After the Breakfast at Hangout
at konting pictures
we headed to Suntec, where we would catch our Duck Tours - City Tour Bus. Eto na po. Di nga ba sa Singapore ang bawat building ata e merong iba't-ibang Towers. Haaaay, di kami nagkakitaan kaagad dahil sa ibat ibang towers napunta. Tatlong balik ata kami ni Tita Che-Che sa bawat entrance ng lecheng building na yan. After 20 minutes, sabi ko kila Tito Jim e mag-shopping muna sila.
Uminit nga ulo ni Tito Par e hehehe.
At 11am nakasakay na kami sa aming Tour Bus
syempre puro turista ang mga sakay, what do you expect e tour bus nga ito =)
Our first stop was at Chinatown. I know, Chinatown pero merong malaking Hindu Temple. Pero ganun kasi sa Singapore magkatabi ang Indiatown at Chinatown.
Bago mag-shopping kumain muna kami, dahil 12noon na kami nakarating sa Chinatown.
Napakasarap ng lunch namin. At lalo pang sumarap dahil nilibre kami ni Tita Edith - yehey! We had tofu steak, lemon chicken, kailan (vegetable ito para sa di nakakaalam), pork ribs. Kinabahan kami ni Tita CheChe at Tita Petite dahil sobrang sales talk ng waiter, pero buti na lang at talagang masarap naman pala pagkain nila.
Tapos shopping na. After 2 hours of shopping we headed to Clarke Quay (pronounced Klar - Ki), getting ready to board our River Cruise.
No comments:
Post a Comment