Wednesday, December 30, 2009

Paputok

Ayon sa DOH, as of 12/30/2009, may 165 na ang naitalang mga biktima ng paputok.  Wala pa namang namamatay, karamihan lang ay naputulan ng daliri, nabulag ang mata, nalapnos ang balat.

Sa 165 na biktima ng paputok, kakagulat na 56% ng mga ito ay biktima ng PICCOLO.  Ito iyong parang posporo na kinikiskis lang, kaya nga kadalasan ang biktima ay mga bata.  Para lang watusi na mas malaki ang PICCOLO pero deadly pala.

Eto ang talaan ng mga paputok na nakapinsala ngayong December:

1) PICCOLO
2) TRIANGLE
3) 5-STAR
4) LUSIS
5) KUWITIS

Ang pangit sabihing "Bawal Magpaputok", corny naman yon.  Malalaki na tayo at alam na natin ang dapat nating ginagawa o hindi =).   Siguro ang puwede nating gawin ay intindihing mabuti kung bakit ka nagpapaputok.  At doon magpasya kung magpapaputok nga.

Ingat!

2 comments:

tagamasid said...
This comment has been removed by the author.
tagamasid said...

kasi nga tayong mga pinoy, nabola ng husto ng mga intsik. pampaalis daw ng malas ang magpaputok. di ba mas malaking malas pag tinamaan ang daliri mo, kamay mo, mukha mo, & worse, masunugan pati bahay mo?

nice post pare. keep on posting....