Monday, May 3, 2010

PB2G G2Palawan - Day 2 Island Hopping

Syempre, since Island Hopping - konti lang ang pictures namin ng Day 2.  For example, wala nga kaming dala maski na ano papunta sa Snake Island.  Talagang snorkel lang.  Concerned nga kami ni Tito Jorge kay Ate Edith - biruin mo iniwan niya ang wallet niya sa boat.  Grabe, pag may nakakuha nun, puwede ng bilhin ang island.

Anyway, favorite talaga ng 2G ang Pambato Reef.  Eto yung, pupunta sa laot malapit sa Coral Reef "House", at dun mag-snorkel.  Ang lakas nga lang ng current at talagang tatangayin ka pag di ka nag-effort lumangoy. Pero maski kakapagod ...Go! pa rin kami. 

Pangalan pa nga lang kasi...so sa Pambato Reef mo makikita ang mga magagandang corals sa Pilipinas.  Tinuro nga sa akin ni Tito Egay ang isang coral na kulay Blue - astig, parang pelikulang Disney.  Andito rin ang mga interesting species ng fish.  Meron ngang Tiger Fish, Swordfish, Dilis, parang-Talakitok fish, parang Tilapia-fish, at parang Galunggong.  Parang lang siyempre, malay ba namin, di na naman namin tinikman.


(ready na mag-snorkel.  hmm bakit si ayo mukhang isda na)


(the Lising Ladies coming back from the Pambato Reef)


(sobrang saya sa Pambato reef, pero kakapagod talaga as you can see from Tito Par and Tita Bhogs)




(Tito Egay and Tito Egay swimming back against the strong current)


(Tita Vangie, Tito Jim, Tito Ido, Tita Che, Tito One and Tita Eyan waves across to Sr. Vicky and Tita Edith)




Di na sumama sa aming mag-snorkel sila Tita Edith, Tita Ate, at Sr. VIcky.  So nung pabalik na kami from Pambato Reef, naganap ito between Tita Yet and Tita Edith.

Tita Yet:  "Grabe 'Det sobrang daming isda dun!"

Tita Edith:  "Syempre dagat yan.  Ngayon pag nakakita ka ng kalabaw diyan, tawagin mo ako".

2 comments:

charisse said...

Haha..Excited si Tito Ayo mag-swim..

yet said...

Parang di ako yung nagkwento nun tungkol sa fish, parang si Tita Bogs...
pasaway ka talaga.