Tuesday, November 2, 2010

ELEKSYON 2010

Nagsimula ang eleksyon mga bandang alas-3 ng hapon.  Pero bago yon, sandamakmak na alaskahan at kampanyahan muna.

Nagkaroon ng referendum tungkol sa Block Voting or Individual Voting.  Actually medyo tumagal nga ang usapan dito.  May nangampanya, may konting debate.  Sa dulo - e ganun din pala - back to usual.

PRESIDENT
Ang mga na-nominate para sa President ay sina:  Tita Edith (nominated by Tita Yet).  Tito Egay (by Tiyong), Ayka(by Tito Jorge) and Tita Yet (by Kevin).

Unang nagsalita ang mga campaign managers ng mga kandidato.  Si Tita Yet gumawa pa ng slogan para sa ikinakampanya.  Nalimutan ko na exactong words basta tungkol sa pera.  Actually, maganda sinabi ni Tiyong kay Tito Egay.   Sinundan naman ni Tito Jorge ang analogy ni Tita Helen tungkol sa saranggola (yung hinihila at hinahayaan para tumaas).  Sabi naman ni Kevin, si Tita Yet ang pinaka-active sa mga gatherings lalo na sa paggawa ng mga games, so bakit di siya gawing presidente.

After nun, nag-speech na ang mga candidates.  Ang ganda ng speech ni Tita Edith - nagpasalamat siya sa nag-nominate, at straight to the point sinabing OK siyang maging president.  Actually nun pa lang parang nararamdaman na ng lahat na siya ang mananalo.  Maganda rin ang speech ni Ayka - tinanggap nya ang nomination nya.  Naging paborito ng marami ang speech ni Tito Egay =).  (pakitanong nyo na lang po at mahirap i-explain).  Kakaiba naman ang speech ni Tita Yet.

Sa dulo - magnanimous win para kay Tita Edith, bilang President

Vice-President
Naglaban si Ayka at Tita Yet for Vice Presidency.  Medyo landslide victory si Ayka dito.  With matching endorsement and nomination from Sr. Vicky.

Secretary
Si Tita Dang at Tita Ate naman ang nominees.  Ang speech kasi ni Tita Dang ay:  "Vote for Ate".  haha.  So syempre landslide victory

Treasurer
Di umobra ang vote buying, verbal abuse at physical threat.  Nanalo si Tito Ido over Kevin by 1 vote.

 After ng eleksyon, ang daming napag-usapan ano?  Parang natapos natin ang lahat sa loob ng 4 oras - na dati ay inaabot tayo ng magdamag.

2 comments:

nagtatanong said...

O bakit nawala si Kriza sa eksena?

Darwin's Theory said...

haha. eto usapan namin:


KRIZA
"Kasalanan ko ba kung ma-schedule ako ng duty ng ganung oras?"

IDO
"Oo! alangan namang kasalanan ko".

Pero pumayat nga kasi siya, so nalito na ko sa usapan.