Sunday, October 31, 2010

Happy Halloween PB!

Tonight is Happy Halloween.  Sana nag-enjoy ang mga bata kung nag Trick or Treat sila.

Tomorrow is All Saints Day naman. 

Happy Halloween PB!

Saturday, October 30, 2010

Ate's Bday at RW

Here are pics from Tita Ate's birthday bash at Alimango @ Resorts World.  All photos courtesy of Tito Egay, nanlibre na photographer pa.



Bday Girl



Northern portion of the Table

Southern Side of the Table



Panganib sa Internet

Malamang nabalitaan nyo na ang 5 kabataang Americano na naging biktima ng Cyber Bullying.  Eto yung pananakot at pang-harass sa paggamit ng Facebook, blogs o iba pang uri ng social networking.  Ang malungkot dito - ang 5 kabataang ito ay nagpakamatay, dahil dito.

Dumarami na rin ang mga kaso ng Cyber Stalking.  Eto naman ang pagsunod, pagmamatyag, at panghaha-rass sa isang tao gamit ang impormasyong nakukuha sa internet.  Nung una mga artista ang biktima, pero nung malaunan maski na hindi mga celebrities ay nabibiktima na rin.  Ang masama, umabot na sa Pilipinas ito at meron ng naitalang 100 kaso ng Cyber Stalking at Cyber Bullying sa Pilipinas.

Kaya, mag-ingat tayo.  Internet is here to stay, di na puwedeng maialis ito sa buhay.  Dapat makibagay upang maiiwasan ang Bullying at Stalking.

Eto ang mga payo:
1)  Huwag ilagay ang buong kaarawan o birthday sa Facebook.  Month and date is OK, huwag na year.
Ex.  Ilagay lang ang October 30. 

2)  Huwag ilagay ang buong address sa Facebook
Ex.  Sabihin lang na: Santan o kaya Germany.  O kaya naman Las Pinas.

3) Iwasang maglagay ng larawan ng bahay mula sa labas.  Kaya na kasi itong i-google-maps. 
Ex. Huwag mag-post ng picture ng bahay na buong-buo, mula sa labas.

4) Huwag mag-announce ng bakasyon lalo na kung walang maiiwan sa bahay. 
Ex. Kung alam na nila ang itsura ng bahay mo, tapos alam din nila na wala ka sa bahay...hmmm.

5) Celebrate in Past Tense.  Ibig sabihin iwasang magsabi na pupunta sa isang lugar na merong eksaktong address.  Sabihin na lang pag nangyari na.
Ex.  Here are the pictures from last week's party or last week's party.  Huwag yung - magkita-kita tayo sa Red Crab sa 2/F ng REPUBLIQ sa Resorts World Manila (tapat ng NAIA 3) sa ganap na 7pm.  I-text na lang ang detalye.

6) Iwasang ibigay ang buong email address sa blogpost, IM, facebook.
Ex.  I-text ito o i-private email.

7) Huwag i-friend ang di mo kilala.  Huwag tratuhing contest ng paramihan ng friends ang Facebook. 

I know parang praning.  Medyo exag din.  Exercise good judgment na lang siguro.  At laging isiping maraming puwedeng makakita sa inyong mga personal information.

Ingat!



 

Ilusyon

Tignan nga natin kung mag-work itong mga Optical Illusions sa Blog.  Baka kelangan nyo pang i-click ng lumaki ang picture.  Tignan mabuti ang mga larawan.

1.  Ang dingding ba ay papaloob?  o papalabas?


2.  Ilang lapis ang nakikita ninyo?




3  .Ilang kulay ang nakikita ninyo?  Apat kamo?  Are you sure?  Try again.


4.  Pakanan ba o Pakaliwa?

5.  Tignan ng mabuti ang "butas sa gitna ng daan".  At mamangha


6. Pag tinitigan ng mabuti - makikita ang nakatagong salita.



So, OK ba ang Illusion Powers ninyo?

Friday, October 29, 2010

ANNOUNCEMENT from PRES JAYE - NOV1

Pres. JayE said...


nov. 1 activities and plans ,

call time - ang alam ko nag pupupunta tayo sa sementeryo ng sangandaan 8am uuwi sa sementeryo 11:30 , mag lunch sa santan after eh program na for election of officers sa PB, aabutin tayo hangang dinner syempre !

dapat dalhin -pagkain sa lunch at dinner , meron din merienda

mag kare-kare daw si sheila at si mama ,

lola tyang 3pcs special fried chicken at lumpian ubod ,and the rest di ko pa alam kung ano mga dadalin , pls blog nyo dadalin nyo mga foods "so that coordinate w/ others "

gagawin - gagawin natin makakasaysayan ang eleksyon nato dapat present kayo ! spiritualy , financialy at nakahanda at puno puno ang minds nyo kung sino ang napipili yon officers

ano daw pagkain ? - ano daw pagkain dadalin nyo sa lunch ? merienda at dinner ? pls blog your foods to bring !!!

malugod akong nagpapasalamat sa inyong mga suporta !!!

pesident ng pb 2010

Thursday, October 28, 2010

Ano BLOOD TYPE nyo?

Isa sa mga partners ng kumpanya namin nagka-DENGUE.  Tapos ang HR namin sumulat sa mga taong may ka-Blood Type nya!  Nagulat ako at na-impress. 

naisip ko, baka dapat proactively gawin natin ito sa PB.  Sana huwag nating magamit, pero mas OK kung handa.  Naisip kong gumawa ng database ng mga Blood Types natin.  Pag kelangan na natin ang impormasyon, ibig sabihin urgent at pressure na ang sitwasyon.  Mahirap na dun pa tayo maghagilap ng ka-blood type. 
Ano po ang blood type ninyo?  Paki-comment na lang.  Pag-kumpleto na, i-de-delete naman natin ito.  I-pu-publish ko na lang sa ibang paraan para lahat makaalam.

Example:  Ako ay Type O.  Ang dugo ng mga masa =).

2011 Para sa PB Abroad

By 2011, magiging 20% na ng PB ay abroad.  Dami na no?  So baka nga puwede na nating simulan ang mga programa para mas makasali ang PB abroad sa mga PB happenings.  Yung mas madalas kesa Pasko ang ibig sabihin.

(Canada:  TIta Tetes, John, MOnica, Alex.  Singapore:  Tita Petite, Tita Che-Che.  Japan: Ia.  Tito Boyet: All Over the World.  US: Evot, Charisse and Baby James).

Ang advancement sa technology ang puwedeng magpadali sa komunikasyon.  YUng mga dating hindi puwedeng gawin, ngayon kayang-kaya na.

(Sa 2011, di ba naka-schedule din mag-Canada si Nanay.  Tapos di ba press release ni Tito J_ _ na pupunta siya ng US kasama si Tita _ A _ G I E.  Tapos gusto talaga nating makabalik si Tito Boyet, kasi yun ang trabaho niya e.)

Pero since nagising ako ng 5am para sa isang meeting with people abroad.  Di ako makapag-isip ng husto.  Ano kaya ang puwedeng activities na makakasali ang PB abroad?

Nov 1

President JayE, meron ka na raw na-set na calltime para sa Nov1 meeting?

- Anong oras daw ang call-time?
- Anong dapat nilang dalhin/gawin?
- Ano daw ang pakain mo=)?

Thanks

Wednesday, October 27, 2010

Rating ng Bagong Show ni Willie

Akala ko mag-no.1 ang bagong palabas ni Willie.  Di naman pala.  Pero talaga palang marami na ang nanonood sa TV5. 


Saturday Primetime:

1. Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7)

1. Imbestigador (GMA-7) - 12%

3. Wansapantaym: Cara (ABS-CBN) - 11.3%

4. LOL: Laugh Or Lose (TV5) - 11.1%

5. Talentadong Pinoy (TV5) - 10.7%

6. TV Patrol (ABS-CBN) - 10.1%

7. Willing Willie (TV5) - 9.5%

8. JejeMom (GMA-7) - 9.1%

9. 24 Oras (GMA-7) - 8.4%

10. Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) - 8.2%


Sunday Primetime:


1. Pepito Manaloto (GMA-7) - 11.4%

2. Talentadong Pinoy (TV5) - 10.1%

3. Kap's Amazing Stories (GMA-7) - 9.8%

4. 24 Oras (GMA-7) - 9.4%

5. Mel & Joey (GMA-7) - 9.3%

6. Rated K (ABS-CBN) - 8.4%

7. Magic? Gimik! (TV5) - 7.7%

8. My Darling Aswang (TV5) - 7.4%

9. Goin' Bulilit (ABS-CBN) - 7.3%

10. TV Patrol (ABS-CBN) / Show Me Da Manny (GMA-7) - 7%

Pampabata

Kelangan din  nating gawing medyo pambata ang PB Blog, para mas maraming 3G na mag-blog.  Admittedly, medyo pangmatanda ang matured ang mga topics most of the time - Business, History, minsan Politics.  So mahirap din mag-encourage ng mga 3G to support kung di sila maka-relate.  Si Evot at JayE naman kasi e mga 2.3 G mga yan.  Mga nahuling 2G (o baka napaagang 3G) - so nakaka-relate sila.

