Friday, April 10, 2009

Walang Trapik

Tama nga si Benjie Paras - mag-drive ka nga ng pabalik-balik sa EDSA pag Biyernes Santo dahil sobrang bilis. Nakuha ko ang Laguna-Quezon City sa loob ng 50 minutes. Kung di lang sana isang lane ang Southbound ng Cubao, mas mabilis pa siguro.

Sarado ang mga restaurants. Sarado ang mga malls. Sarado ang sinehan. Ang bukas? Mga Gasolinahan. Kaya full-packed ang Shell at Petron, walang maparadahan. Maski ang Pancake House at lalo na ang Starbucks punung-puno ng tao.

Di ko nga malaman kung 1) on the way ba sila sa outing o sa mga probinsya nila? o 2) dun sila tumatambay dahil sa init sa bahay o 3) dun talaga sila manananghalian.

Napaisip nga ako, mas relihiyoso ba ang mga taga-North kesa taga-South? Kasi sa Quezon Ave kanina, me nadaanan akong nagpapasan ng krus. At marami talaga ang nag-pe-penitensiya. Tapos tuloy pa rin ang pakuan sa krus sa Pampanga at pabasa sa Bulacan. Sa Cavite at Laguna, marami ang nag-to-tongits.

1 comment:

Che said...

Wow, interesting, pang thesis!