Monday, April 13, 2009

Mix


Para sa maraming pinoy, di kumpleto ang summer pag walang halo-halo. Kaya eto ang listahan ng mga pinaka-astig na halo-halo sa loob at labas ng Maynila:


Razon's Halo-Halo

Grabe kasi sa pino ang yelo ng Razon's, mas nakakadagdag sa lasa kasi madaling ma-dissolve ang ingredients. Speaking of ingredients, ang Razon's ata ang may pinakakonting sahog ng halo-halo. Tatlo nga lang kasi: Saging, Macapuno, Gatas. Kung isasama nyo ang yelo e di 4. Parang simple, pero masarap at malinamnam. Minsan ng kumain ang PB sa original Razon's sa Pampanga. Da Best! Pero iyon na nga rin, dahil 3 lang ang sahog, parang di halo-halo.

Chowking Halo-Halo

Siguro eto ang halo-halo ng masa. OK sa chowking - it comes in all sizes, depende sa budget mo - na kumpleto pa rin ang rekado, mas konti lang siyempre. May choice ka rin kung merong ice cream o hindi. Plus, astig naman ang mga commercials ng ChowKing talagang mapapa-halo-halo ka pag napanood mo.
Digman Halo-Halo
Sobrang sikat dati ng Digman, kasi available sya sa mga Food Court. Lalo pa syang naging sikat dahil 12 ang ingredients, kaya nga Sandosenang Halo, Sandosenang Sarap din ang tawag sa kanya. At syempre affordable pa.
Halo-Halo at Manila Peninsula
Kapag may extra money, subukan ang halo-halo sa lobby ng Manila Pen. Kakaiba ito dahil gigantic ito, walang exaggeration yan ha. Puwede nga itong pagsaluhan ng 2 maski 3 tao. Native pinoy fruits and beans ang ingredients, pero generous amounts syempre. Kaso, medyo mahal.
Goodah Halo-Halo
Nasulat na rin dito. Kakaiba sa Goodah kasi ang ginagamit nilang yelo ay Ube chamito flavor, so yelo pa lang may lasa na. Meron ding 7 ingredients na OK. Da best para sa ayaw ng gatas.
Casa Rap Halo-Halo
Ang Casa Rap ay matatagpuan sa Lipa Batangas, isa itong Garden Cafe. Kakaiba halo-halo dito kasi ang yelong ginamit dito ay katas ng buko. So yelo pa lang, lasang buko na. Astig. OK din ang ingredients lahat freshly cooked. Ang problema - ang taaaagaaaaal umorder. OK ito pag hindi nagmamadali.
Saan ang favorite ninyong halo-halo?

4 comments:

jorge said...

masarap din ang halo-halo sa Icebergs, kumain kami kagabi ni tita helen (inggit si Ia-san hindi kasama). Madaming sahog, leche flan, beans, gulaman, iba pa at 2 scoop na ice cream on top, sarrrap!

boy halo-halo said...

pa-halo halo naman kayo!!!!sarap!!!!

Poker Addict said...

masarap magpoker na meron halo halo.

che said...

KUYA. Naaalala nyo ba that we used to sell halo2x outside the Santan gate kapag summer to earn extra bucks. Wow, super init, pawis mixes with ginadgad na yelo using the very low tech kudkuran and used t-shirt... eeiuuuw!

In fairness, masarap ang mga halo natin! minatamis na saging, kamote, gulaman, sago, langka, pinipig, ube and daddy's yummy leche flan! Actually nakaka-miss din ang sidewalk halo2x...!