Friday, April 29, 2011

Sosyal

Bakit ba ang ibang tao ay may fascination sa mga Branded na gamit - yun bang may tatak.  Ang mga gamit kelangang may tatak at yung sosyal.  Ano ba talaga ang napapala ng isang tao kapag mayroong branded na gamit?  Pansin (bakit KSP ka ba?), Confidence (bakit insecure ka ba?), baka yabang at arte.  Ayun, baka nga yun.

Sa PB, mapapansin naman kung sino ang kabilang dito.  Itago na lang natin sila sa mga pangalang:  K_REN, C_MAE, TITO E___, TITA E____ at TITO IDO.  Hahaha.  Korek ako rin!  Sino pa ba sa PB...hmmmm  puwede rin ata sa TITO __E, at feeling ko si J___ din at saka si E___ and C__.  Baka nagsisimula pa lang sila kaya di halata =p.

Ewan, ewan ewan.  Yan lang masasabi ko. 

At least ang mga PB 2G lumaki sa isang compound.  Parehas kami ng kinaing nilamas na saging, naglaro ng shato at text, at marami nga sa amin nag-aral sa Morning Breeze.  So bakit, bakit, bakit?

Unang sagot, e dahil kayang bumili na ngayon.  Korek yan.  Syempre kung di mo kayang bumili, e di ka makakabili.  Pero meron din namang PB na kayang bumili pero hindi bumibili ng branded.  Si Tita Che-Che for example, ayaw sa branded.  Mas gusto pa nyang mag-ukay-ukay at bumili ng marami kesa isang branded lang. 

Asa school ba?  Di rin yata, si Tito E___, e sa Morning Breeze din tapos sa UP, imposible dahil dun.  Si K_REN, di ba dun sa likod ng simbahan nag-high school (hahahaha).  Si C_MAE naman taga-Morayta, e binabaha kaya dun.

Alangan namang sa bahay.  E bakit si Tita D___, e ukay-ukay shopper din. 

So in summary, ewan di namin alam ang sagot. 

Ang justification siguro e eto: tingin ko bawat isa naman (lalo na sa PB) may luho sa katawan.  May isang bagay ka na bibilhin, papagkagastusan o uubusin ang pera para mabili o magawa.  Ibigay ang hilig kung baga.

Example: 
1) Kelangan ba Tucson pa, puwede namang Revo =)  hahaha

2) Kelangan ba marami kang Lacoste shirts?  (answer:  alam nyo bang 24 ang Lacoste shirts ko ayun, 6 na lang puwede na kong araw-araw Lacoste buwan-buwan hehe)

3) Kelangan mo ba ng pangalawang Louis Vuitton na bag?  Ngayon may Longchamps ka pa

4) Kelangan mo bang kain ng kain sa Jollibee?  Di ba puwede sa bahay na lang?

5) Kelangan mo ba talagang lumabas para mag-coffee.  E ang mahal kaya dun, ba't di ka magtimpla sa bahay.

6) Kelangan mo ba talagang maghanda pag birthday mo o magpakain?  E ang dami kaya sa PB, di naman naghahanda

7) Kelangan bang made of gold ang altar sa simbahan?  Akala ko ba dapat simple.

8) Na-compute mo na ba magkano nagagastos mo sa kaka-DOTA araw-araw?

9)  Kelangan mo bang gumimik sa EMBASSY?

10) Kelangan mo bang magpa-rebond e ang bata mo pa kaya?

11) Kelangan mo bang magbigay ng 10,000 sa bawat pamangkin na mag-50 years old ( e di ko naman aabutan yon hahaha - ang sama).

12) Kelangan ba orchids ang tanim mo?

13) Kelangan ba laging Andoks o Chooks to Go ang tanghalian?  Di ba mas mura pag nagluto?

14) Kelangan ba ganung kalaki ang itaya mo sa player?

15)  Kelangan bang maghanda tuwing monthsary, e ang litt liit pa ng bata di naman niya maalala yon?  At saka ang monthsary wala sa bibliya, at wala sa batas, at wala sa constitution yan.

16)  Kelangan ba feather MAC ang laptop mo, e meron ka na ngang VAIO tapos meron ka pang notebook?

17) Kelangan nyo bang kumain sa restaurant pagkatapos magsimba?

18)  Kelangan mo na naman bang magpabili ng bagong gamit para sa pasukan?

Ang sagot sa lahat ng tanong na yan ay HINDI.  MALAKING HINDI.  Hindi natin kelangan gawin ang anu man dyan.  Pero ginagawa natin dahil gusto natin. 

In summary, walang pakialamanan dapat hahaha. 

Tumulong sa kapwa, tapos...Bilhin ang gustong bilhin kung may maiipon pa naman.  Kumain ng gustong kainin, kung kaya. Mag-bigay ng more than 10% sa simbahan, kung diyan ka naniniwala.  Magbigay ng 10,000 kung dyan ka masaya.  Ang importante ata, huwag magsisisi sa huli at wala namang masasaktan sa ginagawa mo. 

Ganun ata =)

1 comment:

che said...

korek kanya kanyang luho at hilig lang yan, may mga di mahilig sa branded na bag at damit pero:

Ma: mahilig sa alahas
Diche: mahilig sa pabango
Ayo: mahilig sa sapatos
Ako: mahilig sa books, food at travel

I guess basta di ka nangungutang, nanghoholdap ng banko o nagdidildil ng asin para masustentuhan ang luho ay ok lang haha.

MInsan ok naman talaga ng branded for the quality, which is true, lalo pag sa gadgets. Pero ako pag makakabili ng same or almost of equal quality, dun ako sa mas mura hehe. For personal things, di ako sanay mag slurge sa branded (kasi sanay kami na sponsored ni kuya!).. but for gifts syempre gusto mo din magbigay ng branded (lalo na at mga brand conscious mga kapatid ko hehe). Si ayo, for example, maselan, di mo mapapagsuot yun ng fake o ukay! At ganun din si ma. Buti pa nga si kuya nagsusuot ng tshirt na nabili sa sidewalk basta kakaiba :D