Tuesday, July 7, 2009

Anghang

Ang problema ng mga mahihilig sa maanghang sa Pilipinas - wala maraming restaurants na nag-se-server ng maanghang sa Pilipinas. Actually, pag inisip natin sobrang konti lang ng ulam nating maanghang. Ang exception nga lang ata ay ang mga lutong Bicol - Bicol express at laing. Pero pag sinerve na ito sa mga Pinoy restaurants wala ng anghang.

Meron ba kayong alam na restaurants na maanghang ang pagkain sa Metro Manila?

Dalawa nga lang ang alam ko:
- New Bombay @ Makati or Greenhills
- Thai Flavours @ Festival (pero nagsara na).

Siyempre iba-iba naman tayo ng depinisyon ng maanghang na masarap. Eto sa akin:

Pizza - hot sauce, iyon talagang papaliguan mo ang pizza, na talagang kulay pula na siya. Tapos pag sa CPK lalagyan pa ng Chilli Romano.

Sawsawan - 2 o 3 siling labuyo, na pipisain

Sushi at Sashimi - andaming wasabi. Dapat green na iyong sauce =).

Tara, kain tayo.

2 comments:

evot said...

saan tayo kakain tito ido?kaw ngyaya so libre mo...hehehe... =)
OK lng kumain ng maanghang basta meron kasamang sandamakmak na tubig...hehehe...

ido said...

sure! sagot ko ang maanghang na food. Di ko sagot ang pa-ospital ng mga sasama.