Parang tama ata ang kasabihan, as you grow older you don't change, rather you become more of who you are. Para sa marami sa PB 2G - lagpas na 40 na taon na silang magkakakilala, at yung iba nga 50 years pa. Majority tumira sa isang environment - sa compound, pero iba-iba pa rin ang pag-uugali.
GALIT, INIS, PASENSYA, TAHIMIK INDEX
Mga prone sa galit at inis, magsasalita pa at ipapakita pa sa iba
- Tito Par (hahaha, no.1 pa)
- Tita Edith (pero idadaan sa joke)
- Tito Ido (masungit lang at walang pasensya pero di naman galit, talagang pinag-tanggol ang sarili)
- Tito Jim (mabilis magalit, pero mabilis mawawala)
- Tita Vangie (magagalit, pero kay Kuya Jim lang hahaha)
- Tita Ate (di nya kayang kimkimin ang mga side comments)
Prone sa galit at inis pero tahimik lang (at least sa trip na ito)
- Tita Yet (tendency na tiisin, di magsasalita, tatahimik na lang. pagkatapos? =)
- Tita Petite (tahimik lang in a crowd, pero samin - dami nyang kuwento hahaha ilaglag ba)
- Tito Jorge (dapat asa peace lover kaso minsan kumukunot ang noo niya, so dito siya)
- Tita Helen (kung may venue, for sure would speak her mind, pero walang opportunity sa trip na ito)
Peace Lovers at dapat sabitan ng medalya
- Tito Egay (ako'y shocked dahil ni isang beses di kasama si Tito Egay sa anumang eksena)
- Tita Bhogs (huwag ng umangal ang iba dito ha, sa trip na ito peace goddess si Tita Bhogs)
- Tony (well ilagay muna natin sya dito, dahil wala naman siyang pinakita otherwise)
- Tita Dang (parang dedma lang sa mga galit, dedma rin sa cap at sa chocolate hahaha)
- Tita Tetes (na-admire ko ang very peaceful demeanor ni Tita Tetes)
- Tito One (nakikinig, nasa background pero alam niya nangyayari, hindi sumasali sa eksena)
- Tita Che-Che (Grabe naman sa haba ng pasensya, parang ms. friendship talaga)
I could be very wrong. Again, just based on observations walang scientific analysis involved, so please feel free to contradict =).
Ang good thing about the group ay ang ganyang diversity - iba-iba talaga ang personalidad. Kung pare-parehas ang lahat - napakaboring naman nun. Ang maganda, di naman sabay-sabay umiinit ang ulo nung first 2 groups. Kelangan din talaga ang Peaceful group para ma-balance. So nung uminit ang ulo nila, kanino ba sila nagkuwento? e di sa peaceful group.
You can choose your friends but not your relatives. Talagang magkakamag-anak tayong lahat sa ayaw ninyo't sa gusto hahaha.
No comments:
Post a Comment