Meron bang taga-3G na gustong maging author sa PB Blog?  Mas OK siguro yon para di lang 2G at 1G perspective ang nasusulat.  Saka para everyone is represented. 

Madali lang yon - magkakaroon kayo ng Authorization and Admin Rights - and you will have control of the blog.  Please volunteer ha. 

Tuesday, October 26, 2010

Hello Cebu

Some pics from the trip to Cebu











Legacy of JayE Presidency

Nagbasa ako ng mga blog posting nung Dec 2009.  Hinahanap ko kasi ang mga may bday ng December.  Lima pala sila: Tito Ayo (12), Jay &Ditse(15), Tito Par (16) and Sr. Vicky's 50th (23).

Nakakatawa palang basahin ang mga posts nun.  Lahat kasi kinakabahan na baka walang mangyari - Paskong Relax kung baga.  Meron ngang magdadala ng PSP at ng baraha sa araw ng Pasko celebration hahaha.  Eto sila:  http://pamilyabanal.blogspot.com/2009_12_01_archive.html

Merong mga bagay na nangyari for the first time sa PB Christmas 2009.  Una, di ginanap ito ng Dec 25.  Isa pa, very successful ang Exchange Gift for the first time in many years.  Pinauso kasi ni JayE ang Wishlist.  E di syempre nga naman mas maraming natuwa.  Very good idea.  Also, for the first time, kasama natin ang mga PB Abroad via Webcam.  So nakita tayo ng Canada, Japan, US and Singapore.  Ewan ko lang kung ano nakita nila ha, dahil parang ang daming gaps sa program.  Pero nevertheless, para na rin natin silang kasama.

Monday, October 25, 2010

Jollibee buys MANG INASAL

Kakakuwentuhan lang natin tungkol dito.

Sobrang kakalungkot naman.  Di na ata talagang puwedeng maliit o medium na isda sa dagat ng mga pating.  Pag dilis ka, papatayin ka.  Pag tilapia ka kakainin ka naman.

Kaya dapat suportahin si Tita Yet - HITO na lang.  Di ka pa kinakain ng mga pating.  Totoo yan!  Nakakita na ba kayo ng pating sa canal o burak?  eeeeewww.


Papila vs. Pumipila

For the first time, mas marami pala ang Papapila vs Pipila ano?  Meron kasing 3 bagong papapila this year, which obviously pumila last year. 

Very interesting development ito.  Ibig sabihin, unti-unti ng gruma-graduate at nagkakatrabaho ang mga 3G.  Ang saya naman.

Ewan kung ano ang magiging desisyon ng bagong PB President tungkol sa mga Open Questions:  sali ba sa pilahan ang mga PB abroad?  Ang mga unique and special cases nila Kriza, Kevin at Tit Che-Che?  Ang walang trabahong 1G or 2G?  Ngapala, paano pala ang mga 1G na walang source of income? Sali ba sila?  For example, Ditse has source of income which are rentals?  Tiyong, Tiyang, Lola Maam, merong mga pensyon.  Pero Lolipot and Nanay, wala silang pensions e.  Papapila ba sila?

I mean, lahat ng gustong magpapila ay welcome gawin iyon.  Alangan naman pong tumanggi ang mga pumipila sa grasya di ba hehe.  Pero I think, igalang na lang natin ang mga ayaw magpapila, maski asa listahan sila.  Sabi nga ni Tita Yet, baka may pinagdaraanan lang sila =).

Sobrang kritikal na desiyon pala ang naghihintay sa PB President.  Di pa sya umuupo, e meron ng kelangang desisyonan. 

Ngayon pa lang dapat ng magsimulang magpakabait at sumipsip ng mga 3G at 4G na pipila.  At mag-ingat sa ihahalal na Presidente (7 days na lang pala yan!)  Paano kung gawin niyang Presidential Decree #1 - Walang Pilahan.  Anong gagawin niyo?  WEK WEK WEK WEK.

Yes, tradisyon na ng PB ang Pilahan.  Ayon sa pagsasaliksik, nagsimula ito nung 1969 nung namirmi na ang PB sa Santan - grabe lagpas 40 years na pala ito.  Pero tulad ng anumang tradisyon puwedeng mabago,(pagboto vs, pag-appoint ng PB Presidente) o talagang mawala.  Example, PB Tradisyon ang pagbabasa ng Pasyon pag mahal na araw - galing pang Nueva Ecija yan hanggang Santan - umabot yan ng 50 years++.

Ang tanong, nagbasa ba ng Pasyon sa PB this year? 

Pangalawa, PRUSISYON.  Tradisyon ng PB na sumama sa mga prusisyon na yan.  Sa ngayon, si Tita Edith na lang ata sumama jan e.  Baka sya lang dapat ang papilahin hehehe. 

So huwag kampante na merong Pilahan every year.  Posibleng mawala yan.  Tandaan, for the first time, MINORITY na kayo ngayon!  MWA HAHAHA.  Mas konti na kayo.  Kung ako sa inyo, magpakabait na kayo at sobrang sumisipsip ngayon pa lang at lalung-lalo na sa Nov 1.  Siguraduhin ninyo ring pumunta kayo.  Dahil kung sakaling magbotohan, patay! kelangan nyo lahat ng boto.

In summary, good luck sa mga pipila this year.  Actually, good luck kung yan pa ang tawag sa inyo.  BWA HA HA HA.

kelangan pang takutin para umattend ng meeting hehe.

TxT Quotes

Been receiving a lot of good quotes from Cellphone # 353.  Kaso di ko alam kung kanino yun.  Maraming salamat ha, I read all of them.  Here are samples:

1)
When u don't feel gud ryt now, try sitting down and think of things dat made u feel bad. U must accept dat der are many things beyond ur control. 

Try not to be affected.

Just smile and think of gud things.

Remember being happy has always been a matter of choice. U

2) 
Life never leaves u empty.  It always replaces everything u lost.  If it asks u 2 put something down, it's because it wants u 2 pick up something better...

3)
don't look for things or people that aren't there

always be thankful for what you have

because the more you look for something not with you

the more you find something wrong with what you have

4)
time is the most playful element bcoz..

It lengthens the minutes when you wait

and

rushes the hours

when you enjoy the moments


5)
A CHANCE OR A CHOICE?

When u meet the right person to love, at the right place, at the right time, that's a chance

when you meet someone that you're attracted to, that's a chance too

Being caught that there are many people out there who are more attractive, smarter, richer, than your partner, and yet you decide to love your partner just the same, that's a choice.

Attraction comes to us by chance.  but a true love that will last forever is truly a CHOICE!

********************

Nice ano, which one was your favorite txt quote?

Thanks ulit sa nagpadala.

Sunday, October 24, 2010

Ganito ba?

1) Madaling ma-distract.  Makakalimutin.  Sabay-sabay gumagawa ng mga bagay-bagay.

2) Nahihirapang mag-focus sa isang bagay o isang gawain

3) Madalaing ma-bore kahit sandaling panahaon lamang.

4) Nahihirapang mag-organize at magtapos ng mga gawain.  Maraming nasisimulan, konti ang natatapos.  Madalas nawawalan ng mga maliliit na gamit (lapis, ballpen, notebook)

5) Di makatagal makinig kapag kinakausap.

6) Nahihirapang sumunod sa mga detalyeng instructions

7) Di mapakali sa upuan - sa school, sa trabaho, sa hapag-kainan.

8)  Pag nagsalita, nahihirapang tumigil

9)  Di mapakali.  Nilalaro, hinahawakan ang anumang bagay at lahat ng bagay na makita.

10) Parang kiti-kiting gumalaw.

11) Maikli ang pasensya

12) Kung anu-ano ang sinasabing mag-isa

Ganito ba kayo?  O meron ba kayong kilalang PB na ganito?  Ganito ba ang mga anak ninyo? 

Kung meron, WELCOME sa aming mundo =).  Sa mundo ng merong ADHD.  Di naman ako clinically diagnosed with ADHD - kasi wala pa namang ganyang dati.  Pero one-time nung nag-pa-annual check-up, sinabi ng doktor na meron daw akong ganun at mabuti kaya kong ma-handle.  Syempre natawa ako ng sobra.

Mahirap magkaroon ng ADHD bilang estudyante, at mas mahirap mag trabaho sa opisina ang merong ADHD.  Hanggang ngayon meron akong ginagamit na techniques para tumagal ng meeting na 1 oras.  Dahil madalas, 3 minutes pa lang gusto ko ng lumabas.  =).

