Thursday, August 4, 2011

Maxim's Suite Tower Manila

2 buwan na ata nung stay kami sa Maxim's Tower.  Iniisip kong makakalimutan ang very bad experience from this hotel.  Eto ang kuwento:

Since mahilig si Chanel mag-swimming, naghahanap ako ng hotel na merong private pool.  So nakita ko nga ang Maxim's Tower na merong private jacuzzi.  Binook ko ang hotel reservation 3 weeks before.  2 weeks before, tumawag ako to reconfirm at sabi ng Maxim's confirmed daw.  Close to 15,000 pesos ang bayad, so talagang sinigurado ko na ayos ang lahat.

Pagdating namin sa Maxim's Tower ng 1pm, hindi pa raw ready ang room.  2pm kasi ang check-in.  Kaso nung nag-reserve ako OK daw na pumunta na ng 1pm dahil may advanced booking naman ako.  So nagkape muna kami sa lobby. 

Pag dating ng 2pm eto na.   Hindi raw available ang room.  At gagawa raw sila ng paraan.  Ang problema sa Maxim's Suite wala silang reception area - meron silang maliit na desk sa harap para magtanong.  So halos 45 minutes kaming naghihintay sa lobby - na walang tao sa desk, walang matanungan.  Actually marami pala silang empleyado na di ko sure kung ano ginagawa - parang taga-Welcome lang ata, pero di naman taga-reservations.

Pag dating ng 3:15 pm.  Ayos na raw ang kuwarto namin.   Puwede na raw pumunta.  OK sa pumunta na kami.  pag dating namin sa kuwarto - anak ng tinapa - walang jacuzzi!  So ang binigay sa amin ay yung regular room.  Bakit kaya kami magbabayad ng 15,000 para sa regular na kuwarto e di sana sa mas murang hotel na lang kami nag-stay.

Naimagine nyo na ang galit ko sa panahon na ito.  Binaba na naman namin ang mga gamit namin.  Bumalik sa desk sa lobby - na syempre wala na namang tao sa reservation.  Again marami na namang empleyado dun na nag-chi-chikahan pero di tumutulong.  Naghintay ng 30 minutes na naman. 

Ang dahilan daw kasi:  iyong mga guests sa kuwarto nag-decide mag-extend ng stay.  So di daw sila aalis.  Ibig sabihin wala pala talaga kaming kuwarto. 

Mag 4pm na ata nung nilapitan ako ng Vice President nila.  Nag-so-sorry at kung anu-ano ang sinasabi.  In summary, wala talaga kaming kuwarto. 

Di ko na maalala ang exact statements ko pero parang mga ganito:
- "Oh Vice-President, with how badly screwed-up your reservation is I was expecting your President to come down and apologize"
- "So what you are saying is that after 3 weeks of reservation there is no available room for us"
- "Both of us are in the service business, if I did half of what you did to me to my client, I would get fired right away.  Tell me something good that would merit you keeping your job"

Meganon?!!?!  haha.  Pag ganitong sitwasyon nawawala na ang Tagalog ko e hahaha.

Sabi nila, magstay daw muna kami sa standard room, hanggang may mabakanteng kuwarto.  Wow! Di ko maisip kung paano mo masasabi ito sa isang guest na 3 oras na naghihintay at walang kasiguradohang meorn ngang bakanteng kuwarto. 

Sinabi ko rin pala sa kanila: "Unlike many of your guests, 15,000 is a lot of money for me.  This is our first time to stay in your Suites so we were hoping for a once in a lifetime relaxing experience.  Because honestly, I am not sure whether I can afford to stay here again".

Kadalasan nagstay sa 5-star hotel, dahil nga sa convenience at sa service.  Di ko maaalala na sobrang nagalit ako sa isang hotel.  Pinakamalapit na siguro ay yung sa Hotel Sofitel, dahil grabe naman 45 minutes bago ka maka-check-in dahil sa haba ng pila.

So unang beses lang talaga ako nagalit ng ganito sa isang hotel.

Again, amenities ang facilities-wise exceptional ang Maxim's:  200+ sq meters ang kuwarto namin, sa loob ng suite namin merong bar, 2 kuwarto, bathroom, 2 toilet, kitchen.  Merong LCD TV na malaki sa sala, meron ding LCD TV sa bar, sa CR.  Hands-free ang garbage bin.  May internet sa TV.  Ang coffee maker nila ay yung Nespresso na sobrang sosyal.  Pero hindi talaga sulit ang lahat ng ito - kung hanggang last minute e di mo sigurado na meron kang kuwarto.

Ang siste, bago kami nag-decide magstay sa Maxim's nabasa ko na itong blogpost na ito.  Obviously, binigyan ko ng chance ang hotel na ito - iniisp ko baka isolated case lang.  Eto ang galing sa First Class Project Blogspot...


No comments: