Saturday, January 2, 2010

PB New Year's Party - Part 3

#3 - Games
- Thanks kay Tita Yet sa pagsisimula at sa pag-prepare ng maraming games.  Sobrang busy talaga niya buong hapon ano?

TAWANAN CONTEST

- Daming bago na games, including nga iyong 1st game na kontest patawanin ang kalaban.  Sabi ni Tita Yet, kay Tito Jim daw ang game na ito. 

- Wala talagang pag-asang manalo ang girls sa larong ito e.  Ganito kasi yan, ang mga mayayaman mababaw ang kaligayahan, tignan nyo na lang si Karen, Camae at Kathleen.  Ano ba yun, wala namang ginagawa ang kalaban bungisngis na.  Wala nga masyado ginawa mga boys e, kaya landslide victory tuloy.

- Pero not sure kung napansin nyo ang performance ni Andrei ha.  Amazing di ba?  Seryoso kung seryoso at kakatawa naman pag nagpapatawa.  Partida, 5 years old lang yan ha.  Malayo ang mararating ng batang ito sa mga children's party at PB gatherings.













ANIMAL GAMES
- Impressive ang performance ng 4Gs (at mga little 3Gs) ha.  Ang gagaling nila, considering ang liliit pa.  Baka ang talent at galing ay nag-skip ng generation (mwa hahaha).

- Ilang taon na ba si Pia?  Syempre di nya alam ang spelling ng elephant, e ang haba nun.  Pero alam kaya nya kung aling word ang elephant at alin ang snake.  Amazing di ba?  Ang aking fearless forecast, balang araw si Pia ang magiging tirador ng mga Papila-spelling ni Tito Ido.





1 comment:

yet said...

Yung Tawanan or Laughing game, ni-research ko sa internet.Dami dun. Bale Katutubong Pinoy game yon kasabay ng mga tumbang-preso, taguan, etc. Yung ball na square, yun ang nakita ni Jim sa Star City. Ayaw naman nyang magpalaro.Tuwang-tuwa ako sa Animal game kasi ang gagaling at competetive talaga sila, e mga bata pa.

Sana nga may naihanda din tayo sa mga 1G (kahit na patagalang kumurap).

Sayang yung 'yes or no' na palaro ni tito Ido para sa 2G, di natuloy. Next year na lang.

Wish ko mag-isp din tayo ng activities para sa summer outing.
Para di ma-bore ang iba, habang ang iba ay nagpopoker face.