Friday, February 27, 2009
Kuwento
Sa sobrang busy ngayong linggo, e wala akong nagastos na pagkain lahat libre. Pati nga dinner ko e libre. At syempre sosyal, basta libre kasi - sosyal. At basta sosyal libre.
Monday - Circles @ Makati Shang. Ang OK talaga sa Circles ay ang selection. Sobrang daming pagpipilian talaga. Paborito ko syempre ang one-to-sawang sashimi at mga raw lobsters and crawfish. Pag cinompute nyo nakain ko malamang 5,000 sa dami. Pag kumakain ako sa Circles e yung mga mahal lang kinakain ko. Iyong iba nga kumakain ng Pizza at Spaghetti! natatawa ako.
Circles Buffet Lunch = 1,600P (with drinks)/ person. Pero libre nga ako e.
Tuesday - Felix at Greenbelt 3. Sobrang mahal, pero di ko trip ang menu. Di ko rin trip ang pagkain. OK kasi dito ay ang kanilang wine selection. Pero lunch, so walang wine.
Lunch Price: P700/person. Libre ako =)
Wednesday - Sala Bistro. Lunch with clients. Highly-recommended, dahil very unique ang menu at very tasty. Syempre sobra mahal.
Lunch Price: P900/person. Di ako nagbayad =)
Thursday - Nu-vo @ GB3. Eto ang paraiso para sa akin. Sobrang sarap naman kasi ng steak dito. Sobrang tagal ko talagang kumain dito, dahil ninanamnam ko ang bawat nguya. Ang steak ko kasi ay Rare =). Sila lang at Highland Steakhouse ang nakakagawa ng masarap na Rare steak.
Lunch Price: 1,700 per person. Free Lunch.
Friday - CHowking Lauriat Packed Lunch. Naimbitahan kasi ako mag-present sa isang meeting. Fried Chicken, Siomai, Rice, Buchi at Chicharap.
Lunch Price: 140P
Astig di ba? Wala akong nagastos this week, maliban sa kape. hehe
Comments of the week
jorge said...
OK ang poem mo do-i,
ang dami mong nasabi,
kay lolo tyong na may bigoti,
pati na sa baboy na naging babi!
Kaya't laging tandaan-Ngat-I!
edet said...
Aking pinsang do-i
Ayos ka talaga sa diskarti
Sobrang nakakawili
Pagbabasa akoy hapy.
Nakalimutan ko man bumati
pwedee pa naman kahit huli
Tiyong, happy berdi
Naway humaba pa ang iyong buhi.
Outing
Ano ang tatlong factors na pinakamahalaga sa inyo pag merong PB outing?
Mga halimbawa ng pagpipilian: Presyo, Lugar (layo o lapit), Lugar (Bago, Sosyal, Di Matao), Tulugan, Activities, Pagkain, Dagat, Kuwentuhan, Something New, Tugtugan, Sugal, at marami pang puwede ninyong isagot.
Thursday, February 26, 2009
Translation Part 2 - Medium
- sakong (h)
- pakikipagtalastasan (c)
- bulwagan (h)
- parola (l)
- alpombra (c)
- abaloryo (b)
- abrigo (c)
- ngawit (n)
- dingas (f)
- yodo (i)
- uwang (b)
- tupad (c)
- tungkos (b)
- torta (o)
- balang (l)
Translate
Isalin ang salitang Tagalog sa wikang Ingles. Ang clue, nagsisimula dapat ang sagot sa letra na nasa loob ng (). Good Luck!
Ex. kabanata (C) = Chapter
- Dikya (J)
- Eskrima (F)
- Apog (L)
- Dama (C)
- Balarila (G)
- Balintataw (P)
- Hinanakit (G)
- Balatkayo (D)
- Pakyawan (W)
- Mitsa (W)
- Niyebe (S)
- Lila (V)
- Lintik (L)
- Parirala (P)
- Patibong
- Pugon (F)
- Saknong (S)
- Salinlahi (G)
- Aguhilya (H)
- Asero (S)
- Kalaboso (J)
Wednesday, February 25, 2009
B vs. C
"If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan. If you want to look like Piolo or Dingdong Dantes go to Belo."