Mahirap magkaroon ng ADHD sa Pilipinas, dahil di pa tayo scientifically advanced.  So malamang tatawagin kang Kiti-Kiti, Di Mapakali, o May Topak. 

So kung merong kayong ganitong sintomas o merong kakilalang ganyan, kelangan ng extrang pagpapayo at extrang pag-intindi =).

Joke from Yshii

Eto ang isang maka-balinguyngoy na joke/Likeit from Yshii.  Para kay Tito Boyet, siya si Patricia.  hehehe

***********
Teacher: Tell me a sentence that starts with an "I".


Student: I is the....

Teacher: Stop! Never put 'is' after an "I". Always put 'am' after an "I".

Student: OK. I am the ninth letter of the alphabet

Pinoys are back-to-back no.1 in US Billboard

Well, half or sometimes even 10%, basta Pinoy.

Una, siguro naman narinig nyo na ang Just the Way You Are.  No.1 song ito sa US Billboard Charts for 2 weeks.  No.1 din ito sa MYX, at sa maraming radio stations dito sa Pilipinas.

Ang pangalan ng singer ay Bruno Mars.  Sa totoong buhay, siya si Peter Gene Hernandez.  Ang nanay niya na si Bernadette Hernandez ay Filipino-American.  Si Bruno Mars din ang sumulat ng hooks ng mga iba pang sikat na kanta: Nothing on You by B.O.B. , Billionaire ni Travis McCoy, at ang Right Round ni Flo Rida f Ke$ha.

Di na number 1 ang kanta ni Bruno Mars.  Ang bagong no.1 ay Like a G6 ng Far East Movement.  Ito ay isang electro hip-hop at electro dance rap na grupo ng 4 lalaki.  Isang member ng grupo ay si DJ Virman, na isang Pinoy-American. 

So very good showing ng mga Pinoy sa International Music Scene.

Bruno Mars MTV

Happy Birthday Carlo

Oct 25 is Carlo's Bday.




Medyo di natin napagkikikita si Carlo sa mga PB gathering.  May work na kasi siya.  Well, excited ang PB na makita siya sa Dec 25, that's for sure =).  Happy Birthday Carlo!

Saturday, October 23, 2010

Listahan ng Pilahan

Medyo mahirap nga ang request ni Tito Jim na ilista ang mga magpapa-pila.  Kasi nga di ba, meron pa tayong mga unresolved questions.  Pero sige nga subukan na natin, at ng mabilang rin:


MGA MAGPAPAPILA (Nilagyan ng ** ang mga may questions kung magpapapila)
1)   Ditse
2)   Lola Nanay
3)   Lola Tiyang
4)   Lolo Tiyong
5)   Lolipot
6)   Lola Maam
7)   Tita Ate
8)   Tito Par
9)   Tita Bhogs
10) Tito Jim
11) Tita Vangie
12) Tita Yet
13) Tito Jorge
14) Tita Helen
15) Tita Edith
16) Tito Boyet (yehey andito sya sa Pilipinas this Dec)
17) Tita Rhoda
18) Tito Egay
19) Tita Dang
20) TIta Eyan
21) Tito One
22) Tito Ido
23) Tito Ayo
24) Tita Siony
25) Ayka
26) JayE
27) Shiela
28) Karen (yehey! First-timer this year)
29) **Carlo (yehey! Binyagan din this year)
30) **Dianne (yehey! Eto pa bagong biktima)

?? Di ko sure kung meron akong nakalimutan?  Pakisabi po at di ko sinasadya.  Bakit ko namang sasadyaing di kayo isama sa mga biktima hehe.

Again, pag meron 2G na walang trabaho or source of income by December, puwede siyang mawala sa listahan =)

MGA PIPILA (Meron ding mga ** ang mga merong questions pa)

1)   **Kevin (ano desisyon nyo, suggest ko pila, ba't naman hindi)
2)   **Kriza (palagay nyo?  tingin ko puwede, kayo?)
3)    Joshua
4)    Julienne
5)   Ashlie
6)   Andrei
7)   Camae
8)   Kathleen
9)   Kacey
10) AJ
11) Yshii
12) Ian
13) Migz
14) Gab
15) Angela
16) Sophia
17) Ben
18) Deniel
19) Anton
20) Rap
21) Carl
22) Tehya
23) Chanel

Kinakabahan ako na may nalimutan ako.  Sorry kung meron nga.  Again, ang hirap palang gawin ng listahan na ito.  Di ko kasi sure kung ano talaga ang criteria ng pilahan na ito.  Na-realize ko rin, bakit wala ang mga PB abroad? 

Pero, blogger lang ako.  Siguro ang presidente na ang mag-resolve nito at sumagot ng mga tanong kung sino ang kasali at hindi kasali =).  Vote wisely!  Or vote kung sino papanig sa interest ninyo hehe.

IBIDINSYA

Sabi ni Tito Jim, di raw marunong ng gawain si Tita Yet.  Hmmm.  Di naman pala.




 

Sabi ni Tito Boyet, may ebidensya na si Tito Jim ay naglalabasa sa Bahrain.  Tumpak nga!

Familiar

Malapit ng maging pangkaraniwan tulad ng kuryente, tubig, transportation...



Pinanganak sa New York.  Magulang nya ay isang psychiatrist at isang Dentist.  Ang mga magulang niya ay Jewish, pero siya atheist.  Mahilig siya sa computer, pero sa school siya ay kilalang nagbababasa ng mga epic poems (tulad ng Iliad).

Tinawag siya ng Vanity Fair Magazine na #1 Pinaka Maimpluwensyang Tao sa Buong Mundo ng 2010. 
Siya ay 26 years old, at isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo.  Ang yaman niya ay $6.9 Billion.  OK na lagyan ng picture at pangalan ang CEO at President ng Facebook, Mark Zuckerberg.

Friday, October 22, 2010

Nakita mo. Sasabihin mo?

Halimbawa lang ito ha.  Pramis!  Halimbawang nakita ko si PB-1 may kasamang ibang babae/lalaki - e tatlong beses na.  Same person ha.  At halimbawa ulit sa isang lugar na kakaiba, lugar na ewan kung bakit siya pupunta dun.  Ano ginagawa ko dun?  Paki nyo, wala akong asawa't anak ano hahaha.

Anyway, nalito na ko.  Ah, OK.  Dapat ko bang sabihin kay PB-1?  sa asawa ni PB-1?  sa girlfriend/boyfriend ni PB1? 

Sobrang daling tumahimik.  Pero yun ba ang tama?  Kayo, kung makita ko ang asawa/boyfriend/girlfriend nyo na may kasamang iba at isang lugar na di sya dapat andun, sabihin ko sa inyo?   O huwag na lang?

Sinabi kong halimbawa lang ito, ano =)

Congratulations Dianne!

Nakaatanggap ako ng text na nagbabalita na nakapasa si Dianne sa kanyang Job Application. 

Dianne, magbalita ka naman.

Congratulations Dianne.

Thursday, October 21, 2010

PINAKA

Nanunuod kayo ng ANG PINAKA?  Tuwing Linggo ito ng gabi sa Q.  Minsan OK talaga ang mga topics.  Last Sunday, ang topic nila ay "Ang Pinaka-Accident-Prone na Kalsada (in Metro Manila)".  Ibig sabihin ng Kalsada ay puwedeng Street, Avenue, Boulevard, bawal lang Express at tollway.

Ang paliwang ng mga taga DOTC, nung umayos ang kalsada, dumami ang aksidente =).  Example, dati raw ang Roxas (or Dewey) Boulevard, wala namang aksidente, pero nung naayos ng husto.  Ayun!  dami ng aksidente.

Nagulat ako na #3 ang Alabang-Zapote Road.  What??? Paano nangyari yun, e di naman umaandar mga sasakyan dun hahaha.

Ang matindi rito ay ang TRIO ng kalsadang Quirino Highway-Marcos Highway-Commonwealth.  Di po ba isang kalsada lang iyon?  Ayun naka-hiwalay pala ng 3 segments.

Di ko alam kung saan ang Radial Road 10.  Saan po yun?
Top 10 na Ang Pinaka-Accident-Prone na Kalsada sa Metro Manila

10. Radial Road 10

09. C-5 Road

08. Marcos Highway

07. Roxas Boulevard

06. McArthur Highway

05. Quezon Avenue

04. Quirino Highway

03. Alabang-Zapote Road

02. Commonwealth Avenue

01. Epifanio delos Santos Avenue (EDSA)

Crossing Capitalism

2 bagay ang paborito (at na-mi-miss) sa States:  Grocery at Pagtawid.

