Thursday, April 30, 2009

First Rain of May

Di ba dati, pag first rain of May naliligo tayo sa ulan? Kasi suwerte daw.

Pero ang corny naman kasi ngayon, halos araw-araw umuulan. So may katuturan pa ba ang first Rain of May, kung buong summer e umuulan?

Naniniwala ba kayo sa suwerte? Topic naman sa debate ito nung High School. Dun ako sa panig ng di naniniwala sa suwerte. Pero ngayon, parang naniniwala na ako e. Para talagang merong taong suwerte at merong malas, di ba? Minsan nga meron taong sobrang suwerte, parang lagi na lang suwerte, nakakainis na minsan.

Favorite ko kasi si Niccolo Machiavelli, iyong sumulat ng The Prince. Sabi niya maski gaano kagaling ang isang tao sa pagpaplano ang suwerte ang puwedeng magpa-bagsak at magpanalo. Kasi nga raw paano kung masunugan ka, kung masagasaan ng eroplano, tamaan ng kidlat o ng ligaw na bala. Mga bagay na di puwedeng pag-planuhan. Meron namang mga tao na nananalo sa lotto ng 300M Pesos, meron ding nakakapulot ng diamond ring sa basurahan.

Pero sabi ni Machiavelli, huwag ding maniwala sa tadhana, at maghintay sa suwerte. Sabi niya, mas nilalapitan ng suwerte ang mga masisipag at mga magagaling.

Di ko sure, pero parang may suwerte nga ata.

1 comment:

edet said...

yung nangyari sayo Ido, puro plano lang ba at galing? wala bang kasamang swerte?