Tapos napikon pala si Boy Abunda.
tama ba syang mapikon?
Tuesday, February 24, 2009
Una
na nakarating ng Saudi
doon siya'y nanghuli ng isda at pagi
buhok nya'y parang kay Bon Jovi
pero ang sayaw pang Wowowee
Di malaunan sa Pinas ay umuwi
pasalubong ay stereo at chocolati
sa pagbilyar at chess siya ay nawili
at namamasyal mag-isa parati
Meron ng Updates
24 Feb 09, 18:27egay: Re. Summer outing update. Yung Jardin D Antonio, 11 April na lang pwede. Yung Resort ng Kumare ng mga Jurassic, nasa Sto. Cristo, Gapan, N.E. Hindi ito private pool, tipong Grand Bay Resort sa Pansol,
24 Feb 09, 18:28egay: Di rin ma-confirm nung kaisap ko if available sila on the 28-29th March. Next option is Laia, San Juan, Batangas.
24 Feb 09, 18:31egay: Kaya lang pag beach, dami di mag-eenjoy, kasi iwas sila sa araw, -mga graduating (kambal and Kevs), yung aakyat ng stage for the recognition, (sali ako dun-gab and meg he he he.)
24 Feb 09, 18:32egay: Which brings us back to the all reliable.....PANSOL!
24 Feb 09, 18:33egay: Or, we can do bowling on that weekend of 28-29, tapos last week na ng April beach outing, yun nga lang la na sila Ia and Tito Boyet.
24 Feb 09, 18:33egay: Yun lang. comments please.
IA's trip to Japan - around April
Around Apr. 1 - 5 alis ni Ia. Apr. 8 start na kasi spring term ng school. Hintay lang n'ya plane ticket galing sa Ministry of Education sa Japan for exact date.
Monday, February 23, 2009
MAY SAKIT
Ang lalim ano? Ang mga pinakasikat na complex ay ang INFERIORITY COMPLEX(laging binabagsak ang sarili, MARTYR COMPLEX (gusto laging naaapi. pa-martyr ba) o MESSIANIC COMPLEX (tingin sa sarili ay magaling at ang magliligtas sa mga kagrupo mula sa putikan)
Para mas madaling ma-gets. Eto na. LAGLAGAN na NAMAN!
1) ASTIGMAPORMA COMPLEX
- wala namang grado ang salamin. at di naman malabo ang mata, pero nagsasalamin.
PINK PA!
2. AIZA SEGUERRA COMPLEX
- Kelangan ba talagang ilagay ang kamay sa baba pag nagpa-picture?
may ganyang pose din si Allan K (ang ganda-ganda niya!)
3. ENERVON COMPLEX
- masigasig na nagsasalita(labas na nga ang ugat sa leeg sabi ni Tito Boyet), pero nakatulog at nag-PSP na pala ang audience
Sunday, February 22, 2009
347,836,903.20
Nanalo kayo?
ay meron daw 2 nanalo.
Lotto Game Combinations Jackpot Winners
Superlotto 6/49 06-34-20-26-12-33 347,836,903.20 2
Be Happy
Paano nga ba maging 'HAPPY'? Eto ang isang pag-aaral:
How To Be Happy: Step By Step Guide To Being Happy
- Does your Lifestyle Make You Happy?
- Do Your Thoughts Make You Happy?
- Set the Right Goals for Happiness
- Work Towards Your Goal
Isa-isahin natin:
1) LIFESTYLE/PAMUMUHAY
Meron daw 16 na factors sa ating pamumuhay na nagpapahiwatig kung tayo ay HAPPY o magiging HAPPY. Tignan ang listahan sa ibaba at i-check kung ako kayo sa bawat factor. Mas maraming OK mas laki ang pag-asang HAPPY kayo. Kapag 5 factor lang kayo OK, sumulat na kayo sa akin dahil kelangan ko na kayong ipa-duktor.
- Kalusugan
- Self-Esteem
- Values at Spiritual Life
- Pera
- Trabaho
- Laro/Pahinga/Sports/Relax
- Pagkatuto/Learning
- Pagkamasining/Creativity
- Pagtulong/Helping Pag-Ibig
- Kaibigan
- Mga Anak
- Mga Kamag-Anak
- Tahanan
- Kapit-bahayan/Neighborhood
- Pamayanan
Puwede rin nyong i-take ang online test: http://stress.about.com/library/happiness/bl_happiness_quiz.htm
2) PAG-IISIP. Ang tanong, Do Your Thoughts Make You Happy?
Di naman sekreto na ang mga OPTIMISTS (positive thinkers) ay sinasabing "happier people". Sinasabing ang mga optimists ay more successful, mas malusog, at mas masaya sa buhay sa kadalasan.
Paano malalaman kung ikaw ay OPTIMIST o PESSIMIST.
OPTIMIST
- naniniwala na natural ang mga magagandang pangyayari sa buhay, kaya maganda rin ang mangyayari bukas.
- naniniwala na ang mga negative events ay di nila kagagawan
- at ang mga negatibong pangyayari ay malamang na walang kinalaman sa mangyayari bukas
For example, if an optimist gets a promotion, she will likely believe it’s because she’s good at her job and will receive more benefits and promotion in the future. If she’s passed over for the promotion, it’s likely because she was having an off-month because of extenuating circumstances, but will do better in the future.
PESSIMIST
- nagiisip ng kabaligtaran ng OPTIMISTS
- iniisip na sila ang may kagagawan ng mga negatibong pangyayari
- naniniwala na ang isang pagkakamali ngayon ang dahilan kung bakit puwede pang magkamali ulit bukas at balang araw.
- iniisip din nilang ang mga pangyayaring positibo ay pagkakataon lamang at malamang na di na mangyari ulit
A pessimist would see a promotion as a lucky event that probably won’t happen again, and may even worry that she’ll now be under more scrutiny. Being passed over for promotion would probably be explained as not being skilled enough. She'd therefore expect to be passed over again.
In addition to optimism, happy people tend to have an internal locus of control; simply put, they tend to believe that they are the masters of their fate, rather than the victims of circumstance. When you view the stressors of your life as a challenge rather than a threat, you tend to come up with more effective solutions and feel more exhilarated (rather than drained) as you tackle these circumstances.
http://stress.about.com/library/optimismquiz/bl_15optimism_quiz.htm
To be continued...
3 Less Known but Best Pinoy Restaurants
Apartment 1B - di sikat ang resto na ito sa mga di taga-Makati. Kasi naman talagang parang apartment siya. Pero ang kanilang menu ay gourmet - pang Top Chef talaga. Example ng dishes nila ay: Puree of Squash and Ginger, Baked Mushroom Spinach and Cheese Samosa, White Toblerone Cheesecake. Di ba pangalan pa lang sosyal na.
Pero since Gourmet, nagbabago-bago ang menu nila kaya nga exciting bumalik-balik.
Medyo madalas na kami dito kasi malapit sa office. Isang beses, nagdala ko ng bisita at di nya nagustuhan ang pagkain nya. Nung tinanong kami ng may-ari, sabi ko "medyo salty ang chicken", di nya nagustuhan. Pag dating ng bill, wala dun ang chicken! Astig di ba?
Address:132 L.P. Leviste Corner Sedeno StSalcedo Village, Makati City 1227
GALILEO ENOTECA
Literally, nakatago at mahirap hanapin. Ang address nga nila ay 80 Calbayog corner Malinao St., Mandaluyong. So parang di talaga sosyal ang address. Pero laging star-studded dito, minsan andun ang cast ng La Lola, tapos minsan ang mga Congressmen naman.
Ang OK sa Galileo ay ang antispasto (platter of cheese and cold cuts). Pag pumupunta kami dito, eto lang inoorder namin. Marami may gusto sa pasta nila - arabiatta at pomodoro.
Supposedly, wine cellar ito. Pero di ko masyado trip ang wine selection nila. Ang pamatay naman dito ay kanilang astipasto.
Cafe JuanitaPumupunta ang mga tao dito no.1 dahil sa ambience. Di ko sure kung paano i-describe, parang museum na hotel na merong fiesta. Parang maliit pero mataas kasi kaya nagmumukhang malaki, saka nga sandamakmak kasi ang decorations e.
Sobrang OK ng salads dito, meron silang specialty salad. Iyong kare-kare din nila ay masarap. Actually aside from Salads at dessert (Toffee Pudding), di ko na masyado gusto food dito. Pero must see dahil nga sa ambience.
Oscars
Frost/Nixon - hango sa isang interview ng reporter kay US President Richard Nixon, kung saan sinabi ni Nixon na “I’m saying if the President does it it’s not illegal,”.
Milk - tungkol sa buhay ng gay activist na si Harvey Milk, ang kauna-unahang Gay elected official sa America
Slumdog Millionaire - set sa Mumbai, India tungkol sa kung paano sumagot ang isang slumdog/squatter sa mahihirap na mga tanong ng Who Wants to be a Millionaire
The Reader - kuwento ng isang babaeng prison guard sa panahon ng Holocaust
The Curious Case of Benjamin Button - medyo hango sa nobela ni F. Scott Fitzgerald tungkol kay Benjamin na tumatanda ng pabata.
Ang hula ko for Best Picture: Slumdog Millionaire. Astig kasi ang pelikula, parang Regal films actually: may drama, comedy, action at dance routine (Bollywood movie ito e).
Pero astig ang premise ng pelikula, panuorin niyo na lang para di ko ikuwento.
PB Cum Laude
Maraming scholastic achievements ang PB ha. Meron tayong valedictorian, salutatorian at honorable mention o medalists nung elementary pati high school. Meron din tayong dean's listers o college at university scholars nung college. Meron pa nga sa ting honor students maski sa post-grad (Masters at Doctorate). Marami rin tayong mga scholars sa loob at labas ng bansa.
Example A. Matindi ang achievement ni Tito Egay nung 90's. Topnotcher lang naman siya sa board para sa veterinary medecine. Isa talaga siyang hayup na doctor. Napakahirap nun, kasi pumasa nga lang sa board e mahirap na, maging Top 10 pa kaya.
Example B. Marami sa PB ang honor students nung Elementary at High School. Alam ko rin na si Tita Che-Che ay 2nd honor sa Masters at si Lola Maam ay may honor sa doctoral. Pero sa pagkakaalam ko ay 4 ang merong Latin Honors (mga Laude ba) nung College. (Pakitama na lang ha kung mali ang aking ala-ala, at sorry sa mga nakalimutan ko)
Sr. Vicky - MAGNA CUM LAUDE at SCHOLASTICS AWARDEE. Accountancy ang course ni Sr. Vicky from GAUF. Malaking achievement yan siyempre, dahil ang hirap kaya ng accounting. At saka, kung meron kang grade na 2.0 e mababa na yon para sa running for MAGNA.
Tito Par - CUM LAUDE. Agricultural Engineering ang course ni Par from GAUF. Kakagulat ano? kasi di naman siya nagsasaka. Pag engineering ang course mo, grumaduate ka lang e accompishment na, ma honor pa kaya!
Tita Che-Che - CUM LAUDE. Political Science ang course niya from U.P. Alam naman natin na mahirap makapasok sa U.P. at mahirap din ang turo. Kaya karangalan na maging honor graduate talaga from the state university.
Tita Edith - MAGNA CUM LAUDE at SCHOLASTICS at LEADERSHIP AWARD. Accountancy din ang course ni Tita Edith from GAUF. Astig ang accomplishment na ito, kasi nga 3 awards. Konti lang ang MAGNA CUM LAUDE, mas konti ang merong SCHOLASTICs award, pero isa lang ang LEADERSHIP AWARD.
Kailangan mo bang maging honor student para maging successful? Siyempre hindi. Pero silang 4 ay successful at na-capitalize nila ang kanilang mga awards para umasenso. Iyon ata ang mahalaga.
So sana maging inspirasyon sila sa lahat ng taga-PB. At sana humaba pa ang listahan na ito.
EXAMPLE C. Kung di umubrang motivation ang mga nasa itaas...baka ito na ang kelangan. Marami ang di nakakaalam na honor student si Tito One nung elementary. KOREK! Siya talaga yun!
Friday, February 20, 2009
MOA
Bago pa kasi bowlingan sa MOA kaya wala pang masyadong langis, so astig ang ball reaction sa dulo.
Maski na Huwebes ng gabi, na di naman suweldo, sobrang daming tao sa MOA. Ewan ko kung saan sila galing (parang di galing sa office at di galing sa school).
Pauwi nalaman namin na di pala napanalunan ang LOTTO na umabot ng lagpas 288M Pesos. Next Sunday aabot na yan ng 300M for sure. Kung tataya, e tumaya na kaagad, dahil box office ang pila.
http://161.58.192.236/2009/02/19/nobody-wins-p288m-superlotto-pot/
Ang labo, injured din pala si TMAC for the rest of the season. At galit pa coach niya.
http://sports.yahoo.com/nba/news;_ylt=Aiz6ZMxXmI4OG.uyjne4l7aLCpJ4?slug=ap-mcgradyout&prov=ap&type=lgns
Ano kayang mangyayari sa baselines bill? aawayin kaya tayo ng China?
http://161.58.192.236/2009/02/19/gov%E2%80%99t-stands-pat-on-baselines-bill/
Kuwentuhan ko kayo ng dinner namin bukas either sa Galileo Enoteca o sa Terry's.
Thursday, February 19, 2009
Dream Vacation
http://edition.cnn.com/2009/TRAVEL/02/06/romantic.cities/index.html
Ingat!
Sinasabi ng PAGASA na patuloy na ang pag-init ng panahon sa darating na mga linggo. Di nyo ba napapansin na maraming ka-opisina, klasmeyts at mga kakilala ang merong sakit?
Katunayan, tinatayang halos 40,000 katao ang tatamaan ng sakit na Dengue pag dating ng tag-ulan. Pero, akala ng nakararami ay lumalaganap ang sakit na Dengue kapag tag-ulan lamang. Mali. Alam nyo bang mahigit sa 200 Pinoy ang namatay sa sakit na Dengue nung 2008? Maalala nyo ring 2 Pamilya Banal ang nagka-dengue last year.
Ang sakit na cholera ay sinasabing napuksa na sa Pilipinas nung 1990. Kaya nakakagulat na lagpas 1,000 katao ang tinamaan ng cholera outbreak nung 2008. Sa mga ito, lagpas 20 katao ang namatay.
Huwag maliitin ang impact ng pagpapalit ng panahon sa kalusugan. Ang sudden change of climate ay posibleng magkaroon ng masamang dulot sa hangin at sa tubig.
Kaya PB, pinaalalahanang muli tayo sa video sa ibaba ni Kuya J.L...
Wednesday, February 18, 2009
Pag-asa
Alam nyo ba kung ano ang chance na manalo ng jackpot sa lotto sa Huwebes?
Ang maikling sagot: 1 sa 14 na milyon. Para exacto, 1 sa 13,983,816. Ang ibig sabihin nito ay merong 14 na milyon na kombinasyon sa pagtaya sa Super Lotto 49 numbers.
Ang formula ay: n! / [k! (n - k)!] or C (n, k). Binabasa ito ng Combination of n and k or N factorial divided by quantity k factorial times n-k quantity factorial.
(Ia, please correct kung mali. Thanks.)
Kung interesado kayo sa detailed computation (ewan kung bakit). Makikita nyo dito:
http://en.wikipedia.org/wiki/Lottery_mathematics
In summary, mahirap manalo! haha. Kung sampung piso ang ticket (magkano ba ticket? 20 pesos ba?) at balak mong tayaan lahat ng kombinasyon, gagastos ka ng 14 milyon number combinations X 10P = 140,000,000. Kung umabot nga ng 250 million ang premyo, e meron kang tubo na 100+ Milyon.
Pero eto ang problema. Paano kung 2 ang nanalo, e di lugi ka na ng 15 milyon. E paano kung 3 ang manalo, e di lugi ka ng mga 60 milyon. At kung 5 naman ang manalo na paghahatian ninyo e di 115 Million ang talo mo!
Pero kung may 140 Million ka, huwag ka na siguro tumaya ng lotto =).
Good Luck!
Tuesday, February 17, 2009
GOURMET PARTY
Komplikado mag-explain, so let the pictures tell the story
GOURMET PARTY #1 - New Year 1981
Venue: Compound Patio
Main Dish:
Vermicelli Soup with shredded chicken, snowpeas and
Slow-cooked FAT-FREE, LOW-CHOLESTEROL white gluten rice
Sugar-raised donuts
Drinks: Chinese Demi-sec Red Wine
Decor: White, Green and Yellow floral tapestry
Nagpapanggap nga kasi kaming poor, kaya mukhang:
Sotanghon na may itlog, puto. Donut na binili kila Alabe. At Vino Kulafu Shoktong.
Ang sasaya namin dahil di halatang nagpapanggap lang kami. Yes!
GOURMET PARTY #2 - Tiyong's Bienvenida 1982
Venue: Reyes Carpark
Main Dish:
Sausage-Marshmallow Kebab
Deep Fried Anchovies in Coconut Cider Sauce
Long-life Slim Noodles with garlic and onion shallots
Decor: Au Naturel
(tinuhog na hotdog, dilis na may sawsawang suka, at pansit bihon. With special ingredient - kalawang from the mesa na walang takip)
GOURMET PARTY # 3
(kanin, inihaw na dalag, inihaw na bangus, inihaw na talong na may sawsawang bagoong with calamansi)
MOST SOSYAL GOURMET #4
SOSYAL NA HANDAAN
BILAO ng SUSHI at SASHIMI
BEEF with BROCOLLI
CHICKEN LOLLIPOP
PANSIT PALABOK with SQUID
FRESH GARDEN SALAD
FLORAL CENTERPIECE
ANO PA? Abangan bukas...
Di Ako Naiinggit
Simulan natin ang LAGLAGAN - 3rd Generation...
CHAPTER 1: Di ako nai-inggit.
Wow ang cute naman ng doll. Pero rag doll lang naman iyan at Yellow pa, di ko type. Pero parang maganda. Titingin na lang ako sa camera, dahil DI AKO NAIINGGIT ano!
Hmmm. Teka ano naman kaya ang laman nun? Ang pangit naman ng box. Di ako naiinggit ano!
Ay ang cute naman ng doggie, may ball pang iba-ibang colors. Pero anong klaseng dog yan di naman tumatahol at naka-plastic pa. Di ako naiinggit ano!
HELLO KITTY! HELLO KITTY BA TALAGA YON? Favorite ko yun a. Naku, di ko na lang papahalata sa camera na gusto ko yon. Di naman ako naiinggit ano!
Ano? Meron pa ring gift! Ano kayang laman? Teka makalapit nga. Ay bag pala na
Red, terno ng dress ko. Malapit na naman ang birthday ko e. Di ba June ngayon,
yehey! 10 months na lang bday ko na. Di ako naiinggit ano.
Makalapit nga. Ang ganda naman ng bag. Di ako naiinggit ano!