Nawawala ang pagka anti-capitalism pag pumapasok ako sa Walmart!  Actually pati Tar-jey(yan tawag namin sa Target para sa sosyal) din.  Mahirap ipaliwanag, basta para kang binigyan pag pumasok ka sa isang Walmart store lalo na yung SuperWalmart.  Kid in the Candy Store kung baga.  Grabe kasi sa pagka-kumpleto.  Practically lahat talaga puwedeng bilhin dun.  From diapers, sabon, pagkain, gulay, damit, sapatos, maleta, tennis racket, gulong ng kotse, paper shredder.  AT ngayon pati na kotse, insurance, and funeral services!  Korek! mula pagsilang hanggang pagkamatay.  Haaay I miss Walmart.

Malakas ang karapatan ng mga Pedestrians sa US.  Humihinto lahat ng sasakyan pag papalapit sa pedestrian lane. Maski walang tumatawid, slow down ka.  Nakaka-miss yan.  Kasi alam nyo naman sa atin, para kang nakikipag-patintero kay kamatayan pag tumatawid.  Di ko sinasabi yung mga malalaking highway a.  Maski na yung maliliit na kalsada sobrang hirap tumawid.  Walang karapatan ang pedestrian sa Pilipinas.  Well, except sa ibang bahagi ng Makati.  Di ba nga Republic of Makati ang tawag dito.  May designated Loading and Unloading area at kung-ano-ano pang ka-ONE-WAY-an.  Anyway, one-time tumawid ako sa pedestrian lane (I know, madalas kung saan saan lang ako tumatawid e, sorry, tao lang).  Anyway, meron ba namang Pajero na halos sagiin ako at hindi huminto.  Buti na lang traffic!  So tinawag ko ang Pulis Makati at sinumbong ang Pajero.  Di ko na alam kung hinuli siya, kinuha lisensya, kinulong, tinorture, ay di pala Manila ito.

Teka ano nga ba point nito.  Ah!  Pag nag-dri-drive at madadaan sa Pedestrian Lane, please give way.   Lahat ng PB walang kotse nung pinanganak.  Ibig sabihin, lahat tayo naglalakad at tumatawid.  Di porket nagka-kotse na, kakalimutan na ang mga namamasahero at tumatawid.  Kung nagmamadali ka, puwes matulog ka at gumising ng maaga =).   Di naman tatanggaping excuse yan ng pamilya ng taong nasagasaan mo.

Peace and Love!  And Pedestrian Rights.

MANG INASAL

Finally, nakakain na ko sa Mang Inasal.  So first-time ko lang talaga.  Kumain ako kasi nga naintriga ako sa balita.  Ang balita kasi, talo na ng Mang Inasal ang McDonalds  AT sobrang lapit na nyang matalo ang Jollibee.  Wow!  Di ko ma-imagine na merong tatalo sa Jollibee.

Ang siste, binibili ng Jollibee ang Mang Inasal.  Korek.  Pag malapit ka ng matalo ng kalaban, e di bilin mo sila.  Ang presyo?  3 Billion Pesos.  Wow!  panalo.

Kaso sa first time kong pagkain sa Mang Inasal kanina ako'y impressed sa kanilang Business Model at sa dami ng tao. 

- 99 Pesos ang Breast+Wing Inasal.  So parang 2 piece chicken.  Ang mura nga.

- Tapos, matindi Unlimited Rice.  Di ako mahilig sa rice, pero maraming Pinoy na mahilig dito. 

- May sawsawang pinoy.  Major difference sa pagkain Pinoy ito e.  Iyon puwedeng suka, toyo o patis with calamansi at sili.  Pangkumpleto ng pagkain.

- OK naman ang lasa ng Chicken Inasal.  OK din ang Barbecue. 

- Ngapala, da best din ang libreng soup!  Medyo maanghang ng konti.

Try nyo rin.  Pero kung ako si Mang Inasal - di ko muna ibebenta =).  Saka na lang pag 10Billion na hehe

Wednesday, October 20, 2010

Kung walang Video at Internet

...malamang di sisikat ang Justin Bieber na yan.  Imaginin nyo dati na radyo lang ha.  So boses lang ha, di papatugtugin mga kanta niya.  Pero iyon na nga, magaling kasi siyang sumayaw at maayos ang itsura.  Pero boses, naku ka-timbre nya si LA Lopez.  At ang mga kanta nya?  Utang na loob!

...di ko sure kung sisikat si Lady Gaga.  Kasi di naman makikita ang bikini-tangga outfit nya at ang kanyang mga costumes.

So korek, merong "ganda" at "pogi" o "stylish" requirement ang pagiging singer ngayon.  Kaya nga sikat sila Rihanna, Usher, Beyonce.  Sisikat kaya sila ng ganyang ka-sikat kung walang video at internet?

Sa ngayon, puwede ka lang sumikat na singer (kung di ka maganda/pogi/stylish kung galing ka sa talent competition.  Anyway, pang-matandang taong point of view ata ito - iyong mga sanay na merong kuwenta ang mga kanta at may boses ang mga singers =).

Kakalungkot lang pag inisip, sisikat ba sila Billy Joel kung nagsimula siya sa Internet Generation?  Pati na rin Simon & Garfunkel, at baka pati si Dionne Warwick at Aretha Franklin.  Oh no, pati pala si Carole King. Nakakapanghinang isipin =).

Anong factor ang pagkatuto?

Interesting naman ang sinabi ni Tita Che-Che tungkol sa kaalaman sa gawaing bahay.

Sabi kasi nya, depende sa henerasyon.   Dati kasi maraming nanay na full-time housewife, so posible nga na di ma-puwersa ang mga batang matuto ng gawaing bahay.  Pero Tita Che-Che obvious namang counter-argument dyan ay sila Kevin di ba?  Sanay kaya silang tatlo sa gawaing bahay.

Siguro, hula lang:
Isa sa mga factor siguro nga ay "yaman".  Kung kaya mong kumuha ng kasambahay, lalo na kung lagpas sa isa, e malamang di ka nga matuto sa gawaing bahay.  Itago na lang natin sya sa pangalang KJ =).  Marunong kaya sya sa gawaing bahay?  Nilaglag ko na naman sya dito =).  Interviewhin ko nga siya next time hehe.  O baka naman ang mga dalahira niyang ate K at C ay puwedeng mag-tsismis dito?  hehe.

Pangalawa sigurong factor ay gender.  Di ko sinabing nag-a-agree ha.  Pero dati kasi talagang prina-practice ang mga babae sa gawaing bahay e, sa ayaw nila't sa gusto.  Lalo na ang mga taga-Gapan at mga anak ng taga-Gapan.  So ang anak na babae ang default na maglalaba at magluluto. Example, tingin nyo marunong maglaba at magplantsa si JayE at Evot (kung di umalis ng bansa) hahaha.  At si Joshua nga pala, marunong kaya sya gawaing bahay?

Pero as always meron laging exception to the rules.  Sila Kriza, Ayka, Kevin nga.  At si Tito Boyet (dahil Life of Luxury nga pala siya abroad).

Pero ako, nagpapasalamat na natuto ng gawaing bahay.  Of course pilit lang at for sure nung bata pa ako pikon na pikon.  Mahirap mabuhay ng walang alam sa bahay, asa ibang bansa ka man

Tuesday, October 19, 2010

Delikadong Sasakyan

Ayon sa DOH, ang mga pinaka-accident prone na sasakyan na may tatlong gulong ay ang:

1)  MOTORSIKLO - di nakakagulat.  Kasi lagi namang laman ng diyaryo at balita ang mga naaksidenteng nakasakay sa motor.  Mula April hanggang July lang this year, lagpas 1,000 motorsiklista ang na-ospital.  Grabe 3 buwan lang yun.  Di pa kasama diyan ang mga di na umabot ng ospital, ha.  Which is marami rin.

at ang nakakagulat ang #2

2)  WAVEBOARD - 363 cases ang naitalang aksidente involved ang Waveboards sa loob lang ng 3 buwan!  At karamihan dito ay mga kabataang lalaki.  Ang Waveboard ay para lang skate, pero mas pabilog ang shape, at merong hati sa gitna.  Tignan picture sa ibaba.

Ingat sa mga merong Waveboard!

Innocent Looking "Toy"

Gawaing Bahay

First time kong makanood ng BANTATAY.  Ang masasabi ko lang:  sobrang galing namang umarte ng aso na yan.  Mas may facial expression pa siya kesa kay Dingdong Dantes.

Isa sa eksena kanina e napilitang magtrabaho sa tindahan ang batang babaeng anak, dahil naulila na nga siya.  Dati di nya alam ang gawaing bahay, dahil medyo mayaman nga siya. 

As you know, di naman anak mayaman ang lahat ng 2G.  So nung bata pa kami, marunong kaming maghugas ng pinggan at maglaba.  Unfortunately, ako yun lang alam ko.  Pero since nangibambansa ako, dun lang ako natutong magluto at magplantsa.  Actually, sa ibang bansa rin ako natutong kumain ng mga ibang gulay. 

Ang iba sa 3G eh anak-mayaman.  So not sure kung marunong sila ng gawaing bahay.  Alam ko sila Kriza, Kevin, Aix, marunong.  Well, baka si Karen din.  Marunong ha, di ko naman sinabing ginagawa hahaha.

Mga 3g, marunong kayong magluto, magplantsa, maglaba?

Sunday, October 17, 2010

Typhoon Juan

Sobrang init maghapon sa Metro Manila at Laguna.  Pero sa Cagayan daw, maulan na.

Eto ang satellite images (courtesty of US satellite) ng Typhoon Megi, eto ang international name in Juan.

Kung gustong sundan ang images ng bagyo, puwedeng pumunta sa site na ito:
http://www.wunderground.com/tropical/tracking/wp201015.html

Ingat!




PB 2010-2011

Dumalaw sandali si Tita Edith kasama si Kacey at Lolipot.  Napag-usapan namin ang Bday party ni Tita Ate, at ang paparating na PB Eleksyon.  Tinanong ko siya kung gusto ba niya na 2G or 3G president.  Hmmm, well di siya sumagot.  pero I sensed na hati rin siya, pero parang leaning towards a 2G presidency. 

Ang sabi niya kasi, ang mga 2G sobrang busy.  Sya nga rin mismo ay 10pm na umuuwi halos araw-araw.  So ang concern niya ay may time ba ang 2G sa pagiging president.  Good point.

Ang dami nga kasing activities ng PB na papatak sa presidency ng Dec 2010-Nov2011.  Listing them down:

PB Bowling  - Nov2010
Sr. Vicky 50th Bday - Dec 2010
PB Christmas - Dec 2010
PB Outing - Summer 2011
PB 2G Asia Getaway - Summer 2011
Tita Yet 50th Bday - July 2011
Tita Edith 50th Bday - Oct 2011

Lahat major-major events.  Di pa kasma diyan ang mga bigla-biglang events at parties.  Ang dami nga pala.

Ingat kay Juan

Sana nga etong bagyong paparating ay maging Juan Tamad at huwag ng tumuloy sa Pilipinas.

Kung ako sa PAGASA, lagi ko na lang sasabihin na malakas ang bagyo.  Kasi di ba nadala na sila dati?  Sasabihin nilang walang bagyo tapos ONDOY pala.  E tulad ngayon, sinasabi nila na babagyo malakas, tapos...TADAAAN ang taas ng araw at ang init-init!  So, alangan namang magalit ka sa PAGASA di ba?  Anong sasabihin ng mga tao"  Hoy PAGASA, sabi nyo babagyo ng malakas, at babaha ng matindi, maninira ng mga bahay!  Asan na ang bagyo?!?!?! "  hehe

Walang masyadong warning sa Metro Manila at Southern Luzon, mukhang ang Cagayan/Aparri ang tatamaan.   Pero ingat pa rin!

Saturday, October 16, 2010

PILAHAN: ang Criteria

Makasaysayan pala ang PILAHAN 2010.  Paano, first time magpapapila na si KAREN.  Yehey!!!!

Ang di malinaw talaga, e ang criteria kung sino ang pipila.  Ano nga ba criteria, kung sino puwede pumila?  Syempre ang mga kabataan na nag-aaral, e eligible pumila.  At yung may trabaho or source of income ang magpapa-pila.  Malinaw mga yan.  Pero merong mga grey area.

Halimbawa, lahat ba ng estudyante puwede pumila?  Hmmm.  E paano si Tita Che-Che.  She is a lifetime student.  Wala syang source of income.  Allowance lang.  So puwede ba siya pumila?

Tapos, lahat ba talaga ng walang trabaho at walang source of income puwedeng pumila?  Hmmm.  E paano kaya for example. Kung wala akong trabaho effective Dec 1.  Ibig sabihin puwede na ko pumila?

Hmmmm.  Eto pa

- CASE1:  Si Kevin kasi full-time na nag-re-review.  Di ba obvious, kaya nga nananaba siya ano.  So tingin ko, puwede siya pumila.  What do you think?

- CASE2:  Kriza naman is a volunteer nurse.  Wala rin siyang source of income (for now syempre).  So puwede rin siya pumila di ba?

- CASE3:  I think si Tita Che-Che, puwede ring pumila.  BY definition.  Estudyante po talaga sya.  Matandang estudyante nga lang.  hehe.

- CASE4:  At kung sakali nga na totoong walang trabaho si Tito Ido by Dec 1.  Ah hmmm.... huwag siguro siya pumila, pero puwede na siya huwag magpapila.  Alangan naman, wala na ngang trabaho, papila pa.

And lastly, kung tradition din ang sinusundan.  Dapat 3G ang presidente.  Kung hindi, itigil na ang pilahan.  Yun po ang original na tradisyon.  hahaha, ang kulit nangangampanya pa rin hanggang dito.

Kasaysayan ng PB Eleksyon

Alam nyo bang dati ay wala namang Eleksyon para sa PB President?  Korek!  Dati, lahat ng PB Presidents ay appointed.  Nagsimula lang naman ang PB Eleksyon nung 1998. 

Bago magkaroon ng demokrasya, nag-uusap lang ang mga nagpapa-pila at pina-pagtrip-an ang mga pumipila.  Kung sino piliin nila - yun na ang President!  Bawal tumanggi.  Well inisip lang namin na bawal tumanggi, kasi nga baka mawalan pa kami ng pila.  Mahirap na.

Kaya, ang unang elected President ng PB ay si Tito Par nung first Democratic elections nung 1998 =).

Nung una ko naging presidente nung 1990, naiyak nga ako sa sobrang buwisit.  haha.  Paano, gagawin kang Presidente tapos lahat naman ng ginagawa mo kinokontra.  Muntik na ko talagang mag-resign!  Buti na lang kinausap ako ni Sr. Vicky nung Dec 24 at ininspire.  After nun, natuto na ko.  Lahat sila sumusunod na sa akin!  Ako yata presidente =).

Kilala nyo na sila. noh!  Dahil dekada na lumipas, ganun pa rin sila hanggang ngayon!  Itago na lang natin silang "Kontra Brigade" - Tito Par, Tita Edith, Sr. Vicky at Tito Jorge.  Sila TIto Boyet, Tito Jim, Tita Ate, Tita Yet - mga mababait.  Sila Tito Egay, Tita Eyan, Tita Tetes e kasama namin yan sa pumipila.

Ang mga kontra brigade, di mo talaga alam ang gusto.  Lahat ng sinasabi mo kinokontra.  At pag di naman kumokontra, salita ng salita na wala naman sa topic!  Sobra papansin hahaha.  Nakaka-lurkey talaga mga yan.  Makapang-inis lang talaga lahat gagawin.  Uubusin ang pasensya at katinuan mo.

Pero totoo rin, parang mas tumindi pa ang Kontra Brigade ngayon.   Si Sr. Vicky lang ang natanggal, pero ang dami namang pumalit.  Ewan, so para mo lang mapa-behave ang mga yan, e achievement na.  Mahirap talagang maging President. 

Good Luck talaga!  Dahil ako nga Kontra Brigade na rin  ngayon =).

PB Presidents

Alam nyo ba ang youngest PB President ay 17 years old lang nung sya ay nanungkulan?

Yes!  kaka-17th bday lang ni Tito Ayo nung siya ay naging PB President nung 1992.  Bukod, kay Tito Ayo, 4 pang PB Presidents ang teenagers. 

- Si Tito Ido ay 17 years old and 8 months nung una siyang naging presidente nung 1990. 
- Si Kevin naman ay 18 years old and 1 month, nung naging Presidente nung 2005.
- Si Tita Che-Che ay 19 years old and 3 months nung Presidente siya nung 1996
- Si Tito One ay 19 years old and 6 months nung Presidente siya nung 1992.


Mapapansin na 2 ang PB Presidents natin nung 1992.  Unang beses itong nangyari sa kasaysayan ng PB.  Si Tito One ang presidente ng morning session at si Tito Ayo ang presidente ng evening session.  Very interesting and nice set-up.  Not sure kung mangyayari pa ito ulit =)
***************

Sino naman ang pinaka-may-edad na PB President? Ang sagot, syempre taga-1G.  Si Lola Maam ay above 50 years old nung siya ay na-elect na President nung year 2000.   Pumapangalawa naman si Tita Ate.  Siya ay 48 years old nung siya ay naging President nung 2006.


****************

Di ko na-compute ang average age ng PB President.  Before 1998, eto ay 18 years old.  Pero lahat-lahat, malamang ang average ay 35 years old =).

Friday, October 15, 2010

PB Presidency: Sinong G?

