So naiba naman ang topic sa barberya, parlor at mga kainan. Natigil muna ang mga Heneral at sila Ligot. Dahil ang Hot Topic sa Buong Pilipinas ay ang temporary na pagkawala sa era ng Willing Willie, dahil sa Child Abuse case ng DSWD. Syempre, marami na rin ang nakialam sa issue (kasama na si Lea Salonga at Sen. Kiko) - dahil nga child abuse e.
Subukan nating i-alis pansamantala ang bias laban kay Willie Revillame at suriing mabuti ang pangyayari. Ang nangyari kasi, ang mga videos na asa YouTube ay maikling bahagi ng tunay na pangyayari. Ang nakikita sa video ay ang batang sumasasayaw habang umiiyak. So parang umiiyak siya dahil napipilitan siyang sumayaw.
Ang video sa baba ay mas mahaba, at halos buong portion ng palabas, so hindi lang iyong bahagi na nagsasayaw ang bata.
Siguro suriin natin ang nangyari para maitama ang mga ibang haka-haka, ayon na rin sa video na napanood
- mukhang HINDI umiiyak ang batang si Jan-Jan dahil napilitan siyang sumayaw. Hindi siya pinilit ni Willie at nung sino pa man. Iyon ngang Tita niya ay nag-chee-cheer pa sa kanya.
- parang HINDI nga alam ni Willie na pagsasayaw ang talent ng bata. Akala nga niya, e kakanta ang bata. So hindi naka-plano ito at di naman mukhang scripted
- ang pamantayan ng Child Abuse ang tunay na isyu dito. Kay Willie, walang masama sa pagsasayaw ng bata. Pati producers at director ng show ay walang nakitang masama dito. Kung meron e di dapat pinigilan na nila. Lagpas 3 beses nagsayaw ang bata. Alin man dun, puwede sanang pigilan kung gusto nila. Pati mga audience din ay mukhang walang nakitang mali sa nangyari - maririnig ang tawanan at hiyawan sa una, pangalawa, pangatlo, pang-apat at lalo na nung FINALE STAGE performance ni Jan-Jan.
Ngayon, temporary suspended ang show na Willing Willie ni Revillame. 2 weeks ata ang dinig ko. Pero dahil marami na ang nakiki-involved malaki ang posibilidad na tumagal pa ito. Lalo na nung nagpalitan pa sila Willie at si Sen. Kiko ng mga salita sa ere. Ewan lang.
Ano ang opinyon nyo tungkol dito?
4 comments:
Oo nga, very contentious issue on 'child rights' and çhild abuse'. Kasi, sino ba ang magsasabi na "humiliated or abused" ang bata -- the parents, the child, or DSWD/mga educated na tao. Para sa parents, paraan yun para magkaron ng kaunting kita; para sa DSWD at sa mga class A&B, syempre child abuse. Minsan ang concept ng "rights" ay masyadong elitista din dahil galing sila sa West.
Pero I think ang key sa nangyari ay yung klase ng pagsasayaw na ginawa (ang context, kapalit ng pagsasayaw nya, pera), and yung pag condone sa pagsasayaw nya in front of national TV. Kung sumayaw sya ng carinosa I guess walang issue, kahit kumita pa sya ng pera. Si Andrei pinapagsayaw natin diba, sila Karen din dati(minsan hinahagisan ng pera), but it was not seen as bad... kasi nga iba ang public media at national TV.
I think dapat nag-apologize na lang si Willie instead of defending himself...
dapat si Willie ang nagpahinto sa pagsasayaw ni Janjan ng pang-binataang sayaw, di naman pambata yung sayaw nya eh. sana pinagsayaw na lang nya ng ibang pambatang sayaw at tugtog. kaso di ata alam ni Willie na me conflict dun kaya masayang masaya pa sya habang gumugiling yung bata. pinartneran pa nga nya sumayaw eh.
saka takot din kasi yung mga staff ni Willie sa kanya, pati hosts, siguro pati director takot sa kanya eh. sya na kasi producer ng Willing Willie ngayun kaya takot silang pangunahan si Willie. baka tanggalin sa trabaho. kung ok ke Willie yun eh ok na rin sa kanila.
dapat wag na mag live show si willie...pwede naman tape or delayed telecast para mareview mabuti yung episode na ipapalabas sa TV...ibang klase talaga dyan sa pinas, kasi kung dito gawin ata yung ganun eh parang wala lang...hehe
Grabe naman kasi yung ginawa sa bata pinaulit-ulit pa!! Dapat tama na yung unang sayaw. Di ko nga natake tapusin nung pinatayo sa stage na umaangat tapos habang sumasayaw na umiiyak eh pinalibutan pa nung mga dancer at ni willie na nagkakatuwaan, sabi ko kay ayo ayoko nang tapusin, susmaryosep...dapat batukan tatay nya na nagturo sa bata ng sayaw!
Post a Comment