Nag-landing ang plane namin ng 11:30pm. On-time naman ang eroplano. Pang-6 lumabas maleta ko sa conveyor belt. Walang hassle. Ngapala nakasabay ako ni Maxene Magalona sa byahe. Kasama niya ang mommy niya at ang mga kapatid niya. Ang sagot sa tanong ninyo ay...Hindi. Hindi po siya nagpa-autograph sa akin. Sabagay, di pa naman ako ganun kasikat e. So OK lang sa akin.
Nag-meeting nga kasi ako ng 2 days. Share ko lang ang pics namin sa hotel. Sobrang ganda kasi - one of the best hotels na napag-stayan ko ever. Kasama ko si Tita Che-Che - puwede siyang mag-off from school for the period. Saka sayang din kasi e.
Ang problem di talaga ako mahilig mag-pi-picture. So for example, eto ang kaisa-isang picture ni Tita Che-Che. At bakita nga ba dito pa??? hahaha. Naisip ko kasi, nakakita na ba kayo ng POMENGRENATE? Ngayon lang ako nakakita nito e so excited akong ma-picturean hehe.
Eto naman ang kuwarto namin. Astig ang kurtina - bumubukas at sumasarang mag-isa. Pambihira. Ang laki ng kuwarto, ang laki din ng banyo. Kumpleto sa mga kagamitan - plantsa, bath tub, bar, trouser and tie hangers, safe, exag toiletries. Di ko ma-gets kung bakit merong - gloves. E wala namang oven o garden.
Ang kuwarto ko ay asa 43rd floor (ang RoofTop ay 55th floor) - so ang ganda ng view.
Ngapala. Bumili ako ng iPad at saka ng MacBook =). Pero di para sa akin. Para kanino, kamo? Well, e di malalaman ninyo kung sino ang may dala in the next PB gathering =).
Again, very short and very nice trip to Singapore.
7 comments:
Wow,ganda nung hotel...Para kanino kya yung ipad at macbook?sana sakin...hehe
Maaga ang pasko sa Singapore!!! Thanks kuya!!! Love my macbook :D :D
So, K _ _ R _ _.... kamusta naman ang iPad? :D
Kuya, ang maganda pa sa skypark is the infinity pool in the 57th floor, na habang nags swimming ka ay may illusion na lumilipad ka sa singapore skyline :D
Buti na lang pupunta ang 2G dun next year ;))
Gusto nmin sumama sa SG trip ng 2G. Kung pwede sumabit ang some 3G eh sama kami ni charisse. Dipende nga din pla sa date kung kelan pupunta sa SG kasi manganganak si charisse sa april.
WOW MacBook :) sna may magkron din ako nyan. hehe
november plang tita che pasko na.hahaha thank you tito ido for my ipad :) sobrang nipis pla nung macbook tita grbe kita ko sa alabang. nkakatakot gamitin.
Haha Karen oo nga kaya yung orig na macbook ang pinili ko (although same price lang dun sa manipis)... kasi yung manipis feeling ko baka makalimutan ko at maipang-paypay!!! :D
Post a Comment