Mahirap na topic ang pumili at bumoto ng next PB President.  Sabi nga sa Ingles, it is a daunting task.  Daming responsibilities, daming kelangang asikasuhin.  At higit sa lahat maraming pasaway sa PB! =)

1G President
OK siguro ang 1G presidency.  Dahil bihira nga natin ma-experience ito.  On the other hand, tingin ko 1G have earned their keep, so to speak.  Ibig sabihin, 60 to 70 years na nilang pinapatakbo ang PB.  Bago pa man tayo nagkaroon ng eleksyon para sa PB Presidency, sila na ang mga president dati.  Sa opinyon ko, they should (or we should make them) relax and enjoy the show.  Active naman sila sa pagbigay ng opinyon at pag-suggest ng ideas.

2G or 3G President?
Di ako sigurado.  I am torn.  Tulad siguro ng marami sa PB.

Ang track record ng PB 2G Presidency is really good. Paano ba naman, cina-career talaga nila ng todo. Plus, they have the experience - whether running business or leading people.  So may natural advantage.

Pero pag-inisip mo, bakit 2G ang gagawing presidente?  Ano ang naitutulong ng PB Presidency sa isang 2G? May kelangan pa ba silang patunayan? Ano pa kelangan nilang matutunan?

Kaya siguro ako,  55%-45%, in favor of a 3G president.
Feeling ko, maraming matutunan sa pagiging PB President.   Character-building kungbaga.  Mahirap maging leader sa school o sa opisina, pero mas mahirap maging presidente sa Pamilya!  May 2 kasabihan nga:  "Familiarity Breeds Contempt" at  "Jesus was never a hero in his own land". 

Mas gusto ko ng bahagya ang 3G na maging president, dahil sa dami nilang puwedeng matutunan.  Na puwede nilang i-apply sa school o sa trabaho balang araw.

Pero I can be convinced.  Kayo, ano sa palagay ninyo?

Thursday, October 14, 2010

Extra Challenge and Promises

Minsan nabibigla ako ng mga na-pro-promise ko pag merong mga bday at pag merong naghahamon sa akin.  Hahaha.  Para malinaw at ng walang kalimutan, here they are:

For Camae:  Trip to Paris to buy her Louis Vuitton Bag
Condition:  Before 25 years old 
1)  Graduate from College
2)  Not Married
3)  No Children

For RapRap:  Brand New Motorcyle
Condition:  Graduate High School Valedictorian

For Kriza and Ayka:  Actually wala namang akong specific na prinomise nung debut nila.  Pero ganito na lang.  Trip for the two of them to Asia. 
Condition: Both of them,  All or nothing.  Before 27 years old
1) Graduate from College.  Check!
2) Not Married
3) No Children

For All PB 3G:  Graduate Summa Cum Laude from College.  Wala papo kasi sa ating Summa Cum Laude.
Prize:  Sabihin nyo na lang kung sasali kayo ha, tapos sabihin nyo rin ang iniisip nyong gustong prize=).  Pag-usapan natin hehe 

For Tita Yet:  Trip to Spain
Condition:  Huwag umorder ng Hito sa isang sosyal na restaurant before October 12, 2010.
Sayang naman di pa umabot. 
Haha, joke!  Eto talaga.

For Tita Yet:  Sobrang concerned si Tita Yet sa sakit ko last week.  Kesyo magpa-check-up na raw at mag-pa-blood test.  Pero sabi ko sa kanya na inupdate ko ang Last Will and Testament.  Sabi niya sa akin, gusto raw sana niya ay Laptop.  Sabi ko, Laptop lang pala, sure!  Ma-EXCITED ba sya?  Aba ngayon gusto na nya ako mamatay!
So,
Prize:  Brand New Laptop
Condition:  Mauna ako kesa sa kanya.  Ano ba tong si Ate Yet, kakaiba.


Meron po ba kong nalimutang promises?

Next na PB Pagkikita

ay sa Nov 1 na.  Puwera na lang kung biglang magkayayaan.

After nun, malamang Bowling ang next.  Traditionally ginagawa natin ito ng Nov 30, o isang holiday ng November.

After nun, December na uuwi na si Tito Boyet. 

After nun, isa sa maraming may bday ng December ang magyayaya niyan o mag-i-invite.

After nun, Pasko na. 

After nun, New Years Day na.

After nun, ang tagal na naman ng next PB gathering.

Tuesday, October 12, 2010

Campaign Period

Malapit na ang Eleksyon ha.  Kaya malapit na rin ang Campaign Period.  Anong Barangay?  PB Eleksyons po ang topic.  Nag-create ng mega-buzz ang Impeachment  ni Lola Tiyang nung Sunday, pero alam natin na ito ay di matagumpay.  Wala naman sigurong mangyayari in 3 weeks =), kaya malamang sa Nov 1 na ang official elections.

Wala namang kandidato ng Presidente na nangingibabaw, kaya malamang kagulat-gulat ang magiging resulta nito.  3G kaya ulit?  Baka naman 2G?  Teka, baka 1G? 

Balikan natin muli ang kasaysayan.

1G Kaya?
Isang beses palang nagiging President ang 1G.  Eto si Lola Maam nung 2000 - Millenium Christmas.  Baka nga taga-1G, di ba merong nangangampanya nung Sunday?  =).

Baka 3G?
Sa kasaysayan, 3 taga-3G pa lang ang nagiging Presidente.  Una si Evot nung 2004 - Paskong Relax.  Sinundan sya ni Kevin nung 2005 - Cowboy Christmas.  At syempre nga si JayE last year - 2009 Golden Christmas.   So, one more chance for 3G?

2G Ulit?
3 sa huling apat na Presidente ay taga-2G.  Tito Egay nung 2008 - Paskong Mas Relax.  Tito Ido nung 2007 - MTV Christmas at si Tita Ate nung 2006 - Pamilya Banal Filmfest

11 na 2G na ang naging President.  Karamihan sa kanila, ang tatagal na nung huling naging President.  Marami, dekada na ang binibilang.  Let's check.

Tito Par - last naging President nung 1998.    12 years ago na po yun.
Tita Edith - President nung 2001 pa.    9 years ago na
Tito Jorge - President nung 1999.   11 years ago na
Tito Jim - President nung 2003.  So 7 years na
Tita Helen - nung 2002.  8 years ago na.
Tita Che-Che - President nung 1996.  14 years ago na
Tito One at Tito Ayo - Presidents nung 1992.  Wow, 18 years ago na rin pala.

Baka nga 2G, kasi marami sa kanila 1 dekada na naging last President.

Sino nga kaya ang magiging President, ano?  Sana naman huwag kayong bumoto ng wala sa meeting =).  Pero ang masasabi ko lang, ang mga di umaatend ng meeting walang karapatang umangal.  Kaya nga wala akong sinasabi tungkol kay JayE e =).

3 - Oct, 2-Nov

Ayoko na po magkamali.  Tama po ba na 3 sa PB ang may bday ng Oct?  Tita Edith, Tita Ate and Carlo?

Sa Nov naman, 2 po ba?  MM and Kevin?

Sabihin nyo na po pati ang dates please. 

Tita Ate's Party @ Red Crab and Bar360

Lahat Panalo sa Bday Party ni Tita Ate!!!

Paano ba naman, ang dinner namin ay sa Red Crab.  Treat ito ni Tita Egay.  So sosyal at ang dami ng food.  Meron kaming 3 different Kilawin Tuna Appetizers.  Meron pang Tuna Sinigang at ang malinamnam na Seafood Bicol Express.  At since Red Crab yun, umorder si Tito Egay ng 3 klaseng crabs - Singapore Chilli Crabs, Garlic Crab at Szechuan Crabs.  Lahat masarap.

Oo nga pala, meron daming Deep Fried Hito =).  Para po maisulat sa record ng kasaysayan.  Totoo po yan, umorder po ng Hito si TIta Yet sa Red Crab ng Republiq!!!  Ihinalintulad po ito ni Tita Edith sa pag-order ng Chicken Pork Adobo sa Shangri-la.  Sabi naman ni Tito Jim, talagang taga-Gapan si Tita Yet!  We will never forget Tita Yet's Hito.

Naunang dumating sa Red Crab si Tito Egay & Tita Dang, Tita Ate & Tita Edith.  Mga 7:45 dumating na sila Tiyong, TIto Jim, Tita Yet, Tito Ido, Tito Ayo, JayE, at Shiela.  Then dumating na si Tito JOrge and Tita Helen.  Later, dumating din si Tito One.  Ang dami namin ano!?!?!

Nag-coffee at drinks kami sa Bar360.  OK kasi ang show dun.  Panalo ang mga acrobats.  Sabi ko nga kay Tito JOrge, gawin nila ang mga stunts with Tito Jim sa Christmas.  Mga 10pm ata dumatin si Tita Bhogs at Tito Par.  MOnday kasi is Oasis Bowling NIght, so tumakas sila after 2 games.

Tagal din naming tumambay at nanuod ng show.

Mga 12 natapos ang show, at umalis na rin si Tita Edith with Tito One.  Para sa mga naiwan, tuloy na ang saya.  Di masyado nakalaro si Par, kasi nga di ba ang Polo Shirt niya may malaking nakasulat na Oasis of Love.  Alangan naman!

