Wednesday, April 8, 2009

Ang Holy Week sa Pagtakbo ng Panahon

Iba na ang panahon ngayon siyempre. Pero para sa mga lumaki sa compound, iba ang holy week kumpara sa ibang tao.

Dati sa compound, marami talagang bawal kapag Holy Week. Let's count the ways:
- Bawal maglaro at makipaglaro
- Bawal manuod ng TV unless Moses, Ten Commandments at the Bible
- Bawal maligo (pag Friday)
- Bawal maggupit ng kuko
- Bawal kumain ng manok, baboy, at baka
- Bawal hindi magsimba para: Washing of the Feet (Thu), 7 Last Words (Fri), Easter Vigil (Sat), Salubong (Sunday), and Easter Mass (Sunday)
- Bawal mag-aral (haha, totoo ito!)

Sana lang bawal din maghugas ng pinggan at maglinis ng kuwarto. haha. Hmmm, bawal din kayang magtsismisan nun? (parang hindi ata).

Natutunan ko nga lang na marami palang kumakain sa labas pag Thu or Fri nung 2006! Nagpunta kami nila Tita Edith sa Tagaytay after ata sa Kamay ni Hesus - and wow, sobrang traffic at ang hirap kumuha ng table. Napaisip nga ako nun e. Ganun ba talaga dahil 2006 na, at makabago na ang panahon o ganun talaga ang ibang tao?

Looking back, di naman ako umaangal. Marami pa rin namang magagawa maski maraming bawal. At isa pa marami ka ring matutunan - pagkamasunurin, disiplina, at pagtanggap na meron kang kayang gawin at hindi kayang gawin.

6 comments:

boyet said...

'lam mo ba Ido kung ano ang dahilan kung bakit bawal maglaro, tumakbo o ano man na magiging dahilan para masaktan ka o magkasugat,,, kc hindi daw gagaling agad pag mahal na araw nagyari,,, pati na yung paliligo, baka kc magkasakit ka,, (ano ang connect???)grabe talaga ang mga rules noong araw sa compound, mahirap sundin pero nagawa natin,,, Pero may tama ka diyan Ido, natuto tayong sumunod sa mga nakakatanda sa atin kahit masama ang loob natin,,, na hindi dinanas ng mga sumunod na henerasyon ng PB.

ido said...

haha. oo nga, di nga raw gagaling ang sugat ng isang taon! haha

che said...

hahaha... mag patama pa si tito boyet?!

namimiss ko na ang ginataang monggo ni papang... good friday special...hehe

1st Generation said...

Lumaki naman kayong mababait, masunurin at magalang. D b napapakinabangan nyo naman yan?

Icompare nyo nga mga sarili nyo sa mga bata ngayon!!!!Wow ano na nangyari bakit ibangiba na sila?

ido said...

agree! kakamiss ang ginatang monggo na yan

ayo said...

sus, wala na si Papang no!
pati ata si Mamang...

bawal maligo between alas 12nn ng biyernes santo hanggang 12mn

tapos unahang maligo sa sabado de gloria kasi benditado daw ang tubig.
kaya nga minsan gumising pa ako ng madaling araw para manuna lang maligo...

inferness bumait naman ako hehe...