Suwerte din dahil sa trabaho, nalilibot ang buong Manila at nakaka-stay sa mga hotels ng libre. So nasusubukan kung OK ba ito. Para kung magbabayad na - alam na pinaka-OK.
Mahirap sigurong sabihin na Best 5 Star Hotels in Manila, dahil kanya-kanyang criteria. Tawagin na lang nating Favorite Hotels in Manila na recommended. Ang criteria na ginamit: 1) location/activities/amenities 2) service 3) price 4) food.
1) Shangi-la Hotel Makati
Amenities: Very good - OK ang location - lapit sa Greenbelt at Glorietta. OK ang swimming pool at spa. OK ang gym at ang tennis court. Sobrang galing ng concierge service nila.
Service: Excellent
Price: Good - ranging from 9,000 to 11,000pesos. (Corporate Discount kasi magiging 5,500p na lang)
Food: Excellent - Circles, Shang Palace at lalo na Red - excellent food.
2. Hotel Sofitel Manila
Amenities: Very good - Sobrang galing ng swimming pool nila - parang resort. OK din ang Bar, merong casino. OK ang spa. Ganda ng view ng Manila Bay galing sa hotel room. OK din ang toiletries. At...Da best sa lambot ang unan at tuwalya! Kelangan lang nila i-upgrade ang mga rooms.
Service: Good - OK ang service. And di OK laging ang haba ng pila sa check-in counter
Price: Very Good - ranging from 6,000 to 8,000pesos.
Food: Good. Excellent food sa Spirals, pero not so good sa ibang restaurants lalo na sa lobby cafe nila. Iyong Cafe Americano sa lobby costs 280 pesos. Be warned.
3. Peninsula Hotel Manila or Manila Pen
Amenities: Very Good - The best ang lobby nila. OK ang cocktails sa bar. OK ang kapehan. Sobrang peaceful at relaxing ng kuwarto. impressive din ang fountain sa labas. Kelangan lang din nilang baguhin ang mga kuwarto nila - medyo luma.
Service: Excellent
Price: Good - ranging from 7,000 to 9,000pesos.
Food: Very Good. Sobrang OK ng pagkain sa mga restaurants lalo na sa Lobby Cafe - kaso mahal e. Ang halo-halo ay 300 pesos++ =)
4. Manila Hotel
Amenities: Very Good - Kung historical at classic hotel ang gusto ninyo - stay at Manila Hotel. Parang museum kasi. Best feature - yung mga malalaking kuwarto. Sobrang ganda nga pala ng ballroom nila - grabe, the best! - kaso di ka naman lagi gumagamit ng ballroom e. Medyo turn-off para sa naghahanap ng modern amenities - sa iba na lang kayo mag-stay =).
Service: Good. Di consistent minsan excellent, one-time naman bad.
Price: Good/Fair - ranging from 8,000 to 10,000pesos.
Food: Good/Fair. Sana i-upgrade na nila ang mga restaurants nila - lalo na ang buffet. OK naman ang food, pero dahil mahal kasi (1,300++), ine-expect mong mas OK pa.
5. Marriott Hotel Manila
Amenities: Very Good - Since bago, very modern ang facilities sa hotel room. May LCD TV sa CR at may internet access sa TV. Since katabi ng Republiq at RW - may access sa mga restaurants, mall at casino.
Service: Good/Fair. Huwag mag-expect ng service na special. OK lang.
Price: Very Good - ranging from 6,000 to 8,000pesos.
Food: Good/Fair. OK naman ang food, kaso sobrang mahal. Hindi sulit sa presyo. Mas mahal pa ang presyo kesa sa Shangri-la. Ang hirap ma-gets. Pumunta ka na lang sa RW o Republiq para kumain.
In Summary:
HOTEL AMENITIES
Best: Maxim's Tower. Shangri-la Makati. Manila Hotel
HOTEL SERVICE
Best: Shangri-la Makati. Manila Peninsula. Pan Pacific Hotel Manila.
Worst: Maxim's Tower. This is the hotel suite with the WORST SERVICE in the PLANET EARTH. Sinabi ko na rin ito sa Vice-President nila face-to-face.
PRICE - VALUE FOR MONEY
Best: Hotel Sofitel. Marriott Hotel. Shangri-la Hotel Makati.
Best Hotel under 5,000 pesos: Di ko sure e, pero sabi nila OK daw ang Best Western at ang Grand Opera Hotel. Di pa ko naka-stay.
FOOD
Best: Shangri-la Makati. Mandarin Oriental. Diamond Hotel.
Worst: Manila Hotel (di naman pangit - pero di sulit). Marriott Hotel (sobrang mahal ng pagkain. mas mahal pa kesa Shangri-la)
5 comments:
Sayang naman yung best amenities ng maxim's towers kung panget naman ang service...
Bakit worst sa service ang maxim's towers?
I think yung Astoria hotel sa ortigas eh pwede sa Best Hotel under 5,000 pesos...
tito ido ok din ang foods ng sulu hotel , kasi last month nag anak ako ng kasal don ginawa ang reception ,
wala na raw yon restaurant na malapit sa pool ,
ay oo nga kuya jim. nagovernight kami nila ma sa sulu hotel - nung debut ata nila kriza. nag-kape nga kami - and I remember sobrang ok ng kape dun. pero parang gigibain na raw yun - dating balita
kuya jim, ang best hotel daw in Quezon City is the Stone House Hotel sa eRodriguez. 2,500 daw a night. pero di pa ko nakapunta dun e
Post a Comment