Saturday, April 4, 2009

Multi-tasking

Siguro dahil maikli lang ang buhay. O kaya sobrang dami lang talagang ginagawa at puwedeng gawin. Ako talaga, nahihirapan pag isa lang ang ginagawa ko. Parang kulang, parang bitin.

Halimbawa, merong mga tao na nanunuod ng TV at iyon lang ang ginagawa. Kaya nilang tumutok sa TV maghapon at iyong lang manuod ng TV. Di ko kaya yun! Madalas kasi habang nanunuod ng TV ay nag-co-computer ako, nag-blo-blog o nag-do-download. Madalas nga habang nanunood ako ng TV at nag-co-computer, e nakikinig pa ko ng radio. Iyong kumain habang nanunod ng TV, syempre madalas mangyari pero boring na rin minsan. Mabilis din kasi akong kumain - 5 minutes tapos na.

Minsan nga may tumawag sa akin. Ano raw ginagawa ko. Natawa nga ako e. Kasi nga nanunuod ako ng TV, nag-e-email, nag-ra-radio habang hawak ko ang electronic toothbrush. Di ko alam kung ano sasagot ko. Mabuti na rin at nauso ang mga gadgets na yan, kasi napapadali ang buhay at napaparami ang nagagawa ko. Dahil sa hands-free phone ko, puwede na kong mag-meeting sa telepono, iyung kaliwang kamay nag-ty-type at iyong kanang kamay nag-WI-WII. Astig.

Mas mabilis ko kayang matatapos ang trabaho ko kung isa-isa lang at hindi sabay-sabay? Puwede. Pero hindi exciting. Di ba mas exciting na tatlo ang nagagawa kesa isa lang. Saka parang hindi naman masaya kung nanuod ka lang ng TV, kasi lahat ba ng eksena may katuturan? Pag kumakanta si Jolina (na OK naman ang boses), kelangan mo ba siyang makita? Di ba mas OK na habang nag-te-telepono ka ay na-e-exercise ka pa sa WII?

Teka, tapos na dino-download ko, at tapos na rin ang brine-brew kong kape.

No comments: