Saturday, April 25, 2009

JUMPER

Sabi ni Carlo, jumper daw ako. Totoo!

Sa mga biyahe kasi, mahilig talaga ako sa venture. Nagsimula ang pagkahilig ko dahil tumira ako malapit sa Cedar Point sa Ohio. Dati, ito ang da-best theme park sa buong US. Ang mga nagpupunta sa Six Flags e mga children hehe. Matindi roller-coasters dito - 100 foot drop, 95 degree angle at! Wala kang safety vest. hehe.

Nasa Cedar Point din dati ang pinakamataas na Free Fall dati - ang Demon Drop. Ibabagsak ka mula sa isang 10-story building (sing taas ng bundok). astig.





Isang problema wala akong masyadong pictures. Di ako mahilig sa pictures, at wala nga ako sa camera sa buong buhay ko. Tapos yung mga camera ng mga kaibigan ko dati, e iyong parang kay Tiyong (nung outing), so nawala na lahat. Pero OK na rin, ang mga wala sa picture, naalala sa utak.

Nung 1998 since malamit kami sa airbase sa Virginia, nagkayayaan kaming barkada na mag-sky diving. Iyong sasakay ng maliit na eroplano tapos tatalon na lang basta. Hehe. Astig. One of the best experiences. Medyo mahal ang bayad. Actually ang pictures pa lang 25$ na.

Nung 2002, pumunta kami sa New Zealand. Adik kasi kami sa Lord of the Rings e. Ginawang tourist spot ang mga location shooting area ng pelikula. Tapos, sa NZ kasi pinakamura ang Bungee Jumping. S0 kaming 6 na magkakasama sa Aus, nag-decide na tumalon hehe. Astig ang bungee jumping kasi - meron talagang decision moment kung tatalon o hindi hehe. Saka, walang eroplano, walang sail, walang pakpak...tatalon ka lang talaga. Pumikit ata ako sa kalahati hehe. kakatakot.

Ang tangi kong picture ng JUMPING ay nung 2000. Eto sa Rio de Janeiro Brazil. Astig kasi ang mga bundok e. Saka affordable ang para-gliding - best way to see the city. 1 day training, tapos iyon na sasakay ka na sa pakpak.



No comments: