Saturday, April 4, 2009

ADHD + OC + I

Di pa naman kasi na-di-diskubre dati ang sakit ko. E kasi dati kay Dr. Calalang lang sa Pilar near Morning Breeze ang puntahan pag may sakit. At lagi namang confine sa MCU ang sinasabi nun.

Iyong ibang sakit e nakakatandaan, pero iyong ADHD ko e andito pa rin. Attention Deficit Hyperactivity Disorder daw ang tawag dito. Iyon bang parang di mapakali lagi. Di maka-concentrate sa isang bagay, laging umaalis at hindi mapirmi sa isang lugar. Korek! Parang 2 years old na kelangan mong talian kasi aalis bigla sa gitna ng kuwentuhan. May tinatanong pero iba ang iniisip. Parang walang paki.

Sa opisina ganyan din ako. Pag nag-mee-meeting kami at merong nag-pre-present ng status nila. Naku, di lang siguro lagpas 20 na beses kong nasabi na "that is the most boring status reporting I have ever heard" haha. Pero, isang beses ko lang nasabi na ang "mas exciting pa ang manuod ng goldfish sa aquarium, kesa makinig sa presentation mo". Haha. pero sinabi ko talaga yan. Ang bilis ko kasing mabato. Minsan pag kausap ko nga si 'D', e halos sugatan ko ng kutsilyo ang sarili ko para ma-ka-concentrate. Nagdala pa nga ako ng calamnsi at asin, para siguradong di ako makatulog. Ewan ko ba kung paano ko naging ganito.
***********
Eto pa, ADHD na OC pa (Obsessive Compulsive). Ganito yun: I-lo-lock ko ang kotse using the Alarm. Tapos pupunta ko sa driver's side titignan kung na-lock ko na. Tapos pupunta ako dun sa pinto sa likod ng driver's side at i-che-check ko pa kung na-lock ko. At hindi lang isang hila - laging tatlong beses. Di ko alam kung bakit. Madalas, iikutin ko pa ang kotse at sisiguraduhing na-lock ang apat na pinto.

Isa pa, di ako makatulog kapag ang kumot ko ay hindi natatakpan ng maayos ang paa ko. Korek! So babangon ako maski ilang beses hanggang maayos. Tapos ayoko rin ng makalat sa palibot ng kama ko. Di rin puwedeng may lapis at papel sa tabi ng kama, kasi magdamag na kong mag-su-sulat at mag-dra-drawing. Pero siyempre nakahanap na ko ng solusyon - patayin ang ilaw! hehe
**********

Sino ba talaga nagsabi ng "pag patay ka na e ang tagal mong matutulog, so habang buhay ka pa e huwag mong sayangin ang oras sa pagtulog". Natanim sa utak ko kasi yan. Kaya ayan di ako nakakatulog ng maaga. Gumawa na nga ng kanta ang Eheads at Sugarfree tungkol dyan.

Pero OK na rin, kasi mas mabilis ang internet sa madaling araw, walang kalaban. Saka mas OK din namang gumimik sa gabi at tumabay di kasi masyadong mainit. Tapos parang mas masarap ang mga tsitsirya pag madaling araw, mas masarap din ang ice cream - try nyo! hehe.

Mas masarap ding magbasa ng libro sa gabi, at mag-chat, gumawa ng blog, walang istorbo mas madali mag-concentrate. Saka iyong sinasabing 8 hours a day dapat matulog - kalokohan lang yun. Pag inaantok ka, e di matulog, pag hindi e di huwag matulog.

Saka, pag patay ka na ang tagal mong matutulog.

4 comments:

Helen said...

Kaya nga me kasabihan:

"mas maigi yung walang tulog, kesa walang gising."

=)

edet said...

I suggest minsan mag conduct ka seminar para sa dalawa kong anak. Sobra sa tulog. mas gusto pa matulog kesa kumain. Grabe!

ido said...

haha. natawa ako sa ..."kesa walang gising" haha

che said...

Ay nako kuya. Baka naman namamana yan ADHD - OC na yan dahil parang meron din akong ganyan!!!