Wednesday, November 17, 2010

Thou Shall Not Steal

Covered kaya ng 10 Commandments ang Digital Age?  Iyon bang "thou shall not steal" ay applicable din sa makabagong buhay?  Kung oo ang sagot, hmmmm...meron kayang Pilipinong mapupunta sa langit?  paano kaya ang PB?

Ang pagnanakaw ay pagkuha ng bagay na hindi sa iyo ng walang pahintulot o paalam ng may-ari.  So, ang pagnanakaw ng gamit, pagbili at pagsuot ng mga fake na damit, pagnanakaw ng kuryente at cable, lahat yan uri ng pagnanakaw.  Sa panahon na Digital, di lang mga yan.

Ang paggamit ng Windows ng walang license ay pagnanakaw.  Ganun din ang paggamit ng Excel at word na di mo naman binili ang lisensya.  Kung may iPhone ka at iPad, at meron kang applications o games na dinownload - isa iyong pagnanakaw.  Kung nagdownload ka ng kanta  na di mo binili, pagnanakaw iyon.  Kung gumamit ka ng sikat na kanta para mas maganda ang presentation mo, at di ka nagbayad ng royalties - pagnanakaw iyon.

AT siyempre, kung bumibili o nanunuod ka ng pirated DVD at VCD, pagnanakaw din yon.

Di ko po sinasabi ito dahil nagmamalinis, sinasabi ko lang na nagbabago ang depinisyon ng mga bagay-bagay depende sa panahon.  Since asa IT ako, di ako gumagamit ng mga pekeng software.  Ang lahat ng laro ko sa WII ay original.  Di ako bumibili ng pekeng Music CD.  Di ako nag-do-download ng kanta.  Pero, meron akong pirated DVDs at VCDs ng mga TV Series =)  (Top Chef, Survivor, Big Bang Theory, Modern Family etc). Patay ako!

Kayo, kaya mo bang mabuhay ng lahat original at walang pagnanakaw?  O magkikita-kita tayo sa impyerno? =).

Dati kasi ginagawa lang natin ng basta-basta ang pagbili ng Pirated, Fake o pag-do-download, nakasanayan na kasi.  Pero ngayon, bilang IT person ako na po nagsasabi - PAGNANAKAW po iyan.   Trabaho ko po ang gumawa ng software at systems, kung gusto nyong gamitin magbayad kayo.  Kung ginamit nyo ng walang bayad at walang paalam, pagnanakaw po iyon wala ng iba.  Dati kasi baka sabihin niyong di nyo lang alam.  Ngayon alam nyo na po.  Gusto ko lang po sama-sama tayong lahat, baka kasi sobrang init talaga dun e =)

Isa pa, tingin nyo ang mga software ba na ginagamit sa simbahan, kumbento, at place of worship ay lahat original  din?  Hindi kaya makikita rin natin sila dun=). 

8 comments:

Che said...

Diba dapat knowledge should be free? Problem is most originals ay pinapresyuhan ng kapitalista ng napakamahal (lalo na ang mga libro; software) -- at nagiging very restrictive esp sa mga taga developing countries. Ang motivation to create ay para maging bilyonaryo, not to share knowledge. Hello ang yaman yaman na ni Bill Gates, bakit napaka-mahal pa rin ng software nya.

Kaya the best gumamit ng Creative Commons at Open Source -- pinapayagan ng author, creator, software developer ang kanyang creation para mapakinabangan ng lahat ng libre (yung iba naman at very very low costs)!

tito jim said...

nice che !

ido said...

haha. Pero ibang issue yan.

Produkto man ng komersyalismo o hindi, kung hindi sa iyo at ginamit/dinownload/pinarate at tinangkilik mo, pagnanakaw pa rin yun.

Ang pagiging mahal ng isang bagay e di dahilan para gamitin ng walang paalam.

Kaya mahal ang presyo ng mga software, dahil mataas ang suweldo ng mga asa IT lalo na ang mga executives. mwahaha. Pero di yan ang topic.

evot said...

ngayon ko lang nalaman toh na ang dahilan pala kung bakit mahal and software ay tayo tito ido na nasa IT...hehehe
Camae, good idea na nag IT ka...hehehe...
si baby james nga eh gusto ko paglaki nya eh software engineer din...hehehe

Charisse said...

Oo nga nmn mhal ang bayad Kay ninong ido kya mhal ang software..hehe;)

che said...

Mwahaha... magcocomment pa sana ako na mag create ng software na libre ang mga mahuhusay na IT para hindi na "magnakaw" ang mga can't afford at poor...

Pero naalala ko na ang macbook na gamit ko mag type ngayon ay katas ng IT executive.. hahaaha

So, sigena nga, go intellectual property!

jim said...

tama ka che ! ako nga binigyan din ng ganyan , yes din ako ng yes , ha ha ha! sa akin ido ano kaya ? merry christmas ido ! uy ako yata unang bumati sayo ng merry christmas !

EGAY said...

basta ako,pag nagpapa-download sa virra mall, eh nagbabayad ako...me resibo pa nga eh! di ba pia?