Dear Pres. Tita Edith,
Eto po ang mga sumasalubong sa inyong question tungkol sa Pilahan. May nagtatanong na po kasi, baka puwede nyo po desisyonan.
1) Pipila po ba ang PB abroad? Magpapapila po ba ang PB abroad?
2) Pipila po ba si Kriza (on training), Kevin (reviewing), Tita Che-che (internation student na matanda)
3) Meron pong suggestion si "Gustong Pumila", pakibasa po at paki-sabi ang opinyon nyo.
Salamat po.
12 comments:
Hi Tito Ido,
Sa taong ito, ganito ang gagawin natin.
MAGPAPAPILA - tama ang opinyon ni "Gustong Pumila". Hindi natin pipilitin ang mga magpapapila, at kahit kailan sa mga nakaraang pasko,hindi pa tayo namilit. Kusang loob na umuupo sa unahan ang gustong magpapila.So, open po sa lahat ang gustong magpapila, sa abroad man o nandito.Kaya kung sa tingin natin ay hindi pa natin kayang magpapila,so huwag. Tayo lang sa sarili natin ang nakakaalam ng kakayahan natin.
PIPILA - ang mga walang trabaho at fixed income ay pwedeng pumila, mga estudyante, nagre-review, under training,sa abroad man o nandito, bata o matanda.
para sa mga pipila, magpapapila kami ni charisse kahit nandito kami sa abroad.yahooo...
meron idea si charisse to add twist sa pagpapapila namin. soon to be announce na lang kung ano yung twist...
haha. forever estudyante naman ako no, pero since 1998 pa ko nagpapapila. i agree with gusto pumila, kung bukal sa loob mo magpapila, magpapila ka
although this time, pwede naman books ang ipapila diba? andami dami kong books!
Ako din magpapapila...c/o nanay. I hope kamukha last year, kasali kami sa pasko...on line.
pwede beynte pesos papila?
Ok lang "T" pwede beynte pesos, pero dapat masaya ka rin pag beynte pesos pinapila sayo he he he...
Noong 1969 kumpleto pa ang perang papel: 5pesos(green), 10pesos(brown), at siyempre ung 20pesos ngayon. D gaanong kilala ng mga bata ang 100pesos, bihira nilang mahawakan yun!
Pero sobrang saya na nila kahit magkano lang todo pakita ng talent..kanta, sayaw, tula, declamation pa nga!
At ang hinahagis pag magaling barya talaga, ganun kayo noon...
Hehe im in... papapila dn po ko dis year...
basta ako pipila at magpapapila kahit 2G ako eh ! masaya naman silang nagbibigay ng pera , minsan lang naman yan sa isang taon at malaki ang nagagawa nyan sa mga nangailangan , meron nga tayong kasabihan na ang talbos hangang tinatalbusan lalong lumalago !
ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa mga nadagdag na magpapapila..
Sana makapila din ang mga magpapapila na nasa abroad.
Agree ka ba john?
AGREE...!! super nkkmis dn kc ang pumila.. hehe
Post a Comment