Sunday, February 6, 2011

Utal

Featured sa Jessica Soho kagabi ang Stuttering o ang pagiging utal.  Wala naman (ata?) sa PB na utal, ano?  Naaalala ko lang nung bata si Tito Ayo ay nauutal, pero nawala na rin over the years.  Ako, merong combination ng words na nauutal ako - mga tunog ng S at N na magkakasunod-sunod.  Unang beses kong na-realize ito nung nag-speech ako - nagpasikat ako't nagsalita ng Tagalog ng hindi nag-pra-practice.  Patay!  Ang salita ay NANANAGINIP.  Nautal ako.  At biglang nag-ingles na lang.  BIhira kasi ang salitang English na sunud-sunod ang N at S.  So ayun, nakahanap na ko ng paraan.

Sabi ng isang speech pathologist na nag-guest ng show, ang STUTTERING o PAGKA-UTAL ay hindi sakit o disorder, ito ay condition.  So kayang-kayang ayusin.  Di pa ako pumunta ng pathologist para ayusin ang challenge ko sa pagsasalita.  Ang nagawa ko ay gumawa ng paraan.  Pag malapit ko ng sabihin ang "NANANALANTA" o "SASANAYIN", babagalan kong magsalita, at hihinto.  OK naman, bihira na lang sumablay.

Interestingly, hindi ako utal nung bata.  Ngayong matanda ko lang na-realize ito.  So posible ring dati pa ako nau-utal, di ko lang alam.

1 comment:

che said...

Madami daw iniisip ang mga nauutal? totoo ba?