Thursday, July 2, 2009

Delikadong kalsada at Mataas na Sahod

Delikadong Kalsada sa Metro Manila

Nakababahala ang pagdami ng aksidente sa kalsada kung saan sinasabing umabot ang bilang ng sakuna sa 11,532 noong 2008. Pero alam nyo ba kung saang lalawigan makikita ang itinuturing pinakaligtas na kalsada dahil sa mababa kundi man wala talagang naitatalang aksidente sa kalye.

Sa Metro Manila, ang lungsod ng Quezon City – kung saan makikita ang Commonwealth Avenue na binansagang ‘killer highway’ dahil sa dami ng aksidente – ang naitala na pinaka-accident prone na lugar, habang pinakamababa naman sa Pateros – ang pinakamaliit na bayan sa Metro Manila. Sinabing umabot sa 31,686 ang aksidente sa mga kalye sa Quezon City mula 2006-2007, kumpara sa 289 kaso sa Pateros sa kaparehong taon. -


Trabaho na may pinakamalaking sahod

Sa ulat ng National Statistical Coordination Board para sa 2007 Philippine Statistical Yearbook, lumabas na ang nagpapalipad ng mga commercial airplane ang may pinakamalaking sahod sa Pilipinas.

Batay sa nasabing listahan, ang piloto ng mga commercial airplane ay sumasahod kada buwan na aabot sa P100,000. Bukod sa piloto, ang trabaho na may pinakamataas na sahod ay ang navigators at flight engineers.

Samantala, P4,700 sahod kada buwan ang itinuturing pinakamababang suweldo para sa isang “regular" na manggagawa. Ang ganitong sahod ay nakukuha umano ng mga nagtatrabaho sa minahan.

4 comments:

Che said...

Kaya yata di nakakakuha ng maayos na tax ang gobyerno, 100,000 lang ang ang nakarecord na pinakamataas na sweldo?

Mas mataas ang sweldo ng CFO, Partner, at Manager sa pagawaan ng salamin, sa palagay ko lang ha... ;-)

p.s.Kapag kaya tinaaasan ang sweldo ng Presidente, etc, di na sila mangungurakot?

ido said...

haha. na-reak nga rin ako dito e. di ko lang sure kung ang ibig sabihin ay starting salary? puwede? malaki talaga ang 100k na starting

edet said...

basta ang masasabi ko lang, biglang tumaas kilay ko sa balita mong yan tito ido! para namang hindi natin alam sweldo more or less ng bawat isa. hehehe

evot said...

hahaha...nagreact ang mga matataas ang sweldo sa topic na ito...sino pa kaya ang next na magrereact?hahaha... =)