Monday, February 28, 2011

Curiosity Killed the Cat

Ang KULIT!  Merong WET PAINT sign sa office namin.  Bakit kelangan ko bang i-check na totoong wet paint!  hahaha.  Ewan talaga, so naghanap pa ko ng pangtanggal ng pintura sa kamay.

So na-imagine nyo na malamang nung kabataan namin.  Kung gaano kakulit, at kung gaano kalawak ang mga experiment namin.  Eto sila (padagdag na lang kung naalala nyo pa):

EXPERIMENT #1 - Hypothesis by Tito One:  makakalakad ba ang ipis pag walang antenna?

O di ba interesting.  So ganito, nanunuod ako at si  Tito Ayo habang ginugupit ni Tito One ang antenna ng ipis.  Actually iyong unang experiment gugupitin, pangalawa naman susunugin.  Sorry sa animal rights activitists, bata pa po kami nun.

Conclusion:  Nakakalakad pa rin ang ipis, pero para siyang lasing na walang direksyon.

EXPERIMENT #2 - Hypothesis by Tito Ido, Tito One, Tito Ayo.  Victim:  Tita Che-Che.  Hanggang saan aabot ang ground/makuryente?  Kaya ba nya ang 4 na tao?

Alam nyo ba ang electric fan na bulok?  Yung halos wala ng nakabalot na insulation so naka-exposed na ang mga kable ng kuryente.  Alam naman naming makukuryente pag hinawakan mo yun.  Alam din namin na conductor ang katawang ng tao.  Ang di namin sure e kung hanggang saan aabot ang pagkakuryente - dalawang tao lang ba, 3, e paano kung apat?

So hawak-hawak kami ng kamay ni Tito One, ako at si Tito Ayo.  Tapos si Tito One ang hahawak sa electric fan, habang nakukuryente, hahatakin namin si Tita Che-Che. 

CONCLUSION:  Anong ending?  Iiyak si Tita Che-Che hahaha.  Ibig Sabihin?  SUCCESS!  maski na apat na tao, aabot ang pangunguryente.  Dahil mga 4 years old lang si Che-Che nun, tignan nyo nangyari sa kanya ngayon =).

EXPERIMENT #3  Hypothesis ni Tito Ido.  Kaya ba ng PUNCHER ang Diyes sentimos?

Syempre alam natin na kaya ng puncher ang papel, para dun nga yun.  So ang tanong, hanggang saan ang kaya ng Puncher na yan.  Sinubukan ko sa Mansanas.  Puwede!  Sa Tinapay, Puwede!  Sa damit, Puwede rin! (mapapalo ka lang, pero puwede).

E sa barya? 

CONCLUSION:  Nasira po ni Tito Ido ang puncher nila.  Itinago nya po ang puncher para di siya mapagalitan.  1 week after, dun po siya napalo ng husto.

EXPERIMENT #4.  Hypothesis ni Tita Che-Che.  Ano ang mangyayari pag minagnet mo ang TV?

Inuwian kasi kami ni Lola Maam ng magnet galing sa school.  So syempre ang sarap maglaro ng magnet.  OK lang naman sa bata ang mag-experiment kung alin ang kayang ma-magnet at hindi.   Well...., until subukan iyon ni Tita Che-Che sa TV namin. 

CONCLUSION:  Naging 3/4 na lang ang palabas sa TV namin, dahil iyong 1/4 na area e wala ng image.  Hahaha.  I think 4 years old siya nun, so exempted sa palo.  Actually, baka nga si Tito Ayo ang may gawa nun, sinabi lang si Che para di siya mapagalitan.

Wala naman kasi kaming internet o PSP nun.  So ang research namin - live naming ginagawa.  Buhay pa naman kaming apat, so OK lang magkamali - basta marami namang natutunan =)

3 comments:

che said...

Hahaha hindi ko na maalala ito pero kakatawa ang experiments :D

Ang naaalala ko dun sa haus nila tita tetes, palagi din tayo nagkukulong sa baso/garapon (nakataob) ng nanganganak na ipis, pinapanood habang nanganganak (minsan umeebs din), tapos titingnan kung ilan ang magiging anak... yikes.. haha

tito boyet said...

Parang si tito one ang pinaka maraming experiment noong bata pa sya... eto pa ang isa...
gustong patunayan ni tito one kung totong may siyam na buhay ang
pusa. Kumuha sya ng isang kuting at nilagay sa loob ng refrigerator. Hindi ko matandaan kung gaano katagal na nasa loob ng ref ang pusa dahil nailabas lang ito ng ref ng magluluto na si lolipot ng pagkain nila ng tanghalian... buhay naman ang kuting pero ginaw na ginaw ito ng makita ni lolipot. sabay sigaw ni lolipot ng ONEEEEEEEE!!!! ha ha ha

Darwin's Theory said...

hahaha naalala ko nga ito. ok nga na experiment ito - mahaba nga buhay ng pusa.

Pag sa ref - buhay
Pag sa kalan siopao. MIaw!