Monday, February 16, 2009
10 Random Questions from Camae's 17th Bday
2. Dumarami na ba ang alagad ni Ditse sa UWIAN?(Tiyong, Tiyang, Jim, Pia)
3. Mukhang sa Pansol talaga tayo outing?
4. Iniisip ni Kuya Jorge kamukha niya si John Lloyd?
5. Nakita nyo ba si Gab at Miguel?
6. Kaya ni Ate Yet mag purple with Yellow belt?
7. Tumaba si Tiyong ano?
8. Bait ni Ayka mag-bantay ng shabu-shabu, ano?
9. Paano naubos ang bilao ng sashimi?
10. Ano question ninyo?
Sunday, February 15, 2009
CAMAE's 17th BDAY - LIVE BLOG
Buti rin at walang ka-traffic traffic. Malamang napuyat ang mga tao sa kaka-date kagabi.
maganda si Camae today, at natuto na sa leksyong ng kahapon. pero syempre ang ate nya ay pa-eksena pa rin, at nagpa-bongga pa rin ng suot.
kawawa naman si JE, hindi makakain sa lamesa, kakulay kasi niya ang mantel. Pink!
Pero si DITSE, fashionista.
11:52 - nuod muna NBA slamdunk. Ang liit naman nung nanalo
12:11 - dumating na rin ang THE LATE Tito Jorge. kasama si Tiyong, Tiyang, Ate Yet at Julienne. Si Tiyong at Ate Yet naka Red. Yes. terno sila, bati na ba sila? Si Tiyang naka-pink. Si Julienne naka color-of-the year - PURPLE, pero ano bang belt yan - YEEEEELLLLLOOW?!? gosh!
bakit naman naka-laso pa si Ate Yet!
12:13 - ang ganda naman ng damit ni Ate Edith. Natuto na talaga siya na huwag maging pangit sa picture dahil ma-blo-blog siya.
Andito rin pala si Kevin. Na hapit-hapit na ang damit. Magpapayat naman kasi.
Si lolipot naka-pink, na sosyal naman talaga.
Si Lola Maam naka-violet. Isusuot daw niya dahil gift ni Ate Edith nung Pasko. Baka raw may kasunod hahaha.
Simula na ng kainan. parang masarap.
1:12 - BUSOG! sobrang sarap ng pagkain. halos ako ata nakaubos ng isang bilao ng tuna at pink salmon SASHIMI. Marami ang lumantak ng beef with brocolli. At OK ang chicken lolipop na ito, malinamnam ha. In summary, bagay ang mga food: may chicken, beef, fish, veggies at ang fantastic shabu2 soup.
di bale ng di nakatingin si dianne at si lola maam mukhang unggoy, basta ako AMPOGI.
1:19 - parang may theme ang kasuotan ngayon: RED, PURPLE at PINK. sayang di kami in.
Si Tita Dang naka PURPLE din - pero safe ang kanyang attire. ayaw pa-okray.
2:41 - ayan, naglalaglagan na naman kami sa pagtingin ng mga lumang picture sa blog.
napansin ko ang damit ni ate - pretty pala: sky blue with brown highlights. sabagay lagi namang best dressed si Tita Ate.
3:12 - sobrang EXCITING talaga ang bday ni CAMAE. Hindi mapag-sidlan ang kaligayahan ni Tiyang.
5:41 - dito pa rin kami at naghahanap ng resort para sa summer outing. sabi nga ni Tito Egay: LIBRE ANG MANGARAP SA PANSOL DIN ANG BAGSAK
5:47 - ang napagkasunduan ay March 28-29 (Sat and Sun). venue to be determined by the committee.
5:55 - may bago na tayong DITSE...Si Tiyong na ang nagyayayang umuwi
6:09 - pangatlong yayaan na umuwi. pero dito pa rin kami
6:23 - sumuko na ata silang magyayaan. Andito pa rin kami
6:26 - naku mukhang tuloy na ang uwian. Kasi nagsabi na si Tito Jorge ng...INGAT!