Medyo inaantok pa ko kanina - mga 7:15 kasi gumising na ko at nag-abang ng portion ni Tito Jorge. Nung nakita ko na siya sa TV, ewan bakit automatic akong nag-picture.
Kung kay Nora Aunor ay nunal, kay Mike Enriquez ay ilong. Ang trademark ni Tito Jorge ay pisngi. Pansin na pansin talaga sa TV. maski sa pictures din ano? =)
Eto yung unang beses na inexplain ni Tito Jorge ang mga produkto nila. Sinabi nya ang minimum orders at na ang mga produkto nila ay eco-friendly at Made in the Philippines.
Eto yung nag-e-explain yung businesswoman ng mga chocolate at tsaa. Ang haba naman kasi ng explanation ni Manang, sinalaysay kasi niya ang kasaysayan ng business niya. Maganda ang paliwanag nya ha. Kaso nga lang medyo madrama at medyo may kahabaan. Kung anu-ano ang naiisip ko....
Naisip ko - maganda ang buhok ni Tito Jorge this time ha, nag-gel talaga siya at suklay. Di katulad nung nag-guest siya dati sa radyo medyo magulo hair niya nun e(hahaha, sinabi pa).
I really like how Tito Jorge explains. Simple kasi ginagamit niyang salita at madaling maka-relate ang mga viewers. So para sa TV audience na buong Pilipinas at iba't-ibang level ng audience, very effective ito.
OK din ang host (na kahawig ni Bea Alonzo - o inaantok lang ba ako). Talagang hinahawakan niya at tinitignan ang mga produkto. At inuusisa talaga ang mga produkto. Para siyang interesado talaga sa mga dine-demo.
Tinanong ng host si Tito Jorge kung ano ang minimum na order pa para sa mga boxes. Inexplain ni Tito Jorge. Tapos sabi ng host na puwede raw niyang gamitin ang box para gawing lalagyan ng chocolates - yung giveaway ba o lootbag para sa parties. Aba kegaling naman ng host na ito, makakadagdag pa sa potential clients nila Tito Jorge dahil sa bagong idea.
So ayan ang summary ng TV guesting ni Tito Jorge. Sensya na sa quality ng pictures. Pero at least naisip mag-picture para sa mga PB abroad at para sa mga di nakapanood.
Tinawagan ko si Kuya Jorge ngayon lang, at sabi niya si Ditse daw nakanood kanina! Si Tiyong naman daw ay tumatawag pa sa telepono maski asa Studio na si Tito Jorge hehehe.
Again, ang International Food Exhibit (IFEX) ay gaganapin sa May 12-14 sa SMX Convention Center. Sabi nung taga gobyerno, huwag daw pumunta ng May 12 ng umaga kasi para sa mga invited guests yon.
Once again, very good exposure para sa mga Eco-Friendly at mga gamit na gawang Pilipinas. Congratulations Tito Jorge!
8 comments:
Wow kuya Jorge, mahusay, congrats!!! At infernez mukha ka talagang bumata ng isang paligo dito sa pic ng TV guesting mo...heheheh
ang galing galing talaga ni ninong/tito/lolo jorge!!! Congrats!!!
congrats Ninong Jorge!
kamukha mo talaga si Sen. Drilon sa TV (mas bata ah.)
Mahusay! Congrats Tito Jorge! Nadadalas yata ang paglabas mo sa TV huh, baka ka madiscover ng mga talent scouts he he he.
Tito Ido, thanks s mga pictures!
Oo nga ano, mukhang bumata talaga si Tito Jorge sa TV. Nice.
yes punta kami sa smx , may 13 !
Thank you sa mga nag-congrats sa akin lalung-lalo na sa mga nagsabing bumata ako!
Magaling ata yung nagmake-up sa akin bago ang show, sabi ko nga wag makapal ay huwag yung parang natutulog lang, mahirap na.
Tito Boyet, may nagsabi nga sa studio na guest pala si Mayor Bistek! he he he
Thank you Tito Ido for the pics and blog posting!
Artista ka na, Jorge! We are proud of you!!! Correct, correct!!! Yes, yes!!!
Post a Comment