gulay with buro and bagoong isda. Si Tito Par naman ay merong mga California Maki at iba pang maki - bilis naubos. Si Siony merong kaldereta. Si Christian gumawa ng Kinilaw na Tuna (also my favorite!). Si Tiyang din ay merong Fried Chicken (syempre para sa mga kids). Si Lolipot din ay merong handang fruits for dessert.
Nung merienda, hinanda na ni Par ang kanyang mga puto. Tinernuhan ng Dinuguan ni Lolipot. Si Karen at Christian ay merong pasta (iyong paikot-ikot). At ang big hit during merienda TIta Edith's - make your own mini- BURGERS (Love it!). Haaay, sobrang dami ko talagang nakain na Dinuguan + Puto, kaya naka-1 round lang ako ng burgers.
Nung dinner, naghanda si Lola Maam ng Beef Rendang. Si Lolipot naman merong Inihaw na Tilapia. At syempre iyong mga ibang food nung lunch - so mas makasalanang adobo at mas maanghang pang Kilawing Tuna.
Haaaay ang hirap maging blogger kelangan kong kainin lahat yan. =). Di naman ganun ka-complex ang mga luto - pero talagang masarap! Di ko sure kung ang food sa Christmas ay mas OK dito.
4 comments:
Wow ang daming food!!!
wow...parang pang xmas na yung mga pagkain nyo nung 28...hehehe
ako nagustuhan ko ang California maki, shabu-shabu na may Kani,shrimp,squid balls, noodles, etc. Sarap din ng salad at burger. Sarap din ng tilapya, gulay na may bagoong na ginisa.Wow, pwede, ulitan!
Nagustuhan ko rin ang malamig na ice tea sa mataas na lalagyan.
oo nga. i forgot the iced tea. very cool
Post a Comment