Wednesday, April 15, 2009

Review: TV Commercials

Wala akong problema sa mga tinatawag na Political Ads sa TV. Equalizer kasi iyon kungbaga. Para di lang ang kandidato ng administrasyon ang na-e-expose.

Pero ang issue ay ang mga walang kuwentang messages. Ang mahal na ng gastos sa production. Mas mahal pa ang gastos sa airtime dahil puro primetime pinapalabas ang commercials. Iyong iba ang papangit naman.

MANNY
OK ang commercial ni Manny Villar. Punung-puno ng drama, parang telenovela. DI masyado mahabo. May flow ang kuwento. Pangatlo na ito sa series ng save-the-abused-OFW. Maganda ang message, may values pa. So OK sa image ni Manny Villar, malaki ang matutulong nito sa kanya.

PING
Sabagay kung ikaw si Ping, talagang dapat kang manakot. Scary movie ang kanyang commercial. Di ko masyado ma-gets ang kuwento, parang hindi kasi buo. Tapos ano ba talaga ang ina-address nya? Corruption o Peace and Order. Ang hula ko, iyong mga gusto siya, magugustuhan ang commercial. Iyong mga ayaw sa kanya maiinis sa kanya. In summary, parang di makakatulong sa kanya ang commercial na ito. Maiinis pa sa kanya ang mga nanunuod ng telenovela.

MAR
Worst political ad. Ayos naman ang Mr. Palengke commercial nya dati. Pero this time, ano ba yun? 1) di believable ang storya 2) di malinaw kung ano ang plataporma nya. Mahihirap ba? Kabataan? o mga pedicab drivers. 3) Napaka-corny! Paano mo tutulungan ang mga mahihirap na kabataan na kumikita thru pedicab drive? Ikaw ang mag-drive. Wow! Anong klaseng logic. Ang pangit. Pihado, nabawasan ang fans niya dahil dito. Kailangan na niyang pakasalan si Korina, para sumikat ulit siya.

2 comments:

ayo said...

agree ke Mar, sobra plastic ng ad, di ko na sya iboboto sa election.

che said...

unfortunately yung kay mar lang ang available sa youtube... ang cheap and very uncreative! pedalling to political mediocrity!