Eto ang estimates ng mga gasto kung mag-travel papuntang Singapore. Assuming 4days 3 nights
Plane Fare: Between P8,100 to 10,000
Cheapest flight would be 2,888 one-way. So mga 5,800 round trip. If we book it now.
Tapos Meron pang Travel Tax na 1,450 at Terminal Fee na 750.
Hotel: 1,900P x 3 Nights = 5,600 Pesos
Puwedeng mag-stay sa Fragrance Hotel o kaya dun sa mga Hostels. Slight problem e medyo malayo sa city ang mga ito, so either mag-taxi pa or mag-train.
Average Affordable Hotel: Mga 120 ksi per room so, 60 Sing$ per person per night. O mga 1,900 Pesos per person per night. Para comportable.
Kung gusto ninyo ang sosyal na hotel puwede sa Marina Bay Sands. Ang average rito ay 400Sing$/night. Ito ay mga 16,000 Pesos a night.
THINGS TO DO and PLACES TO GO:
Universal Studios: 66Sing$ = 2,244 Pesos.
Night Safari: 22Sing$ = 748 Pesos.
Songs of the Sea: 10Sing$ = 340 Pesos.
Marami ring puwedeng puntahan sa Singapore for Free: Botanical Garden, Merlion, Beach.
FOOD: Sabihin na nating average 12Sing$ per meal per person which is ~500P. Multiply by 8 times. (Huwag na magbreakfast) would be 4,000Pesos.
SUMMARY:
Plane Fare: 9,000
Hotel: 6,000
Universal/Night Safari/Sentosa: 3,500
Food: 4,000.
TOTAL is 22,500 per person. There you go. Malayo pa ang August so marami pang time mag-ipon.
3 comments:
medyo hirap pag malayo sa city kasi nasubukan ko na noon first time punta nila karen kasama namin ate. pero kung ganun kamahal sa city, mas malaking problema. hehe, kahit saan, matuloy lang.
correct ka dyan dith. sana matuloy tayo para d maputol yung nasimulang yearly trip ng 2g. d ba masaya.
1. When yung target dates in Aug.?
2. How many na nagconfirm to join Singa Trip 2011?
Post a Comment