Malamang nabalitaan nyo na rin - ang Valedictorian ng UP ngayong taong ito ay si John Gabriel Pelias. Siya ay 19 years old at ang course niya ay BS Math. Ang average niya ay 1.016. Ibig sabihin po nito - lahat ng grades niya sa school ay puro 1.0, maliban sa tatlong subject kung saan ang grade nya ay 1.25. Mabangis!!!
- Na-break niya ang 65-year old record ng isang political science professor sa UP na si Prof. Arcellana. Ang average niya nung 1946 ay 1.02.
- Ang tatlong subjects niya na may grade na 1.25 ay: Filipino, English I at Math 110.2. (Ewan lang talaga sa mga teachers ng Filipino at English. Iyong Math 110.2 ay Linear Algebra....hmmm di naman sobrang hirap nito alam ko 1.25 din ang grade ko dito, Ia, anong grade mo dito? Feeling ko minalas siya sa teacher)
- Bukod kay Pelias, ang iba pang Summa Cum Laude ng taong ito ay sina Carla Sia (Business Administration), Merriam Villegas (Linguistics) аnԁ Nikki Yazon (Chemical Engineering). [Grabe naman Chem Engg na Summa Cum Laude sobrang galing!]
- Grumaduate si Pelias ng Valedictorian nung High School sa NCBA
- Sinasabi na si Pelias ay isa sa mga pinakamahirap na estudyante ng UP. Ang kita ng pamilya niya ay di lalagpas ng 80,000 sa isang taon. Ibig sabihin wala pang 7,000 nag kita nng buong pamilya niya. )Actually ang Lola nya ang pamilya nya ngayon). Minsan nga raw para makatipid, naglalakad siya papasok ng school.
- Ang achievement na ito ay unang lumabas sa Facebook page οf Jose Wendell Capili, assistant vice president fοr Public Affairs аnԁ director οf Alumni Relations, University οf thе Philippines System.
- Sabi ni Capili kay Pelias: “Hе hаѕ unwavering focus. Maturity beyond hіѕ being. I see hіm discussing way οf life аnԁ political scheme wіth ex- UP President [Francisco] ‘Dodong’ Nemenzo. Ako ang nag-nο-nose nosebleed, hindi siya! [I’m wаѕ thе one having a nosebleed, nοt hіm!]”
- Sabi ni Pelias sa interview sa GMA News hindi raw siya pinanganak na genius, talagang tiyaga at disiplina ang ginawa niya. Sabi niya sa GMA News: “Do not get intimidated. I did not come from a prestigious high school when I entered college. Do not consider yourself inferior or superior. Just do your best”.
Si Pelias ay tunay na iskolar ng bayan. Kasi magtutura siya sa UP pagsimula ng klase ngayong June. Antakot lang siguro ng mga estudyante niya.
Gab din kaya ang nickname niya? =).
Eto ang interview niya with Jessica Soho: (ako lang kaya, o sobrang touching nitong interview na ito)
3 comments:
wow!!! si baby charles din eh bata pa lang tuturuan ko na ng math at computer para maging magaling sa dun...
Thanks for sharing, Che. Interesting and educational discussion with John Gabriel! The best thing in him is his being low profile inspite of his achievements.
2 words to remember "hardwork & discipline".
nakakatuwa sya no? esp yung sabi nya na yung success is really just a product of lots and lots of practice, focus and hard work...
Post a Comment