Friday, January 8, 2010

Kumusta na si Ia?

(text/story from Tita Helen)

Most likely ang unang tatanungin sa ‘min ng PB pag nagkita-kita “kumusta na si Ia?” Kumusta na nga ang seventeen-year old na 3g na nagpunta sa Japan para mag-aral.

Mas maganda kung ikukuwento namin with pictures kaya pinadala ko kay Tito Ido ito to post sa PB blog.

Imagine, si Ia ang sumundo at naghatid sa min sa Narita Airport, considering mga 3 hours ang travel from her dorm to the airport, bale four transfers sa train. Mas kabisado pa ni Ia ang Tokyo kesa MetroManila. Nung nandito yun, ang pinakamalayo niyang na-commute e mula sa bahay to UP at pabalik, pagdating sa bahay e pagod na pagod na. Hindi pa marunong tumawid sa kalsada kung minsan,haha. Malaking factor yung efficiency ng transport system dun atsaka yung safety ng mga tawiran. Nababasa nya yung train route thru internet sa cellphone nya. Advantage din na marunong na rin siyang magbasa ng Kanji atsaka magsalita ng Nihonggo.

Pagdating namin sa airport, meron nang dalang down jackets para sa min ni tatay (Si Ia yung bumili ng parang metallic na jacket ni Tito Jorge. =)) kasi malamig nga daw, baka hindi namin kayanin. Siya din ang nag-book sa min sa hotel na malapit sa campus nya. =).



Nung unang umaga namin dun nagluto ako ng breakfast tapos ginising ko si Ia para magbreakfast, sabi ba naman pagkagising, “Ay, ang galing paggising ko me breakfast na, kakain na lang.” Natawa kami ni tatay nya, naawa din kami siyempre kasi siya lang talaga ang nag-aasikaso sa sarili niya dun.


Sa pagkain kasi niya, nag-go-grocery, bibili sa bento or convenience store, minsan magluluto. Siya ang naglilinis ng room, nagliligpit, at naglalaba ng damit niya. Siya na rin ang bumibili ng mga gamit nya. Nag-mamanage ng time nya, siya gumigising mag-isa. Nagbabayad ng dorm, water, electrical bills, etc. –nagbubudget, nakakaipon pa nga. Nagba-bike papunta sa grocery, train stations, atbp. (samantalang dito daw pagpunta atsaka pag-uwi kung saan man galing nakasakay sa kotse.) May allowance siya monthly as part of her scholarship aside from libre din siya sa school. Independent na at 18!! Sabi nga namin ni tatay sa kanya, malaking bagay and advantage yung independence sa kanya in life and sa work later.


Sa ngayon nasa Tokyo University of Foreign Studies pa din siya 

 dito siya nag-aaral ng Nihongo intensively atsaka nagre-refresh ng ibang subjects for the university




This coming March, magtatransfer na siya sa University para sa bachelors degree na 4 years. Malamang malipat na din siya ng ibang dorm within campus or off-campus.

Yung dormitory ni Ia nasa loob din ng campus.




International Residence Hall ang tawag nila dito.




Mga ilang hakbang lang sa school building nila. Nasa sixth floor siya tapos may balcony bawat room kung saan sila nagsasampay ng damit. Mapapansin nyo sa baba merong tatlong vendo machines. Pag gusto nila ng drinks, dito sila bumibili softdrinks, coffee and tea (hot and cold), kahit pocari sweat meron din- lahat at 110 yen ( around 54 pesos). Mula sa room nya, nakikita nya yung tennis court, football field, and gym (lahat nasa loob ng campus). Minsan daw natatanaw nya yung Mt. Fuji mula dito.



Meron ding park na malapit sa campus, nagpupunta siya dito, nagbabasa, namamasyal, nag-jojogging.



May dorm room sila bawat isa. Nasa 6th floor yung room niya. Sa loob meron sariling toilet and bath with bathtub, study table, kama, ref, sink, bookshelves. Meron ding water heater para sa tubig sa sink atsaka sa bathroom. Meron din aircon and heater yung kwarto. Ang lamig nga sa labas, mga 5-8 deg nung nandun kami kaya very useful yung heater.

(interior of the building)


Ia's Room


Ia's Study Nook


Ia's Bookshelf


Ia's Bathroom with Bathtub



Pag maglalaba siya, merong common coin laundry atsaka coin dryer sa 6th floor. Huhulog ka ng 100 yen (49 pesos) aandar na yung washing machine around 40 minutes.. Ganun din yung dryer, 100 yen din for 30 minutes.



Pag Tuesday night after school, nag-aaral din siya ng violin. Yung violin school malapit lang din sa campus at malapit sa train station. Pinaalam sa min ni tatay niya dati na mag-eenroll siya sa violin school na nagtuturo ng Suzuki Method. Relaxation at diversion yun and productive pa, kaya sabi namin okay lang. Kaya nung nandun kami sa dorm, pinapunta kami sa music room kung saan siya nagpapraktis ng violin.



Pinarinig sa min yung mga piyesa na tinutugtog niya. Inferness, smooth na yung tunog ng violin niya, wala ng gasgas, and maganda nang pakinggan . Pag pumikit ka nga and pakinggan mo yung tugtog nya, parang di si Ia tumutugtog. =)

Ang purpose talaga namin ni tatay niya, bukod sa mag-spend ng Christmas kasama siya , para malaman din namin ang situation niya dun. Nakita naman namin na safe siya dun as long as within area lang siya ng campus atsaka hindi nagpapagabi sa daan. Okay naman siya dun, global ang exposure. Mag-isa lang na Filipino na nakapasa si Ia sa undergrad kaya ang mga kaibigan nya dun taga Bulgaria, Brazil, Vietnam, Korea, Indonesia, Malaysia. Interesting din daw yung iba’t-ibang nationalities ang friends n’ya. Talaga nga lang kailangan niyang malayo at mag-isa - although sacrifice ngayon alam rin niya na mas marami namang advantage sa kanya sa huli and naiintindihan nya rin yun.

Anyway, as always, nag-aaral siyang mabuti, mabait, magalang at responsible pa din na anak. Kaya, nung nandun kami, nagtravel kami sa mga gusto naming puntahan- Kyoto, Hiroshima, Miyajima, Nara, Osaka. Sabi nga ni tatay, work hard, play hard. Nag-relax kaming tatlo ng husto- kami ni tatay, after a year of hard work dito, si Ia naman-from school.. we’ll send you pictures nito later. =D

6 comments:

jim said...

wow ! ang galing naman ni IA
"proud of you"

Che said...

Very nice! Nakakatuwa to know about Ia's independence at 18, that she can now host and be a tour guide for Nanay and Tatay, manage her day to day life, learning a lot, and na magalang at mabait pa din sya. And parang ambilis nya natuto ng Nihonggo...

All the best Ia!

Evot and Charisse said...

wow...ang galing ng pinsan ko!!! pagpumunta kmi dyn sa japan ni ate charisse eh sana matour mo din kmi dyn...hehehe... enjoy your study... see you soon...ingat ka lage dyn. =)

Charisse said...

I am so proud of you IA! Welcome to my world. Ganyan talaga kpag nasa ibang bansa ka. No helper and you have to help yourself. Matuto ka talaga magcook, mag-laundry, mag-commute by your own etc..Talagang you are by yourself..Wish you all the luck sa studies mo and keep it up. Always take care!

tito ido said...

Congrats Ia. Being independent is a process, so wishing you the best of opportunities in your journey.

ayo said...

di na nakakataka na kaya ni Ia maging independent, sobra kasi syang versatile. more knowledge to come Ia.