Ang flight sa Thursday ay sa 4:50pm. Punta na tayo ng 2:30pm, para 2 hours before. The night before susubukan kong i-web-check-in tayong lahat, para duon tayo sa maikling pila.
IMPAKE
1) 4 gabi at 3 araw lang po tayo sa Singapore. At 15 kilos lang ang bagahe sa naka-check-in.
2) Bawal magdala ng fresh food - fruits, longganisa sa Singapore. Bawal magdala ng maraming pagkain. Bawal kapag mahuli syempre.
3) Mas mainit sa Singapore ng 1-2 degrees, kesa Manila. So magdala at magsuot ng light clothing. Sabi nga ni Tita Edith, magdala ng colorful na damit para maganda sa picture.
4) Eto lang, asa ibaba ang weather forecast sa Singapore next 10 days. Hahaha. What do you expect August e, so 60% chance of rain, habang andun tayo. 87-89 Fahrenheit = 31-32 Celsius.
SA AIRPORT
1) Pumunta sa airport ng 2:30pm o mas maaga. Duon tayo sa Terminal 3 - katapat ng Resorts World.
2) i-Present ang eTicket at passport sa guwardiya. Di kayo papapasukin pag walang passport at eTicket.
3) Pagkapasok ng airport - humarap sa kanan. At pumunta sa dulo ng airport para magbayad ng Airport Tax - 1,620 pesos ang bayad per person. Habaan ang pasensya at mahaba ang pila dun madalas.
4) After magbayad ng tax - mag-iintayan na tayo. Para sabay-sabay na ang check-in. Pag naka-web-check-in tayo dun tayo sa maikling pila. Pag hindi, duon tayo sa sobrang habang pila.
5) Habang naghihintay, sagutan na ang Departure Card. Makakahingi nito sa mga airline counters.
6) Bago makapasok sa Immigration, magbabayad ng 750 pesos sa Terminal Fee
CHECK-IN at HAND-CARRY
1) 15 kilos lang ang allowed na timbang na maleta. Kung may balak mag-shopping sa Singapore, e huwag ng magdala ng santambak na mga gamit. Konti lang kasi talaga ang 15 kilos e.
2) Bawal magdala ng anything liquid at anything gel sa inyong handcarry, na more than 100 grams. Kung merong lotion, facial gel, pabango na malaki - ilagay sa check-in baggage. Kung meron kayong ganitong bag - the best. Lahat ng magkasya diyan puwede ng i-handcarry.
3) Kung may dalang kutsilyo (ewan kung bakit), razor, nailcutter - ilagay po sa check-in luggage, bawal sa handcarry ito.
SA AIRPLANE
1) Lahat naman tayo ay may reserved na upuan papuntang Singapore.
2) Bawal pong kumain ng baong pagkain sa eroplano. May binebenta silang pagkain sa loob ng eroplano, pero sobrang mahal. Ex. Oishi Potato Chips = 50 pesos. Instant Noodles = 80 pesos.
3) Bago sumakay ng plane - magmeryenda na po
4) Ang flight ay tatagal ng 3 hours.
No comments:
Post a Comment