Sunday, April 19, 2009

The Geek Shall Inherit the Earth

We cannot deny it. Ang mga geek at mga nerds ang mga sikat sa panahon ngayon. Di na uso maging fashionista lang. Iba na rin ang criteria sa pagiging "cool" na kabataan.

Maski gaano kaganda at kamahal ang damit mo, kung di mo alam ang MMS, ang WI-FI. Sorry you are Out! Cool ang kabataan pag merong account sa Friendster, Facebook at Twitter.

Isa pa 4 sa Top 10 na pinakamayayaman sa buong Mundo ay mga NERDs. Unang-una sa listahan ang Microsoft mogul na si Bill Gates. Siya ay self-confessed nerd at walang ginawa kundi mag-basa at mag-aral nung kabataan niya. Actually, pag tinignan nyo ang listahan ng richest at most successful people wala dung fashionista, at sobrang onti lang ng matatawag mong "cool".

So ngayong summer, huwag maging laos. Tambay sa mall? OK magpalamig, pero huwag magtagal - Totally Out of Fashion. Alamin kung saan ka magaling, at lalo pang magpagaling dun: pagsasalita (e di mag-Speech School), sa pagsasayaw (e di magpaturo sa magaling magsayaw, huwag sa kung sino-sinong tambay), sa Math (e di mag-practice ng magpractice), sa Basketball (e di Mag-Milo Best), sa Bowling (e di yayain nyo ko haha).

Matulog sa bahay at sumali sa umpukan ng kapit-bahayan? Hmmm. Lumiliit na ang mundo, pero di ganyan kaliit =). Mag-aral ng foreign language - ang daming available materials sa internet for free. Actually, puwede rin mag-aral ng Cebuano, Ilokano, Ilonggo - cool!

Manuod ng Watchmen? Walang kuwentang pelikula. Magbasa ng Watchmen. Listed by Time Magazine as one of the Top 100 Best Books in History - ito ang natatanging graphic novel sa listahan.

Suggestions lang naman kung gustong maging "in".

No comments: