Sunday, July 19, 2009

July in History

40 Years Ago, ang sinasabing unang paglakad ng tao sa buwan. Ito ang 'Apollo Moon Landing', kung saan ang tatlong astronaut ng US ay naglakad sa buwan at itinanim ang bandila ng America. Makahulugan ito nung 1969, kasi nga umiigting ang labanan ng US at mga Soviet.

Ang interesting dito, merong mga grupo ang naniniwalang hindi totoong nangyari ito. At sinasabing pelikula lang ito, at propaganda ng US nung taon na yun.

Nung 1990 naman, nilindol ang buong Luzon. Ito ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Pilipinas sa modernong panahon. Libu-libung tao ang namatay, at tinamaan ang buong Luzon kasama na ang Baguio, at Metro Manila.

So asan kayo nung lindol ng 1990?

8 comments:

evot said...

naalala ko nung lumindol nung 1990 eh nasa compound lng ako sa santan nun. at nagstay lng sa loob ng compound..

che said...

Nasa biology lab sa Quesci. Gosh, nag-alugan ang mga bote ng preserved fetus, ascaris at palaka! Mas natakot kami na mabagsakan ng mga bote na yun kesa mabagsakan ng bubong.

Ma'am S. said...

Last year ko yun sa GAUF nasa classroom ako algebra class, 2nd floor lang pero mas natakot kami ng ang mga salamin ng bintana mula 6th floor nagbagsakan!!!
Stay lang kami sa room.Maam

charisse said...

I remember when I was in grade school sa Dominican College yun nga lumindol ang sabi ng teacher magtago daw kami sa ilalim ng desk which is ginawa nga namin...hahaha...

ayo said...

akala ko tinatadyakan ng classmate ko yung chair ko, yun pala ang tinatadyakan yung buong building!

ido said...

kadiri, college na ko nung 1990! haha. 1st 2 weeks pa lang ng klase nung 2nd year college ako. Matibay pala ang Palma Hall, wala man lang crack. Naghahanap nga kami ng lupang nabibiyak, kasi malakas daw. Iyon pala asa Baguio ang grabe...

Charisse said...

So Tito ido Kung 7 yrs old me that time 16 yrs old kna pla nun or 17. Bata kpa din ngaun don't worry. Hindi niyo pa narreach 40 eh.. Hehe..

yet said...

I was working already at MJ at kala namin isa lang sa mga fire drill nang nag-alarm ng walang patid. Pinalabas kami at pina-upo sa gitna ng open space sa parking area.Nangangatog ako 'nun.

2 of my co-employees there were included sa HYatt incident. Naiwan sila sa loob ng bldg. yung mga ibang execs, nakalabas.