Sunday, April 19, 2009

Changing Youth

Over the weekend, naimbitahan akong magsalita tungkol sa Leadership sa Student's Leaders Conference. Umattend ang 60 students mula sa pinakamagagaling na eskuwelahan sa Pilipinas at Singapore. Nakakatakot nga, kasi sa kanila 14 ang Summa Cum Laude, at mga 25 ang Magna Cum Laude tapos lahat sila Student Leaders - presidente ng Student Council at ng mga malalaking University Organizations.

Sobrang iba na ang mga "Summa Cum Laude" ngayon. Ang mga estudyante lahat well-rounded, confident at sobrang talented. SCL sila pero varsity ng swimming, o presidente ng performing arts. Pagkatapos kong magsalita, ang daming lumapit sa akin at nagtanong, nakipag-kuwentuhan. Di ko ma-imagine na makipag-usap sa speaker, pagkatapos ng talk.

Ang galing ng experience. Nakakanerbyos dahil nga baka di ko masagot questions nila. Pero sobrang cool - sana maimbitahan ulit ako next year.

2 comments:

che said...

Wow, nice! San yan kuya? sino organizer?

Ganun din ang observation ko sa pagtuturo sa youth ngayon dito. Pati yung mga 12 yr olds na galing sa isang school dyan sa Laguna (Learning Links yata) na nagvisit sa campus namin, mga smart kids, di takot sa tao.

Mga bata ngayon parang walang masyadong inhibitions. They speak their mind. Which I think is good! But kaka-pressure magturo.

ist gen said...

It depends upon your audience...eh kung mga summa cum laude ba naman e di syempre mga smart yan!

At saka depende din sa upbringing at homes and training in schools.