Tuesday, April 14, 2009

Adik

Kelan mo malalaman kung ang pagkahilig sa isang bagay ay nagiging pagka-adik na?



Di naman natin inookray si Karen dahil bumibili siya ng tsinelas sa halagang 950 pesoses. Pero
sabi nga ni Tito One, isang sako na raw ang Havaianas nila Karen at Camae. Wow! At ang matindi diyan, di pa sila tumitigil sa kakabili.




At na-witness ko nga. Kasi nga pag bumibili pala sila ng Havaianas, talagang tig-i-tig-isa. E puwede nga pala.

Ganito sila mag-usap pag bumibili ng Havaianas:
Karen: Alin ang mas maganda, iyong silver o yung Violet?
Camae: Ate, meron na tayong silver iyong merong strap
Karen: Pero eto wala namang strap
Camae: Ay oo nga

Mwa haha. So malamang naisip nyo na kung ilang kombinasyon ng kulay, may strap o wala, at design.




Pati ba naman si Kathleen?

INFERNESS, sabi ni Kat, naghihiraman naman daw silang tatlo. So isang sako divided by 3, is not bad after all.




Kakainis lang pag-adik ka sa tsinelas, kelangan maganda ang paa, pati kuko =)

7 comments:

Ipanema said...

bili naman kayo sakin!!!!

CROCS said...

Try nyo naman ako. Sa greenhills, 150.00 lang =)

Havana said...

lalo na ako...sa palengke at sidewalk mabibili. at 40 pesos lang, puwede pa tawaran.

Rambo slippers said...

tangkilikin nyo naman ako, subok na sa panahon. makapal pa ang goma ko at ok na ok pang tumbang preso.
makulay pa ang design ng goma.

Bantex said...

Sayang, kung napaaga lang pagdating nyo sa mundo, dami ko sana benta sa inyo, Karen. Sikat talaga ako nung panahon ko!

Spartan said...

Eh, mas sikat ata ako nun sa yo ha!

Beach Walk said...

Basta ang alam ko noong panahon ko ay mga astig lang ang bumibili sa akin kc dapat makinis at mamulamula ang sakong mo pag suot ako! Pangmayaman ba!