Huwag na po natin pag-usapan ang mga detalye =).  Ang masasabi lang - EVERYBODY HAPPY. 

Thanks ulit kay Tito Egay para sa kayamanan na Red Crab at kay Tito Ido para sa Bar360.

Happy Birthday ulit Tita Ate!  Sana nag-enjoy ka sa iyong bday bash.

Sunday, October 10, 2010

Tita Edith's Bday

As expected, ang daming umattend sa bday party ni Tita Edith.  Marami rin kasing guests from Southville, siguro almost 40 people.  Tapos siyempre ang mga taga-PB came in full-force.

Past 11 na nag-start ang blessing ng bahay.  Pero maikli lang naman ang ceremonya.  Ang daming paagaw na pera!!!  Si Denniel nga at Andrei parehong andaming nakuha, lagpas 100 at lagpas 50 pesos, respectively.

Ayos and decor ng bagong lugar - bonggang bongga nga e, parang may kasal.  Catered ang food - at ang dami!  Merong salad, merong fish, beef, chicken, pork.  And Ate Edith ordered special lechon from Cebu, na talagang sinundo pa sa airport via Cebu Pacific.  At dahil naligaw din isang "baggage", sa PAL airport naman sinundo ang Grilled Tuna and Bihod from Davao.  O di ba sosyal?  Pati mga ulam e sinusundo sa airport. 

Tita Ate prepared an astig macaroni salad, and TIta Eyan prepared leche flan for dessert.

After lunch, naku wala pong katapusang kuwentuhan.  At ang pasimuno?  Huwag pong magulat...si Tiyang!  Gusto na kasi niya na mag-eleksyon na kanina mismo.  Kasi nga raw, baka marami ang wala sa Nov 1, so sana raw mag-meeting na kanina.  Na siyempre nagdulot ng mahabang diskusyon tungkol sa impeachment process, vacancy of presidential position, Role of Sandigambayan, Referendum at kung anu-ano pa.  Sa dulo, wala pong eleksyon naganap =).

Nagsimula ng mag-uwian ng mga bandang 7pm.  Napag-agreehan to meet tomorrow again, because it is Tita Ate's bday naman.

Happy Birthday ulit Tita Edith!

Saturday, October 9, 2010

PB 10.10.10 - Epidemic Party???

Oh no, ang dami palang PB na merong sakit.  Alam na natin na si Joshua ay kalalabas lang sa hospital dahil sa Dengue.  Buti OK siya.  Tapos marami pala ang taga-Santan na merong SORE EYES.  Ang balita, ang wala lang sore eyes ay si Lola Nanay, Lolo Tiyong, Tita Yet, Tito Ayo at Chanel.  Well, tapos na rin kasi ang sore eyes nila TIto Par and Kevin, pero imagine everyone else in Santan has sore eyes.   Ang dami nun!

So di ko sure kung marami ang makakapunta bukas.  Tinext ko si Tito Jim, at syempre raw para kay Tita Edith pupunta siya, maski kalalabas lang ng hospital ni Joshua.  Si Tita Ate naman, maski raw mapulang-mapula ang mga mata nya e pupunta rin daw siya, para kay Tita Edith.

Naku, naisip ko rin.  Kasi nga po ako mataas talaga ang lagnat ko kelan lang - umabot ng 40 Celsius at di talaga bumababa.  Trangkaso na merong malalang ubo.  Makakapunta ba talaga ako? 

Naisip ko lang, nung kelangan ko ba ng tulong, e di tumulong si Tita Edith dahil may sakit siya?   Pag pumipila tayo kay Tita Edith o naghihintay ng raffle niya, sigurado ba tayong wala siyang sakit nun?  Tingin ko maski matamlay siya at may sakit, magpapa-raffle pa rin siya.  At maski may lakad siya i-po-postpone niya para tulungan tayo.

So tulad ni Tito Jim at Tita Ate, pupunta na rin ako sa 10.10.10 party ni Tita Edith.  Trangkaso lang yan, at ano ba naman kung 40 ang lagnat ko.  Kung marami na rin sa atin ang may sakit, e di OK lang, wala ng mahahawa.

Saka baka may raffle nga e hehehe.

Kayo pupunta kayo?  =). 

And the winner is...(from Tita Helen's raffle)

Mga PB, eto na po ang resulta ng raffle draw sa birthday ni Tita Helen.  Kelangan niya pong basahin ng mabuti ha.  Uminom po muna ng malamig na baso ng tubig at mag-concentrate,dahil medyo high-tech po

***************************
From Tita Helen

Hi Tito Ido, pakipost naman.  Heto na yung draw results, as promised =).

Una, nirandomized ko ang mga mapapanalunan:






Next, nirandomized ko naman ang mga nagqualify na bumati:


(To evot and cha, maraming salamat sa pagbati kaya lang hindi kayo nagqualify kasi sinulat ko “bumati” hindi “babati” :))




Kaya:

Mesina clan, ang nanalo ng Go Negosyo T-shirt

Ayosiony, ang nanalo ng Nike gym bag

Jim, ang nanalo ng Eat, Pray, Love (Jim, pili ka movie or book)


Maraming salamat.
Tita Helen

Friday, October 8, 2010

Every Year Mistake

Every year na lang I make a mistake.  Lagi ko napapagpalit ang bday ni Tita Edith at ni Tita Ate.  Nangyari rin ito last year, remember?

Sorry po talaga, at sorry po sa mga bumati sa maling may bday.  Aayusin na po natin yan, para wala ng ganyan next time.

Sick

Who takes a picture at the Makati Med Emergency Room?

Me!


Simula nung Lunes kasi ang taas na ng lagnat ko.  Tapos on-and-off ang high-fever ko the whole week.  Naisip ko baka meron akong Dengue =(.  Pero ayoko namang pumunta sa hospital, dahil di talaga ako sanay magpunta ng hospital.

After 4 days, nagpunta na rin ako ng Makati Med - Emergency Room.  Kinuhanan ako ng temperature: 36.8 ayos!  Blood pressure = 120/80.  OK na ok.  Sobra na kong hiyang-hiya dahil wala naman pala akong sakit!  Kasunod ko kasi ang isang batang natadyakan at namimilipit at mga lola na naka-balabal habang naka-suero.  Kakahiya talaga, umuwi na ko kaagad. 

Well siyempre nagpa-picture muna - kasama ang wrist band ko.

Grabe naman pala ang mga nurses ngayon, English speaking.  Nag-Tagalog ako pero English sila, so English na rin ako.  Kaya pala si Kriza in-e-English tayo.

Amazing din, sobrang daming taong sa Emergency Room.  Sabi nga sa akin mga 3 hours pa ko ma-bloo-blood test.  Ganun po karami ang tao sa ER.  Kakagulat.  So lalo ko ng gustong umuwi, at yokong maghintay ng 3 oras para sa blood test.

Tumawag ako kay TIto Jim, para nga kumustahin si Joshua at magtanong na nga rin ng symptoms ng dengue.  Sabi ni TIto Jim - Joint Pains, Abdominal Pains at NoseBleed.  Eh wala naman talaga ako nun.  So dapat pupunta talaga kami sa St.Lukes, pero huwag na lang =)



Thursday, October 7, 2010

Happy Birthday Tita Edith

Today Oct 7 is Tita Edith's Bday.







Happy Birthday Tita Edith!!!!

Get Well Soon Joshua

Kaya pala ang message ni Evot sa facebook:  ay get well soon Joshua.  Sana gumaling na siya soon.

Get well soon JOsh!

Happy Birthday Tita Ate

Oct 11 is Tita Ate's Bday.




Happy Birthday Tita Ate!

Wednesday, October 6, 2010

Bday Contest Message from Tita Helen

(note from moderator:  napansin ko rin na paonti na ng paonti ang mga bumabati ng Happy Birthday sa PB. Umiisip nga ako ng paraan para bumalik sa dati.  Meron palang idea si Tita Helen, please read below)


Hi, Tito Ido. Pinost ko sa PB blog na lahat ng bumati sa PB Blog (dito or abroad , pati ikaw- moderator:D) nung birthday ko qualified sa raffle.

Paki post naman meron akong 3 prizes.

1. Nike gym bag

2. Go Negosyo T-shirt

3. Eat, Pray, Love by Liz Gilbert , treat sa movie or book.

(Pwedeng pumili kung movie o book. Kung wala dito sa Pilipinas, papadala ko yung book.:)

Friday, email ko sa yo kung sino ang mga nanalo. Ibibigay ko yung prizes sa Sunday (10/10) .

Maraming salamat.

Tuesday, October 5, 2010

Bili ng Gamot

Mataas lagnat ko kagabi.  Hula ko mga 39, pero walang thermometer so di ko talaga ma-compute.

