Friday, May 7, 2010

Curfew

Baka sobrang suwerte lang, pero hindi ako nagka-curfew sa buong buhay ko.  Iyong tipong "Umuwi ka before 12midnight or 6pm or 10pm".

Siguro nga kasi, at the age of 19 e nagtrabaho na ko sa ibang bansa.  So mga 5 taon akong asa-US(1993-1997), na namumuhay at nagtratrabaho mag-isa.  Alangan namang mag-ka-curfew ako.  Tapos wala namang cellphone nun, ang overseas call ay 2$ per minute, walang email at walang internet.  So di practical na sabihan akong "Umuwi ka before 11pm".  Kasi malamang ang sagot ko, "11pm po saan?  sa West Coast, East Coast, Manila or sa Europe", dahil lagi po akong buma-biyahe.

Di po ako sobrang bait na anak.  Alam nyong mahilig din ako gumimik.  Pero di naman pagsagot at tigas ang ulo ng topic, so we can discuss=).  Maski na nung High School at College, wala akong curfew.  Unang-una, hindi ko kailangan ng curfew.  Umuuwi ako sa oras na sensible at di mag-a-alala magulang ko.  Pangalawa, naaasiwa akong gumimik hanggang umaga, dahil wala naman akong sariling kita.  At di naman kami mayaman, so parang hindi responsible na umagahin ako sa inuman.  Pangatlo,  wala ring pera ang mga pinsan ko nun e hahaha.  So walang manlilibre sa akin, at walang magpa-paalam sa nanay at tatay ko.

Siguro dahil napatunayan ko sa magulang ko na responsable ako from Elementary, High School, College hanggang 25 years old, e lalo naman akong walang curfew pagbalik ko ng Pilipinas galing sa US.  Mga 1998 nun.  So puwede akong gumimik maski hanggang anong oras, NEVER PO AKO NAPAGALITAN.  Isa pa, MANAGER na po kasi ako nun e=).  So parang ang SAGWA namang magka-curfew ang Manager, di po ba.

Obviously, di po ako naniniwala sa curfew =).  Lalo na kung kasama mo mga pinsan mo naman=).  Kaya siguro ako walang anak dahil baka ma-spoil hehe.

Para ma-address ang issue ng curfew, eto ang advise:
1)  Earn the Trust.  Pag nakitang responsable ka, di mo na kelangan magpaalam pa.  Ipapaliwanag mo lang

2) Ipakilala ang mga kaibigan sa magulang.  Ikuwento kung ano ba ang "paint-ball", EB, at iba pa. 

3) Self-Regulate.  Gimik araw-araw hanggang umaga?  Bakit?  Magkano ba kita mo?  Mo ha, hindi ng nanay at tatay mo.

4) Maging manager kaagad =)

5) Magpa-ampon kay Tito Ido  hahaha.  (Spelling test ang audition).

6)  Isama si Tito Ido sa gimik.  Kung kasama nyo si Tito Ido, promise, never kayo mapapagalitan.  Mwahahaha.  Ang haba ng article, dun lang pala babagsak.

8 comments:

evot said...

ayun...kapag meron gimik ang 3G eh isama natin si tito ido para meron na din manlilibre sa 3G...hehehe...

Super agree ako sa sinabi ni tito ido. ako nung nagaaral pa eh bihira lang ako gumimik eh kasi d ako mahilig gumimik nun. Si charisse lang mahilig...hehehe...
at ngayon eh super buhira pa rin eh kasi nga wala ako hilig gumimik pero pag gumimik naman ako eh talagang inaabot ng 4am...hehehe

Anonymous said...

hehehe i think sa amin lang talga nauso yung my curfew ehh.?

dianne said...

hahaha bkit may napagalitan b stin?? parang ala ata aq nbalitaan:)) hahaha

teens said...

ang alam ko ang madalas may curfew ay sa mga teenager lalo na sa mga girls , kasi masyado delikado na sa labas ngayon madami nagkalat na bad elements ,siyempre nag aalala ang mga parents natin dahil mahal tayo nila

charisse said...

I agreed sa mga sinabi ni Ninong Ido. Importante talagang maging responsible muna tayo sa sarili natin and prove to our parents that we can be independent.

At wag po kayo maniwala kay Evot na di siya gumigimik. Kasi nung nawala na ako diyan eh may mga Friday gimik na yan and weekends and out of town. Kaya nga mas madami siya napnthan sa kin. Yung mga gimik ko sa Pinas eh kasama ko pa lage siya dahil ayaw me iwanan.hehe.

Pero po ako kahit na GM and married na eh may curfew pa din sa parents..Strict talaga si mother ko.haha.

Darwin's Theory said...

Since kamag-anak ko naman kayo, i can give you 50% discount sa aking per hour rate as chaperone to 3G gimiks. hehe

ido said...

Many thanks for many 3G opinions. Ako gusto kong marinig ang boses ng 3G sa ibat-ibang topics including Curfew.

In the end we can agree to disagree that is also fine.

Thanks!

charisse said...

Eh yun naman pala eh. Pwedeng pwede si Ninong Ido kaya isama na siya sa mga lakad ng 3G. Hindi din naman mapagkakamalan na chaperone kasi mukha pa din naman teen si Ninong Ido ;)