Sunday, July 5, 2009

Usapang Poker

Maliban sa All-in, fold at raise, nagkukuwentuhan din naman kami habang nag-po-poker. Eto ang mga topics na napagusapan namin.

NETWORK WAR
Wow. Sobrang die-hard kapamilya pala si Tiyong. At lalo namang mas die-hard Willie Revillame siya. Sa kabilang banda, si JayE naman pala ay true-blue kapuso. So na-imagine mo na ang usapan namin habang tanghalian.

NEGOSYO NI TIYONG
Dami naman palang racket ni Tiyong. Una, may binebenta siyang "mobile kalan", puwedeng pambahay, puwedeng pam-camping, at puwedeng negosyo. Kung interesado, kontakin si Tiyong. 2nd, may DVD rental din pala siya. At ikatlo at pinaka-intriguing, nag-launch siya ng "Play Dama with the Master". Bale ganito yon, hahamunin mo siya ng dama sa halagang 1Peso per game, pag tabla kayo o tinalo mo siya, piso nga ang bayad. Sa isang araw, kumikita siya ng 50Pesos, so you could only imagine kung gano siya kagaling.

SINGAPORE
Si Tita Dang naman pala ang nagpunta ng Singapore at hindi si Tito Egay. Nagkita nga raw sila ni Tita Che-Che at namasyal at nag-shopping.

JOSH
Ang bagong heartthrob ng Novaliches ay si Joshua. Kasi nga Tall, Dark and ____ (fill in the blanks). Tapos kasali pa sya sa basketball team.

Tito Ido: Magaling siyang magbasketball?
JayE: Matangkad siya.

Nice, sobrang supportive na kuya.

JIM DART
Di man siya humamig sa Poker, si Tito Jim naman ang nanalo sa Dart sugal. Kakagulat nga na may pulsong dart pala si Tito Jim. Na-miss namin si Tito Boyet, alam naming magaling siya dun.

HB Miguel
Nag-celebrate ng Bday si Miguel, by treating his friends to the movies. Parang mga 13 friends ata ang trineat nya sa Transformers. Belated happy bday ulit Miguel. Di ka man lang namin nakita.

PINYA AT BUKO PLANTATION
Pag pumupunto ka kila Tito Egay, bumabalong ang Juice at Buko Pie. Hinahanam nga namin ang taniman sa likod ng bahay nila. Ang nakita namin ay Sili, Bayabas at Dayap. Pinagtalunan pa namin kung ang Dayap ba ay lemon o lime, hehe. Ang lemon kasi ay yellow, at ang lime ay green. Ewan, basta sabi ni Tito Jim masarap ang dayap with Tequila - we all agreed.

5 comments:

Che said...

Exciting naman pala ang poker party!

Natawa naman ako mai-magine ang poker face ni Kuya Jorge-- hindi bagay!

jim said...

masarap din ang casava cake ni tito egay , at ang luto nya na tilapya sa sampalok , ok talaga kaya lang natalo me sa poker

tito jim

charisse said...

Sana nga my video ang laro nila para makita namin ang mga poker face ng players...Hindi ko din ma-imagine ang poker face ni Tito Jorge parang nakakatawa nga...hehe...

Egay said...

Kung me time ulit, me alam ako better venue for the Poker party. Makati area...

Anonymous said...

tito egay saan yun sa makati?