Kanina pumunta ako ng Mercury.  Di pala puwedeng bumili ng Erithromycin o anumang anti-biotic ng walang prescription.  Tapos merong aleng bumibili ng Acetone, hinanapan siya ng ID.  hehe.  Iba na pala ang mga gamot ngayon.

So, pumunta ako ng Watsons. Doon puwedeng bumili ng isang banig na Erithromycin. Mas mahal nga lang ng 1.20 pesos.


Wala na rin palang iyong sinaunang panahon na thermometer.  Pinull-out down ng DOH ang mga thermometer na merong mercury.  So digital na lang.  Nakaka-miss din dati, kasi pag nabasag ang thermometer, pinaglalaruan namin ang mercury.  Exciting kasi e.  Masama lang naman ang mercury pag kinain, kung paglaruan naman masaya.  Ano ba naman kasi ang mga kabataan ngayon, bakit nyo ba kinakain ang mercury?  Pati iyong mga lead sa laruan, e dati na namang meron na nun.  Bakit nyo ba kasi kinakain ang mga laruan?  hahaha. 

10.10.10

Ang susunod na pagkikita ng PB after the PB Outing for TIta Tetes ay sa 10.10.10.   Para sa mga mahihilig sa numero at sa mga taong may pagpapahalaga sa chance/suwerte, OKnaOK ang petsang ito.  I-analyze natin.

Numerology
101010 sa Binary ay 42.  Tandaan na 7 x  6 = 42.  7 means complete, 7 days a week.  Ang 6 naman ay medyo may pagkamalas.  Ang petsang ito ay merong Yin Yang characteristic - very interesting para sa mahihilig sa numbers.

So, 101010 is the answer to the Universe =).

Alam ko SOBRANG NERD!  pero pagbigyan nyo na kami.  Gab, Ia, please defend me naman ha hehehehe.

Psychology and Pop Culture
Para sa marami, ang 10 ay buong numero.  Pag meron kang 9, parang kulang gusto mong maging 10.  Kaya nga meron tayong Top 10 List, Top Ten Jokes, Top Ten na kung anu-ano.  Di madalas ang Top 9 o Top 8.

10.10.10
Nitong October 2010, merong 5 Friday, 5 Saturday at 5 Sunday.  First time itong mangyari sa loob ng 800years.  So sana nga suwerte itong Oct at specifically ang 10.10.10. 

See you on Sunday. Teka, 10.10.10am ba ang call-time?

Thanks.

Happy Teacher's Day

World Teachers Day pala today.

So binabati natin si Tita Ate, ang natatanging active guro sa PB ngayon.

Binabati din natin si Lola Maam syempre, na isang retired teacher.

Happy Teacher's Day po!

Sunday, October 3, 2010

PB 2G Asia Getaway - Updates

Ngapala, 4 days maximum lang puwede ang mga PB 2G.  So di na puwede ang Singapore-Malaysia/Genting combination.  Di kaya ito ng 4 days. 

Well, di rin naman OK ang 4 days sa Singapore, medyo exag.  Puwede nating gawin ay 3 Days/2 Nights  - Singapore only.  Next time na lang ang Genting. 

Medyo mahal talaga sa Singapore - mga entrance (as you can see below), food, shopping at pati casino.  Pero pag iisipin mas mahal lang ito ng 2,000 sa Palawan.  So sulit na rin.

Ngapala 3 people in a room ang computation natin ha - iyon mga gustong 2 people sa room (which is understandable), e mag-da-dagdag na lang.

So, book na natin =)???




Dami na Ma pictures sa Singapore, pero eto pa ang ibang pics ng Singapore highlights. 

BUTTERFLY and INSECT PARK (ayos di ba, gusto nyo to?  =)


NIGHT SAFARI


MERLION VIEW


SONG OF THE SEA (favorite ni Mommy ito - maski 4 times OK sa kanya)



Major-Major

2 months after, sikat pa rin ang "Major-Major" galing Ms. Universe.  Pero di naman talaga kakaiba iyon dahil ang mga Pinoy's mahilig talaga sa pag-ulit ng mga salita.

- PICTURE-PICTURE
Di ko rin alam kung bakit kelangan pang uliting.  Puwede naman kasing:  "Uuuuy, game PICTURE".  Pero ewan kelangan talga ulitin

- PA-KAPE-KAPE
Pang nag-re-relax ang isang tao di lang siya nag-ka-kape.  Siya ay PA-KAPE-KAPE

- PASYAL-PASYAL
Hindi pa ba sapat ang PASYAL?  kelangan talagang ulitin ano, baka for emphasis. Parehas din ito ng CHIKA-CHIKA, UKAY-UKAY,

- IHAW-IHAW
Pag ihaw ata kasi ang barbecue ang asa lamesa, pag ihaw-ihaw iba ang ka-table =).

Di ko pa ma-aral kung bakit nga ganito ang ating wika natin.  Di pa natin napapagusapan ang mga mas pangkaraniwang salita:  dibdib, singsing, dingding, sawsaw, baybay, buto-buto, kili-kili, bitbit, sapsap, laklak. 

Di kaya dahil nakasanayan na e ginagawa lang nating doble ang mga salita?  Actually wala namang masama, interesting nga e. 

Ipon

Nung 2008, kumuha ako ng Financial Advisor =).  Wala lang, gusto ko lang malaman kung tama ba ang gastos ko sa buhay, at kung paano ba mas maayos ang kaperahan. 

Eto mga naaalala ko sa sinabi niya:

1. Dati ang IPON = INCOME - EXPENSE
- Ibig sabihin ibabawas mo ang mga gastusin mo sa kita mo.  Kung ano ang matira iyon ang ipon.  Eto ang nakagawian na natin.  Pero iba na ngayon

2.  Ngayon, INCOME - IPON = EXPENSES
- Ibig sabihin automatic na dapat ang ipon.  Ang %, depende sa gusto ninyo.  Karaniwan eto ay 10%.  Ang sabi, ang mga 3G at kanilang mga ka-generation ay mas sanay mag-ipon kesa sa magulang nila.  Sana nga totoo ito =). 

3.  ISULAT ANG PANGARAP
- Bago magsimula ang bawat buwan, ilista nyo raw ang mga bagay na gusto ninyong bilhin.  Ex.  Gusto kong bumili ng iPad by December.  Alamin ang presyo, at idivide-divide kung magkano ang dapat ipunin.  Parang madaling sabihin ano =).

4.  HUWAG I-CREDIT CARD ANG PANANDALIANG PANGARAP
- Kung ang pangarap ay Playbook, iPhone, Bakasyon, ipunin daw muna at iwasang utangin.  Huwag gastusin sa panandaliang pangarap ang hindi nyo pa pera.  Ibang usapan ang PANGMATAGALANG PANGARAP tulad ng kotse o bahay.  May mga OK na loan naman para dito. 

Malayong-malayo akong maging expert sa pag-iipon =).  Pero shina-share ko lang senyo ang mga sinabi sa akin =).  Good luck sa pag-iipon!

Letting Go

Ang theory:  40% ng mga gamit mo, gamit sa bahay, sa opisina, sa trabaho, sa school - di mo talaga kailangan.  Ang tao raw ay may natural tendency na mag-ipon ng mga bagay-bagay.  Walang masama, ang problema, nahihirapan daw ang taong itapon o i-dispose ang mga bagay na di kelangan.

Top Bagay na hindi mo maitapon o ipamigay

1)  Damit
Pag tinignan mo raw ang iyong cabinet ng damit - 50% ng mga damit mo, di mo naman naisuot nung nakaraang 6 na taon.  at 25% di mo naisuot ng 1 taon.  Ang matindi, marami rin sa damit ang di mo naman maisusuot sa next 12 months =).

2)  Resibo
Oo nga, sa Pilipinas kasi kakaiba.  Nagkakaroon ng problema minsan sa mga papeles.  So pag tinignan ninyo ang mga resibong tinatago natin - meron pa raw dun mga 5 years hanggang 10 years ago.  Tignan mabuti - kelangan ba talaga?

3) Sapatos
Oo nga, ilang sapatos ba ang naisusuot natin palagi.  Pero ang dami nating sapatos.  Baka dapat ipamigay na ang mga di ginagamit

4) Souvenir
Galing sa wedding, birthday, kasal, parties.  Subukan nyo ngang bilangin =). 

Garage sale kaya tayo sa PB?  Tapos ang kikitain bigay natin kila Sr. VIcky.  I mean mga bagay na di naman natin ginagamit at gagamitin pa, baka merong mga taong mas kailangan at mas magagamit nila =).

Friday, October 1, 2010

10.01.10

10.01.10 pala today. 

Ang ibig sabihin 86 days na lang pasko na.

93 days na lang 2011 na.

31 days na lang at All Saints Day na.

9 days na lang magkikita-kita na naman ang PB