Ang Pisay ang pinakamagandang pelikulang napanood ko nung 2010. Ang Pelikula ay ginawa nung 2007 pa - kasali sa Cinemalaya FilmFest. Paminsan-minsa pinapalabas ito - pag may exhibition. Pinapalabas din ito sa CinemaOne, sana mapanood nyo.
Merong 4 na kuwento sa pelikula: Freshman, Sophomore, Junior at Senior. So parang 4-in-1 ang pelikula, iba't ibang topic: merong political, merong love story, meron tungkol sa isang estudyante na gustong maging stage actor e nasa Pisay nga siya.
Iyong isang kuwento ay tungkol sa estudyanteng nahuhuli sa pag-aaral. Valedictorian siya galing sa probinsya, pero pag dating sa Pisay, isa siya sa nahuhuli sa klase. So buong buhay niya siya ang pinakamagaling sa klase, kaso pag dating niya sa Manila, nahihirapan na siya - samahan mo pa ng homesick.
Pinaliwanag din ang Bell Curve o Normal Distribution.
Ang ibig sabihin daw - maski IQ o grades ang pinag-uusapan - natural na nagiging Bell Curve ang mga ito. Halimbawa, sa isang klase, ang karamihan ay magkakaroon ng gitnang scores. Ang iilan ay magkakaroon ng matataas na scores, sobrang konti naman ang magkakaroon ng sobrang taas ng scores. Sa kabilang banda, meron ding iilan na mabababa ang scores, at sobrang konti ang merong sobrang baba ng scores.
Isa sa mga magagandang eksena ng pelikula ay nung pinapaliwanag ng teacher sa estudyante na matatanggal na siya sa Pisay - ginamit niya ang Bell Curve sa pag-explain. Sa eskuwelahan ng puro magagaling na estudyante meron pa ring bell curve - at posibleng ikaw ay maging isa sa sobrang konti na merong mabababang grades.
3 comments:
Oo nga. nakakalungkot din minsan ang bell curve. Dito sa NUS, minsan wala ka naman talagang gustong ibagsak na estudyante, pero kelangan magbagsak dahil sinusunod din ang bell curve.
Tito ido,bell curve din ba matatawag yung ginagamit sa acn?parang bell curve din kasi...
ay oo Evot. ganyan na madalas sa mga multi-national companies. Katulad din sa school nila Tita Che-Che.
Pero minsan karapat-dapat ang mga Below. Pangit lang yung mapipilitan ka
Post a Comment