Tuesday, April 14, 2009

Murder of Baby Blue Bear

Pagkatapos ng Pasko, nakagawian ko ng mag-ipon kaagad para sa Summer Outing. Hehe. Mahirap na kasi e. Di natin alam ang mangyayari.

So December 26 pa lang nag-iipon na ko. Ang favorite kong alkansya ay si Baby Orange piggy. Pero nagtampo na sya sa akin, kaya si Baby Blue Bear ang aking 1st-half 2009 alakansya.



Every suweldo or merong extrang pera, naghuhulog ako sa alkansya. Syempre lahat ng barya sa pantalon o sa wallet napupunta kay Baby Blue Bear. Pero pati buo, nilalagay ko hehe. Wala namang nagsabing bawal maglagay ng bills sa alkansya di ba?




Yehey. BUti naman at mukhang masaya pa rin si Baby Blue Bear maski nakatay siya =). Till Christmas...

1 comment:

NINOY said...

Arghh, hindi ako makahinga..